TL #87

265 21 0
                                    

Messenger

Helen Navarro
Active Now

Tabithia, nabasa mo ba ang post ni Norena?

Hello po, ma'am, opo.

Kausap ko na po si Chloe tungkol do'n, sorry po at may biglaang problema. Hindi ko rin po iyon inaasahan kay Cleneo.

Totoo ba ang mga sinabi niya?

Hindi po, ma'am... mahirap pong ipaliwanag pero lahat nang sinabi niya sa post ay purong galing lamang sa kanyang isip.

Sabihin mo sa mga kapartido mong huwag nang makisawsaw sa comment section. Maraming students ang naalerto sa post kaya inaaksyunan naming mga teachers na huwag nang palakihin pa ang accusations gayong wala pa namang panayam mula sa inyong tatlong sangkot.

Saka isa pa, personal ang problemang ibinahagi ni Norena. Sino bang na sa tamang pag-iisip ang magbabahagi sa internet ng personal na isyu? Para ano, makakuha ng simpatya ng tao? Hindi ko talaga maintindihan ang mga bata ngayon.

Opo nga, ma'am, e... sa katunayan pa nga po, ilang beses nang sinubukan nina Chloe at Dario kausapin si Cleneo dahil mula last month pa po yata siya may topak.

Lubos akong nag-aalala, ha, lalo na sa 'yo dahil bilang matagal mo ng guro ay alam kong hindi ka tulad ng mga sinabi ni Norena sa post. Tutulong ako para maayos agad ang problema ninyo.

Salamat po talaga, ma'am!! Nanginginig nga po ako kanina sa galit habang binabasa ang post.

Teka LangWhere stories live. Discover now