OS 002: Justin

444 6 2
                                    

LETTING YOU GO

Napangiti ako ng bahagya ng makita ko si Justin na papalapit sakin. Sa wakas, pumunta siya para makita ako. Tumayo ako para salubungin siya ngunit hindi niya 'ko pinansin at nagtutuloy tuloy lang ng lakad. Huminto siya at naupo sa damuhan, sinundan ko na lamang siya. Inilapag niya sa damuhan ang hawak niyang bulaklak.

Hindi mo man lang ba ibibigay sa 'kin 'yan?

Umupo ako sa damuhan katapat niya, ni hindi man lang niya ko pinapansin. Parang balewala lamang sa kaniya ang presensya ko. Napabuntong hininga ako bago magsalita.

"Thank you for coming."

Pero hindi siya umimik, nanatili lamang siyang nakatitig sa damuhan.

Naiintindihan ko yun, marahil ay galit pa siya sakin. Isang taon na rin ang nakakalipas simula ng bumitaw ako sa kaniya. At may karapatan siyang magalit sa 'kin, may karapatan siyang hindi ako pansinin, may karapatan siyang hindi ako kibuin, naiintindihan ko.

Napapitlag ako ng makita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya, nataranta ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nanatili na lamang akong nakaupo sa harapan niya.

"Bakit?" Panimula niya, punong puno ng sakit ang tono ng boses niya.

Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kaniya, tuluyan na ring umagos ang mga luha ko.

"Bakit hindi ka lumaban?" Hikbi niya. Nanginginig ang mga labi niya habang nagsasalita. "Nangako tayo sa isa't isa, na lalaban tayong dalawa kahit anong mangyari. Pero bakit? Bakit hindi ka lumaban?"

"I'm sorry," panimula ko habang patuloy na rumaragasa ang luha mula sa mga mata ko. "I'm sorry napagod ako, I'm sorry for breaking my promise to you."

"Hanggang ngayon hindi pa din kita makalimutan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan yung sakit ng pag iwan mo sa 'kin," patuloy niya pa.

Paulit ulit ko lamang binabanggit ang mga katagang I'm sorry habang patuloy na umaagos ang luha ko.

Bumuntong hininga siya pagkatapos ay umayos ng upo. Pinunasan niya ang luhang niyang hanggang ngayon ay 'di pa rin maawat.

"I'm really sorry. I wanted to fight, I really do, but-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"I hope you're happy now. I should be over you now but I just can't." Huminto siya sandali bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Isang taon na rin, isang taon na ang nakakalipas simula nang iwan mo ko dahil sa sakit mo."

Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig at sinampal ng katotohanan... katotohanang wala na 'ko, patay na ko. Oo nga pala, one year ago, we were both fighting with cancer.

"'Wag kang mag aalala sa 'kin, magaling na ko. Tinupad ko yung pangako ko sa 'yong lalaban ako. I should let you go now. I love you!"

Hinimas niya ang lapida kong saan ako nakaupo ngayon. Ngumiti siya at muling pinunasan ang pisngi niyang puno ng luha. Tumayo siya at tumalikod sa 'kin. Nagsimula siyang maglakad hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

------

dedicated to Queenixzyhehe. Actually last January pa dapat to, pero ngayon lang ginanahang magsulat.

Your votes and comments are highly appreciated :)

SB19 One Shot CollectionWhere stories live. Discover now