OS 004: Ken

370 4 1
                                    

SECRET ADMIRER

"Athenaaaaaaaa," malakas na sigaw ni Devie pagkakita sa akin, sa sobrang lakas ay napatingin sa kaniya ang mga tao. Bahagya siyang tumungo upang humingi ng paumanhin kaya humalakhak ako. Hindi na siya naghinatay pa't agad na tumakbo patungo sa akin, mukhang atat na atat at may gustong sabihin.

"Muntik ka nang malate, Dokotora," sabi niya.

Umakbay siya sa akin at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Late akong nagising, nurse Devie," I mocked her.

Huminto kami nang marating ang counter. binaling niya ang tingin sa akin at nginisihan ako.

"Problema mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

"As usual, nagpadala nanaman ng boquet of flowers and coffee 'yong Architect mo. Sobrang sweet niya, hindi talaga siya pumapalyang pakiligin ka!" Kinikilig na sambit niya.

"Anong pakiligin ako? Ikaw nga 'tong kinikilig e," pagtataray ko.

Kinuha ko ang boquet at binasa ang note na naroon.

"I saw you leaving your condo in a hurry. I know you didn't eat your breakfast so I hope you'll enjoy what I give you. Take care, always! <3

— Architect S."

As usual, he knows what to give me. It's like he's a human CCTV because he always knew when I am getting late or early going to my job. He always know what to give me. At my office, while working, magugulat na lang ako dahil papasok si Devie na may dalang kung ano ano na galing sa kaniya. Minsan chocolates or coffee. Minsan din noong sobrang busy ko at wala akong time lumabas para maglunch, he give me lunch which was brought by Devie as usual.

I actually appreciate his care for me pero minsan napapaisip ako na medyo creepy siya. I mean, kulang nalang malaman niya rin mga pinaggagagawa ko sa loob ng condo ko.

It would be nicer when he show his face. Hindi pa kasi siya nagpapakita sa akin kahit kailan. Though, he said on his notes na iniiwan niya sa mga bulaklak na ilang beses na raw kami nagkasalubong. Hindi ko naman alam kung sino siya roon sa mga nakasalubong ko, sa dami ba naman ng nakakasalubong ko sa araw araw. Hindi naman ako manghuhula. Tinanong ko rin si Devie kung ni isang beses ba ay nakita na niya ito ngunit sabi niya ay naaabutan niya nalang daw ang mga pinapaabot nito sa 'kin sa counter kung saan siya nakaassign. Nagawa pa siya utusan, jusmeyo! Pero parang wala lang sa kaniya at tuwang tuwa pa ang gaga!

"Why don't you just date him, Doc? I mean you're single and you're old enough for that," sabi niya. Nakita ko ang pasimple niyang pagkuha sa isang kape kaya natawa ako. Ayos lang naman, dalawa naman iyon at hindi ko kayang ubusin mag isa.

"Date? Ni hindi ko pa nga nakikita iyon e. Ewan ko nga kung may balak pang magpakita," sagot ko at kinuha ang isang kape.

"So may chance siya kung sakaling magpakita?" Tanong niya at sumimsim sa kape niya.

"I don't know. Alam mo naman na my heart right now belongs to—," hindi ako pinatapos ni Devie at siya na ang tumapos ng sentence ko.

"A co-Doctor. Oo alam ko na iyan, Doktora!" Umiling iling siya at bumuntong hininga. "Ang kaso, iyang napupusuan mo mukhang imposible atang ma-inlove sa kahit na sino," sabi niya bagay na ikinatawa ko, tumawa rin siya sa sinabi niya.

"Speaking of him, nandito na siya! Balik na ko sa trabaho ko at baka mapagalitan pa tayo," nagmamadaling saad niya pagkatapos ay agad bumalik sa pwesto niya.

SB19 One Shot CollectionWhere stories live. Discover now