OS 003: Stell

356 4 1
                                    

COFFEE

I was just looking at the people passing the streets with their umbrellas habang nakasilong sa school supply na pinanggalingan ko. Some of them are in a hurry, their bags at the top of their head so that they won't get wet and some were just enjoying the rain, palibhasa may dalang payong.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa mga pinamili ko. Iniangat ko yun at niyakap para hindi mabasa ng ulan. Bakit pa kasi ngayon umulan? Hindi pa naman ako nagdala ng payong. Malayo pa ang sakayan ng jeep o taxi rito kaya namomroblema talaga ako.

I squatted on the ground, napagod dahil sa matagal na pagtayo. I looked on the ground, malalim ang iniisip. Napakunot ang noo ko when someone sunddenly blocked my view. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at nahugot ko ang hininga ng mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko.

Stell.

He's holding an umbrella with his right hand and on his left is a plastic bag, malamang nanggaling din siya sa loob ng school supply at namili kagaya ko. He's wearing his specs which makes him looks cute and handsome at the same time. Natataranta akong tumayo.

"Wala kang payong." It was more like a statement than a question. Tumango lamang ako. "Pauwi ka na? Ihahatid na kita."

Hindi ko alam kung paano siya sasagutin, I mean kilala ko siya but I am a complete stranger to him. Pero kung sabagay, mabait siya sa lahat ng tao. I'm sure kahit na sinong taong makita niya na nasa sitwasyon ko ay ganoon ang magiging trato niya.

I looked at him, nakataas ang parehong kilay niya, naghihintay ng sagot ko. I give him a small smile before slightly nodding my head. Wala na akong choice kundi magpahatid sa kaniya. Baka mamaya, hindi tumila ang ulan at tuluyan na kong hindi makauwi ng condo ko.

Sinenyasan niya kong maghintay. Lumakad siya papunta sa kotse niya at inilagay sa backseat ang pinamili niya. When he came back, he told me to give him the plastic bag para mailagay din iyon sa backseat. Pagkatapos ay agad siyang pumunta sa 'kin para payungan ako. He was holding the umbrella on his left arm while his right arm was on my right shoulder. He was so careful not to get me wet by the rain. He was so close to me that I could smell his manly scent. I bit my lower lip, nahihiya sa inaakto niya. Pinapayungan niya pa ko noong pasakay na ako sa shotgun seat kahit medyo nababasa na siya ng ulan. He closed the door of the shotgun seat before walking to the other side of the car. He asked me my address before he started the engine.

We were just quiet the whole time, nakatingin lamang ako sa bintana. Kanina pa nagwawala ang buong sistema ko, hindi ko lang pinapahalata. All of his fangirls dreamed of being with him, at maisakay sa kotse niya. Of course he's Stell, the Great Stellvester Ajero who captivated the heart of almost all the girls in our university. Hindi na rin ako magtataka kung bakit. He's not just handsome, his voice is heavenly! He dance so well, he can play musical instruments and they said he also has a great cooking skills. Plus, he really is kind. Well, he treats all people fairly. He's an ideal type, all girls could wish for. No wonder I also have a big crush on him.

The car stopped in front of my condo. I was about to go out when he stopped me. He opened the door of his car and opened his umbrella. Binuksan niya ang pintuan ng kotse sa tabi ko at sinenyasan akong lumabas. He held my shoulder again and then guided me to the building. He told me to wait and when he came back, he was already holding the plastic bags that's actually mine. He handed it to me.

"Thank you," I sincerely said. Sobrang laking abala na ang ginawa ko sa kaniya.

"Pleasure," he replied and smile at me.

"Do you wanna come in? For a coffee? For a while?" Paliit na paliit na boses na sabi ko. Natawa siya kaya napanguso ako.

"Sure," he said, still laughing a bit.

Tumalikod na ko at naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa likod ko. Huminto ako sa tapat ng elevator at pinindot iyon, hinihintay na magbukas. Nang bumukas iyon ay agad akong pumasok, sumunod naman siya sa 'kin. Sobrang tahimik namin sa loob kaya halos mapatalon ako sa gulat ng biglang tumunog ang phone ko. Napahawak pa ko sa dibdib ko dahil sa gulat. Napatingin ako sa kaniya bago kunin ang cellphone sa bulsa ko. He was grinning. I looked away and answered the call.

"Athenaaaaaaaaaaa!" Bungad ni Kath, inilayo ko pa iyon sa tenga ko dahil sa pagsigaw niya. "Ang tagal mo, anong petsa na? Ang sabi mo babalik ka kaagad?"

Nanlaki ang mata ko "Shit! Malapit na ko," iyon lang ang sabi ko bago ibinaba ang tawag dahil sa panic.

Nakalimutan ko, nasa condo ko pala ang tatlong kaklase ko dahil sa isang group project namin. At nandito si Stell! Pag nakita siya nila, paniguradong aasarin nila ko dahil alam nila kung gaano ako kapatay na patay sa kaniya. Pinagsisisihan ko na tuloy kung bakit ko pa siya inayang magkape.

I was already biting my lower lip and stomping my foot because of nervousness, napansin ata iyon ni Stell kaya tinanong niya ko kung okay lang ako. Tumango lamang ako sa kaniya.

Nang bumukas ang elevator ay lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Teka bat ba ko kinakabahan? Ano naman kung kasama ko si Stell? Magkakape lang naman siya, pasalamat na ko na rin dahil sa paghatid niya sa 'kin. Pilit kong pinakalma ang sarili. Pagkapasok sa loob ay napalingon agad sila sa amin, nanlalaki ang mata dahil sa taong kasama ko. Napaayos agad sila ng upo at umamong parang mga aso. Napatingin ako sa paligid dahil sa kalat na ginawa nila. Jusmeyo nakakahiya!

"Upo ka muna dun, ipagtimpla lang kita." Tumango lamang siya.

Nauna na kong maglakad sa kaniya at nang dumaan ako sa mga kaibigan ko ay pasimple akong kinurot ni Rona. Pinanlakihan ko siya ng mata, nagbabanta at dire diretsong nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. I saw Stell sit on the sofa. Binulabog kaagad siya ng mga kaibigan ko, palibhasa mga walang hiya! Para tuloy siyang nasa prescon at iniinterview. Napailing na lamang ako.

Nang matapos magtimpla ay agad akong umalis sa kusina at pumunta sa kanila. Umupo ako sa pang isahang sofa at ibinigay kay Stell ang kape. I was just quiet while my friends were firing questions with him, halos hindi na nga siya humihigop sa kape niya dahil sa dami ng tanong ng mga kaibigan ko!

"Where's the comfort room?" Maya maya pa'y tanong niya.

"Comfort room daw te, samahan mo baka maligaw," saad ni Rona. Tinulak niya pa ko kaya muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko. I glared at her and she just laugh at me.

Tumayo nga ako, I guided him to the comfort room pagkatapos ay agad akong bumalik sa sofa.

Inasar asar nila ko, tuluyan nang nakalimutan ang ginagawang project namin! Matutuloy lamh siguro iyon kapag nakaalis na si Stell sa condo na to. Sinabi pa nila kung gaano ko siya kacrush kaya tinakpan ko ang bibig nila sa takot na marinig niya kami. Mayamaya pa, tumayo na ko para puntahan siya, nagtataka dahil ang tagal na niya roon. Nagulat ako ng makita siyang nakatayo sa labas ng CR, looking at the sofa! Narinig niya kaya kami? I pursed my lips.

Babalik na lang sana ko but then he grab my wrist kaya napalingon ulit ako sa kaniya. Tinulak niya ko hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. He put his arms on the side of me, cornering me. Napalunok ako't napatingin sa kaniya.

"Damn! If only I knew that you like me too," he said that make my heart go wild. Narinig nga niya!

"I... I should've courted you," he continued.

Nanlaki ang mata ko, gulong gulo sa mga pinagsasasabi niya. What? Does he like me too?

Halos mawalan na ko ng hininga nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko. Halos manlambot ang tuhod ko kung hindi niya lang ako hinawakan sa bewang ko.

"Damn, I like you so much!" Saad niya pagkabitaw sa halik.

He likes me too!

Umalis ako doon at agad na nagtatakbo pabalik sa sofa. Nahiya akong harapin bigla ang mga kaibigan ko. Feeling ko gumawa ako ng krimen sa likod nila.

Napalingon ako kay Stell na palapit sa amin, nakatingin siya sa akin at may pilyong ngiti sa labi.



***

Note that all of my female lead in my one shots will be named Athena to represent A'TIN. You can imagine yourself as the protagonist ;)

Your votes and comments are highly appreciated :)

SB19 One Shot CollectionWhere stories live. Discover now