OS 005: Pablo

235 5 0
                                    

SET UP

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang pagring ng cellphone ko. Inis ko itong dinampot mula sa side table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napabuntong hininga ako nang makitang si Paulo ang caller, ang aga aga nang iistorbo nanaman ang isang 'to. Humikab pa ko bago sagutin ang tawag.

"Hello?" Saad ko pagkasagot ng tawag.

Bumalik ako sa pagkakahiga at hinintay ang sasabihin niya.

"I set you up with someone," diretsang sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko at tiningnan kung si Paulo ba talaga iyon at nang masigurong siya nga ay napakunot ang noo ko.

"Anong pakulo 'to, Pau? Ang aga aga ayan ang ibubungad mo sa 'kin?"

"Everything's done and you just need to come. 6 pm sharp. Bawal tumanggi."

"I don't—" I was cut off when he ended the call. Ni hindi man lang ako pinatapos!

Ano ba ang naisip ng lalaking 'yon at naisipan niyang iset up ako ng date sa di ko naman kilalang lalaki. At alam niya naman na ayoko sa mga ganito, sa tingin niya ba mapapapayag niya 'ko dito? Manigas siya! Ayoko pumunta. Por que ba mahal ko siya e susundin ko na lahat ng gusto niyang ipagawa sa 'kin? Siya 'yong gusto ko e, siya 'yong mahal ko pero ipagtutulakan pa ko sa iba. Nakakainis! Bahala siya sa buhay niya. Basta hindi ako sisipot.

Inis kong binalik ang cellphone sa table at humiga agad pagkatapos ay nagtalukbong ng kumot at natulog ulit.

Nang magising ulit ako ay una kong hinanap ang cellphone ko. Nakapikit pa akong hinagilap iyon sa side table ko kaya maraming gamit ang nahulog mula roon. Nang sa wakas ay mahawakan ko ang cellphone ko, agad ko iyong binuksan at bumungad ang message galing kay Pau.

Paulo:
You better come, if you don't come you won't be able to taste my mom's recipe ever again.

Ako pa talaga ang tinakot niya. Marunong din magluto ang mama ko! Pati ako! Ano naman kung di ako makakain ng luto ng mama mo? Ikamamatay ko ba yun? Umirap ako bago magreply.

You:
I don't care! I still won't come 🙄

Paulo:
Hindi mo na rin matitikman ang luto ko.

Agad na nanlaki ang mata ko sa reply niya. Napakaharsh talaga nitong lalaking 'to. Walang sinasanto kahit na sino! Nakakainis!

Wala talaga akong balak na pumunta. Buo ang desisyon kong hindi pumunta pero ewan ko ba. Natagpuan ko nalang ang sariling nagbibihis ng white off shoulder dress ending just above the knee. I partnered it with black heels and tied my hair in a messy bun. Nang makuntento sa itsura ko ay kinuha ko ang pouch ko at umalis na ng bahay.

Pumara ako ng taxi at sinabi ang address sa driver. Nasa sasakyan palang ako ay sobra sobra na ang kaba ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng sobra. Dahil ba sa ito ang una kong date? O dahil hindi ko kilala ang lalaki? Pero hindi naman siguro ako iseset up ni Pau sa kung sino sino lang hindi ba? For sure kilala na niya ang lalaking iyon kaya wala akong dapat ipangamba.

Nang makababa ng sasakyan ay mas lalong dumoble ang kaba ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngunit hindi ko magawa. Huminga na lamang ako ng malalim bago nagsimulang maglakad papasok sa park.

Sumalubong sa akin si Stell, kaibigan ni Paulo.

"This way, ma'am." Inilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman ito.

SB19 One Shot CollectionWhere stories live. Discover now