#MOS3

12.3K 509 283
                                    

August 21

2:01am


Lucent
Girl, ano na? Iniwanan mo ako!
God, yung lalaki nasaktan mo!
Nagdugo yung labi niya at ilong!
OMG TALAGA!

Mogen
Nagdadasal ako, wag kang magulo. Tangina mo.

Lucent
HAHAHAHAHAHAHA POTANGINA
LAGOT KA TALAGA
HININGI NG PINSAN NIYA YUNG INFO MO!
MY GOOODDD

Mogen
Ha
Tangina mo, anong ginawa mo? Binigay mo?

Lucent
What do you think? Syempre binigay ko kesa ako yung sisihin hahahahhaha good luck sayo mogen ha
God bless
Patuloy mo yang pagdadasal mo
Mukhang yayamanin pa naman yung tinakedown mo gaga ka

Mogen
Ama namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan Mo, mapasaamin ang kaharian Mo
sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit
At patawarin Mo ang aming mga sala

Lucent
HAHAHAHAHHAHAHAHHAHHHAH
gago ka
Lagot ka sa lola mo

Mogen
Tangina mo Lucent pag ako na-contact non
Ikaw ang ipagtitirik ko ng kandilang itim

Lucent
Okay lang yan malay mo mapatawad ka ngayon ng pingkasalaan mo
Mukha pa namang scary yun
Aguy
Nakita ko siya sa maliwanag eh
Nagdudugo yung labi niya
Ang sarap halikan at sipsipin nung dugo
gwapo niya gurl
Hindi ko alam anong pumasok sa isip mo bakit mo siya sinaktan ng ganon jusko ka
Buti hindi ka binalibag at ginantihan!
Nakakatakot!
Mukhang siga siya
Mag iingat ka palagi
Pero sabagay mukha naman siyang foreigner at hindi rito nakatira sa Pinas
Ligtas ka pa rin hahahahhaha

Mogen
Bampira ka?
Wala akong pakealam sa kanya
Hinipuan niya ako!
Tama lang na nakatikim siya ng combo sa akin

Lucent
HAHAHAHAHAHAHAHAA hinipuan ka?! Hala ka!

Mogen
Oo

Lucent
Sana all!

Mogen
Tangina mo talaga
Pagdadasal ko ang puri mo 🙏🏻
Sige na, bukas na tayo mag-usap
Magsisimba kami mamaya ni mame
Maaga

Lucent
Buti hindi ka nasusunog? Tuwing Sunday present ka sa simbahan. Perfect attendance pero hindi naman totoong nagsisimba
Simbang tabi ka lang gago
Wag mo na lokohin sarili mo

Mogen
Ginigising ako ni mame
Sanay na akong magsimba
Wag kang makealam sa routine ko every Sunday

Epistolary: Midnight on Sunday (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon