#MOS58

6.7K 448 135
                                    

October 12

5:21pm

Holy siblings

Malcolm
Hey, nasa simbahan ka pa ba?

Mogen
Oo, problema mo

Malcolm
May bisita ka, not your friends
Gusto na sugurin ni Morphie
bahala ka

Mogen
Ha sino?

Malcolm
Ewan ko, nandito lang ako sa kusina
at nakasilip. Nandun si Morphie sa sala
kasama si Mame at Mama kausap yung
bisita mo

English speaking at may itsura

Mogen
Jari de Vera?

Malcolm
Hindi si Jari 'to
mukha lang mayaman yun
eto mukhang mayaman na barumbado
May mga tattoo eh

sinasamaan ng tingin ni Morphie
may ibibigay lang daw sayo
paalis na sana kanina kaso hinila ni Morphie
papasok at sinabi kila Mame

Mogen
Green eyes?
Bakit kailangang hilahin ni Morphie?!

Malcolm
Ewan ko, nakita niya yata sa gate e
tapos tinanong ka raw hahahahhaa

Mogen
O ano naman?!
Pigilan mo nga si Morphie
malalagot kayong dalawa sakin
pauwi na ako
wag niyong takutin yan

Malcolm
HAHAHAHAHAHA wtf
Mas malaki pa kay Morphie yun
ano to baby mo?
Sobrang worried ah

Mogen
Letse kayong dalawa
kausapin niyo ng maayos pwede ba?
pls lang

Malcolm
Baby mo nga to?

Mogen
Mukha bang baby yan?!

Malcolm
Sugar daddy na lang?

Mogen
Tanginaka

Malcolm
HOY NASA SIMBAHAN KA PA

Mogen
Nasa jeep na ako, mali ka
lagot kayong dalawa sakin
pag di niyo tinratong maayos yan

Malcolm
Oo na tinawag ko na si Morphie
maayos naman kinakausap ni Mama
kaso si Mame parang ayaw sa kanya
tinitingnan yung tattoos niya hahahaha

Mogen
Lord, please guide my visitor

Malcolm
HAHAHAHAHAHAHA
Di kasi yata maintindihan ni Mame sinasabi
masyadong english eh

Mogen
Malapit na ako
pls lang ilayo mo si Morphie sa kanya

Malcolm
Gagalit si Morphie
tinanong kung palasimba bisita mo
hahahaha

Mogen
Sabihin mo isusumbong ko siya kay Mame
matatauhan yan, may alam akong malala

Malcolm
Ano yun?

Mogen
Basta bilis!!!!

Malcolm
Hahahahah gagu ano yon
umakyat na siya agad!
ano yung malala?
Para may panakot din ako sa kanya

Epistolary: Midnight on Sunday (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon