#MOS121

6K 401 225
                                    

02/19

Malcolm:
Huy nag aalala sila mame sayo

Morpheus:
Kung na kila Lucent ka sabihin mo, hindi yung tinuturuan mo pa magsinungaling mga kamag-anak ni Lucent diyan para itago ka.

Malcolm:
What friends are for? Hahaha

Sige na, Mosiah. Sabihin mo lang na safe ka kung nasan ka man. Hindi ka namin ituturo kay mame at dade. Sabihin lang namin na safe ka.

Morpheus:
Ilang beses na ako nasampal nila mame, dade, mommy at daddy pero hindi naman ako naglayas.

Malcolm:
Tigilan mo nga Kuya!

Pag yan hindi umuwi lalo

Magkaiba naman kayo ng sitwasyon, ikaw maraming katarantaduhan. si Mogen wala naman

Morpheus:
Sumagot kasi siya ng pabalang e

Pero hindi naman masakit manampal si mame kaya bakit umiyak ka mogs?

Malcolm:
Everyone's favorite yan kaya nasaktan feelings

Morpheus:
Bakit kasi pinilit mo pa na gusto mo nga yung foreigner na yon? Tsaka yung package e, wala ka na ngang magagawa dahil di mo na mahahanap.

Malcolm:
Manahimik ka na lang, Morphie. Mas lalo mo lang gagalitin si Mogen e

Morpheus:
Nagtatanong lang naman ako kasi alam naman niyang galit nga sila mame sa paglapit niya dun sa kano

Mogen:
Sinabi ko lang naman yung alam ko, hindi nga masamang tao si Alfieri at wala siyang ginawang masama sa akin nung nakita kami ni Ate Teresa last time. Kumain lang kaming dalawa, hindi ko alam na kasalanan pala sa Dios yung pagkain sa labas kasama siya.

Nakakainis na sobra, nangatwiran na ako kanina kasi sobra na sila magsalita sa taong wala namang pinakitang masama sa kanila

I know they're very disappointed in me now

Morpheus:
Bakit kasi tinalikuran mo habang nagsasalita pa

Malcolm:
Morphie!

Mogen:
Kasi ayoko na marinig lahat

Morpheus:
Dapat hindi mo tinalikuran at hinarap lang sila para malaman nilang seryoso ka rin sa sinabi mo, gusto mo pala yon. Nandun ka na sa nilalaban mong hindi nga siya bad boy o bayolente, dapat nilubos mo na rin yung pagsagot mo para isahan na lang. Hina mo rin e.

Malcolm:
Tangina?

Morpheus:
Nasampal ka ni mame kasi dinamay mo na yung pagiging religious niyo tsaka sabi mo hindi ka na magsisimba

seen by everyone

HAHAHAHAHAHA taena tawang tawa ako kanina pinigilan ko lang

Malcolm:
Morphie nababaliw ka na ba?

Morpheus:
Sa totoo lang hindi rin naman ako boto sa kano na yon

Epistolary: Midnight on Sunday (On-going)Where stories live. Discover now