#MOS168

5.2K 286 22
                                    

4-23

Lucent

Mogen:
*sent a screenshot*

Seriously? What joke is he talking about?

Lucent:
Heto na naman tayo
Bat ako tinatanong mo?
E kayo ang nag-uusap

seen

Malamang yung pinalabas mong kiss lang habol mo sa kanya

So dahil dun kaya hindi siya nag update about sa pag-alis niya at pag-inom kasama pinsan niya?

Mogen:
Grabe parang ang sensitive at babaw naman masyado kung sineryoso niya yung joke ko?

Nakakainis, hindi na ako natutuwa kasi ang gulo na sa isip ko. Masyado na akong affected kapag ganitong arguments

Dapat sinabi niya agad na na-offend siya dun
Hindi yung bigla na lang siyang hindi mag-uupdate sa akin

Tapos ngayon ako pa sasabihan niyang childish?

Ginawa ko lang naman yung ginawa niya para fair

Kung nagsasawa pala siya sa ganitong situation namin sa family ko, mabuti pa sigurong itigil muna ulit

Uuwi naman siya ng Russia kaya ayos na rin siguro yun

Lucent:
Gago sobrang gulo mo, gurl!
Parang kelan lang sinabi mong itutuloy nyo tapos ngayon back to zero?

At medyo childish din naman yung pagganti mo, tama naman siya

Naiintindihan kita tungkol sa hindi pag update pero hindi ko naman sinabing gumanti ka no! Sabi ko lang na nakakairita naman yung ganon pero dapat kinausap mo na lang din o kinompronta tungkol sa mga nasagap mo kay Flavia

HAHAAHHAHAHAHA

Btw, desisyon mo pa rin yan. Dito lang ako as a friend na support lang sa mga desisyones mo sa buhay

Pag isipan mong mabuti yan at baka iiyak-iyak ka na naman next time kasi sayangs

Mogen:
Lucent naman!

Parang hindi na ikaw yung kakampi ko!

Lucent:
Tanga sinasabi ko lang na pag-isipan mo pa mabuti kasi ayoko mag advice na eksakto at baka sa huli ako pa ang sisihin mo nako suntukan na lang talaga tayo 🤣

Mogen:
E kasi nga hindi ko rin alam gagawin ko ngayon
gusto ko siya pero naiirita din ako sa mga pinagsasabi niya

Alam mo ba yung feeling na frustrated kang ilakad siya sa fam ko pero parang hindi worth it?

Ewan ko

Lucent:
Grabe ka naman sa di worth it!
Mayaman naman si Sausage kaya worth it hahahahha

Mogen:
mukha ka talagang pera

Lucent:
Alam mo kulang lang kayo sa communication na maayos-ayos. Isa ka rin kasing patola eh, joke mo mga wala din sa hulog minsan

Si Sausage naman masyadong matampuhin. Hirap ng tandem nyo. Walang nagbababa ng pride

Mogen:
Wow thank you
Mag-sign off ka na

Epistolary: Midnight on Sunday (On-going)Where stories live. Discover now