#MOS9

8.4K 434 108
                                    

August 24

7:43pm

Holy Friends

Trinity
Kumusta naman yung sinapak mo @Mogen? Hahahaha

Mogen
Holy mouth, Lucent na naman nagkwento niyan sigurado

Ruben
Gago si Mogen talaga
Kinwento ni Lucent
Hindi maka-move on sa nawitness niya
Tapos siya pa yung nilapitan nung pamangkin para sa info mo

Redah
Totoo bang pumunta sa bahay ng tita mo?

Trinity
Ayaw sabihin ni Lucent yung pangalan pero kilala raw
Sino ba yon?
Kinikilig pa siya habang nagkukuwento kanina sa school e
Pogi daw yong pinatikim mo ng taekwondo moves mo

Ruben
Porenger daw!
Mga bastos talaga pag porenger, kadalasan sa kanila manyak!

Mogen
Oo, pumunta sa bahay ni Tita. Medyo malas siya dahil lumipat ako sa bahay ni mame hahaha

God is really with me all the time
Nilalayo niya ako sa kadiliman 🙏🏻

Trinity
Tangina talaga hindi ako naniniwala sa mga paandar mong ganyan, juiceko!

Ruben
Totoo, nakakakilabot habang tumatagal
Tapos pictures mo pa puro nasa simbahan
Pero pag tayo magkakasama, kulang na lang madamay kami sa kademonyohan mong tunay

Lunata
Saavedra pala yung sinapak mo, binulong ni Lucent sakin. Pucha ka!

Trinity
OMG SINO SA SAAVEDRA?
MAY NAKITA BA TAYONG SAAVEDRAS SA NIGHTLITE NUN??

Redah
Ay oo meron gago
Totoo nga?
Sino don?
Yung mga nakita ko sila Zaire at Zero eh

I mean si Zaire yung Saavedra nakita ko

Lunata
They were there, sabi ni Lucent birthday daw nung sinapak ni Mogen kaya malamang nandun din yung iba
*sent a screenshot*
Eto yung sinapak niya

Ruben
Grabe???

Trinity
Hala may green eyes din pala na Saavedra?
Porenjer nga!
Gagu ang hottie naman niyan

Lunata
Hindi ko rin kilala sa Saavedra yan ih
Grabe ganda ng lahi nila no

Ruben
Sinapak mo because?

Charot

Anong ginawa nung sinapak mo? Ano bang ginawa sayo?

Lunata
Sabi ni Lucent hinipuan daw siya ayon kay Mogen pero sabi raw nung Alfieri hindi naman? Ano yung tataa?

Mogen
Tbh I don't care anymore if what's true coz it already happened

Inis na inis ako sa lalaking yan kahit gwapo pa siya, wala akong pakealam. Yun yung naramdaman ko kaya wag niya akong inaano

He explained himself and okay, I get that he felt wounded but it was my instinct too

I felt offended, why would I apologize?

Nakakairita talaga kasi gusto niyang magsorry ako sa kanya

He chatted me, called me holy demon 😏

Lunata
Potangina hahahahahahahahahah
Natumpak niya agad yun? Wow
Lahat first impression sayo is angel ka at banal na babae
Pero siya holy demon agad tingin sayo
Wow!

Redah
Yes valid naman yung reason mo at ginawa mo
Pero kung totoo ngang mali ka lang ng bintang sa kanya, baka puwede ka rin namang mag-sorry

Mogen
Neknek niya, hindi ako magso-sorry sa kanya
Wala namang magagawa yung sorry ko dahil nasaktan na siya

Tsaka hindi na, tinawag niya akong holy demon
Valid din na hindi ako magsorry
Demon pala e

Ruben
Tangena bwahahahahahaha
Tapang naman niyarn
Kapal pa ng fes!

Mogen
That's the least this I'll do
Ayoko
Bakit ako magsosorry sa kanya
Paano kung totoo pala? Binigyan ko pa ng pampalubag loob ang manyak? Yaks

Wag niyo rin akong dadahilanan na gwapo siya kaya malabong gawin niya sakin yun dahil hindi yan ang basehan

Bano talaga si Lucent, kilig agad sa gwapo at may willing naman daw magpahawak dun kaya bakit ako pa

If I'm not aware of boys around, baka maniwala ako

Redah
Hahahahaha pucha bohai mo naman yan bahala ka

Lunata
Kawawi kung hindi talaga totoo

Ruben
Oo, lalaki rin ako. Pag ako pinagbibintangan ng babae na hinipuan sila, nanggigigil ako lalo na kung hindi naman totoo at masaklap pa dun nagamitan ng skills ni Mogen hahahahhaa gigil talaga yun

Trinity
Tawang tawa ako kasi di ko maimagine, ang laki nung guy tapos si Mogen hahahahahaha omg ang lakas!

Mogen
Sali ko na lang sa prayers na makahanap siya ng peace sa puso niya eventually

Ruben
Tangina ka real na real 🤣

Epistolary: Midnight on Sunday (On-going)Where stories live. Discover now