CHAPTER 4

9 3 13
                                    

Ken's POV

Hindi kaya siya binugbog ni tito? Hindi ko makita ang lagay ni Ac ngunit alam kong sugatan siya. Subukan lang nila na saktan si Ac ay magkakamatayan na. "Kamusta ka na iho? Hindi mo ba na miss si tito? Diba dati ay parati mo pa akong inaaya papuntang palaruan kasama si Anilah?" ani Marco. Hindi ko alam na ganito na pala ang maidudulot ng pagkakaadik niya. Naging maselan siya at hinahanap niya ng hinahanap sila tita.

Hindi ko alam kung bakit, ngunit bigla nalang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Hindi ako makagalaw ng biglang tinutukan si Ac ng baril ni tito. Nababaliw na nga siya. "Lumapit ka dito kung ayaw mo'ng mamatay ang babaeng mahal mo." Hindi na ako ng dalawang isip na lumapit kay tito. Hindi ko alam ang gagawin sakin ngunit nawalan na ako ng malay nang bigla akong turukan ng isang pampatulog.

Anilah's POV

Muli akong nagising sa pangatlong pagkakataon nang maalimpungatan sa malakas na sigaw. Nagulat ako ng makita ko na ito ay si Ken. Anong ginagawa niya rito? "Anong ginawa niyo kay Ken?! Diba ako lang ang kailangan ninyo? Bakit kailangan niyo pang isama siya rito?" sunod-sunod na sigaw ko. Konting-konti nalang at masisiraan na ako ng bait sa lugar na ito.

Kung hindi na lamang sana ako tumakbo at dahan-dahang pumuntang bahay, hindi sana kami nandito ngayon. "Kailangan lang naman kita eh pero hindi ka nakisama. Kaya lang nandito si Ken ay para mapasama kita sa'kin. Alam ko na gustong gusto mo si Ken diba? Pero ayaw sa kaniya ng nanay mo! Kaya sumama ka na sa'kin kung ako sayo." ani papa.

Hindi na ako maka hindi. Hangga't kasama ko si Ken ay ok na 'ko. "Sige. Papayag na 'kong sumama sayo. Pero sa isang kondisyon. Hindi ka na magbibisyo at iti-tigil mo na ang pag-patay ng tao, mapasama o mabuti man sila." ani ko. Tumango nalang si papa bilang tugon. Isinakay na nila kami sa isang kotse papuntang airport.

Itatago raw nila ako kila mommy at kuya. Oo malungkot kasi mahal ko sila pero hindi naman nila ako tinatrato bilang pamilya kaya't sumama nalang ako dahil ayokong mapahamak pa kaming dalawa ni Ken.

Marco's POV

Isang araw bago ko ma papayag na sumama sa'kin si Celine. Gusto ko lang naman na maging masaya siya at hindi nagdudusa. Kaya ko siya kinuha upang magbago'ng buhay at magpatayo ng business na mas malaki kila Lanie.

Sa totoo lang ay may na simulan na ako at maganda naman ang mga feedback ng ibang kompanya sa'min. Ilang oras pa ay nakarating na rin kami sa airport. Dadalhin ko sila papuntang Hong Kong at doon kami maninirahan hangga't sa mapalago ko na ang business ko roon.

Marami na akong nabili na mga lupa at na launch na iba't ibang branch sa Hong Kong. Ngunit alam ko na kulang ito dahil wala akong mabibigyan lahat ng mana kapag pumanaw na ako ngunit ngayon ay ok na dahil na pilit ko na rin na sumama sa'kin si Celine.

Ken's POV

Nagising ako at nakitang nasa isang airport kami. Hindi ko alam ang nangyari pero mukhang masaya naman ang mukha ni Ac kaya't alam kong ok lang kami. Nakita niya na akong gising at niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi na kami nakagapos at naka bihis na kami ng formal attire. Yung parang ikakasal, pero hindi naka wedding gown si Ac kundi naka dress na black. Para kaming pupuntang lamay.

Ilang minuto pa ay nakasakay na kami sa eroplano. Hindi pa namin alam kung saan kami dadalhin ni tito ngunit alam ko namang hindi niya na kami sasaktan pero subukan niya lang ay magkakapatayan na. Natulog muna kami habang nasa flight. Hindi naman ganon kalayo ang Hong Kong ngunit pagod kami. Makalipas ang dalawang oras at kalahati ay nakarating na rin kami sa Hong Kong.

Marunong naman akong mag Cantonese dahil tinuruan kami ni tito noong bata pa kami dahil sa Hong Kong siya nagtatatrabaho kaya't mapapadali nalang ang pag-aral namin rito. Marunong rin si Ac dahil nga papa niya ang nagturo sa amin. Ipinasok kami ng papa niya sa isa sa pinaka-malaking unibersidad rito. Ito ay gawang Pilipino kaya't karamihan rito ay mga Pinoy. Nakarating na kami sa hotel na pagmamay-ari ni tito.

Mukha nga'ng lumalago ang business ni tito. "Dito muna tayo maninirahan sa ngayon. Hindi tayo aalis rito hangga't walang nakakahanap sa'tin. Maliwanag ba?" ani tito. Sana ay mapayapa na ang buhay namin rito. Maya-maya pa ay tinawagan na ako ni mama. "Ano nak, kamusta kayo jan? Ok lang ba kayo ni Anilah?" alalang tanong ni mama. "Ok lang naman po kami rito. Hindi naman na po kami sinaktan ni tito at sa katunayan pa nga ay ini-enroll niya pa kami sa isa sa mga pinakakilalang unibersidad sa Hong Kong." ani ko. Nagtuloy ang aming pagu-usap ng dalawin na ako ng antok at ibinababa ko na ang tawag. Maganda sana ang pakikitungo ng mga tao samin sa Unibersidad na 'yon.

A/N: Sorry po kung natagalan yung ud. Nakalimutan ko na po kasi na nagsusulat ako at ginawa ko lang naman ito dahil wala akong mapaglibangan. Sana ay nagustuhan ninyo itong bagong ud. Sorry sa mga typo <3333

Just An Ordinary Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن