CHAPTER 2

21 3 3
                                    


Anilah's POV

"Bakit ka naparito?" tanong ko kay Ken. "Ah, gusto ko sanang makausap si tita Lanie." ani Ken. "Ah sige pasok." saad ko. "Mommy! kakausapin daw po kayo ni Ken!" sigaw ko nang hindi pa nakalalayo si mommy. Umakyat na akong muli dahil si mommy naman pala ang dahilan kaya siya naparito. Nilibang ko ang aking sarili nang mapagtanto ko na alas-sais na pala ng gabi.

Bumaba na ako para kumain. "Mommy! Ano pong ulam?" tanong ko nang makababa sa hagdan. "Tignan mo nalang hindi yung bibig mo yung pina pagana mo!" sigaw nito pabalik. Sabi ko nga. Hindi ko naman ma kontra ang aking nanay dahil nanay ko pa din naman siya kahit papaano, hindi nga lang halata.

Natapos na kaming mag-hapunan at ano pa nga bang aasahan ko sakanila, syempre ako nanaman ang magliligpit ng mga pinag kainan at maghuhugas nito. Hindi naman sila ganito dati pero simula nang mag rebelde ang isa pa naming kapatid ay sa'kin nila sinisi lahat dahil malapit ako sakaniya ngunit hindi ko man lang siya pinigilan.

Hindi ko siya masisisi sa desisyon niyang pag-alis dahil bago ako ang pahirapan nila ay siya ang nauna dahil siya ang pinaka matanda at siya "raw" ang may responsibilidad  sa mga gawaing bahay.

Matanda na rin naman siya para mag-desisyon para sakaniyang sarili. Pumayag na lang din ako na umalis siya sa impiyernong ito.

....................................

Tanghali na nang magising ako. Late na ako sa school. Dali-dali akong naligo at bumaba na para kumain ng almusal. "Bakit late ka ngayon?" tanong ng kuya kong tamad.

"Hindi kasi tumunog yung alarm ko eh." ani ko. Hay. Makakain na nga lang. Nang matapos na akong kumain ay kinuha ko na ang mga gamit ko at nagsimula nang maglakad.

Hindi pa ako binibilhan ng kotse dahil daw ay baka makapahamak lamang ako. Matanda naman na ako para makapag-maneho ngunit ayaw talaga ako pagbigyan ng aking nanay.

Napabuntong hininga na lamang ako sa kawalan. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa aming school. Sakto lamang ako dahil kaktutunog pa lamang ng bell, hudyat na kailangan na naming pumasok sa aming mga silid-aralan

Natapos ang aming klase nang wala manlang akong naintindihan. Hindi maalis sa akin ang nangyari kahapon. May sakit ba si Ken? Hindi ko manlang siya naalagaan o kaya ay nabigyan ng gamot.

"Hoy babae! Bakit kanina ka pa naka tulala diyan?" ani Ken. Andito na pala siya. "Ah, may naalala lang ako kahapon." ani ko. "Ano yon?" tanong niya. "Ah. Wala yon." ani ko. Hay. Dapat kasi nagtanong ako kay tita eh.

Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa bahay at hinatid ako ni Ken. "Salamat sa pagsama sakin pauwi." ani ko. "Malapit lang naman ang bahay ninyo eh. Mag-katabi lang yung street natin diba?" ani niya ng may halong pagka-sarkastiko.

Oo nga pala, magkatabi lang ang aming street. Umasa naman ako na hinatid talaga niya ako. "Sige. Pasok na ako. Bye!" ani ko. Naglakad na siya palayo at hindi lumingon sa gawi ko. Napaka-snob talaga niya.

Ken's POV

Umalis na ako pagkatapos kong ihatid si Ac. Hindi ako nakalingon dahil tintago ko ang pagka-pula ng aking mukha. Bakit ba napaka-amo ng mukha niya?

Pagkarating na pagkarating ko ay agad na akong nag-bihis dahil kami ang mag-partner ni Ac sa project. Hindi ata siya nakinig dahil hindi manlang niya ito binanggit. Lahat ng bagay na kasama niya ako ay tuwang-tuwa siya ngunit kanina ay parang napakalalim ng kanyang isipan kaya't hindi ko na lamang siya kinausap.

Nasa harapan na ako ngayon ng bahay nila Ac. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kakatok na sana ako ng biglang may nag-bukas ng gate at iniluwal nito si Ac. Halata ang pagkagulat sa kanyang mukha. "A-anong ginagawa m-mo rito?" pautal-utal niyang tanong. "May project tayo sa math. Lutang ka kasi kanina kaya hindi na kita kinausap." ani ko

"Ganon ba? Sige pumasok ka na." pag-aya niya sa'kin sa loob. "Ano ba'ng gagawin natin?" tanong niya. "Syempre gagawa ng project. Ano pa ba?" sarkastikong sagot ko. Oo nga naman. Ano pa bang gagawin namin bukod sa project?

A/N: Ano sa tingin niyo gagawin nila? Syempre gagawa ng project! Ang dudumi ng isip niyo!

Nagsimula na kaming gumawa ng mga formulas at equation. Gabi na kami nang natapos. "Ano ba ang iniisip mo kanina at wala ka sa sarili mo?" tanong ko kay Ac. Na c-curious na din kasi ako kaya hindi ko napigilan ang sarili magtanong.

"Ah, iniisip lang kita." ani niya. Bakit napakadali lang sa kaniya na umamin sa harap ko pero ako? Napaka-torpe ko pagdating sa kaniya. "A-ako?" naguguluhan na tanong ko. "Oo. Napaka-weird mo kasi kahapon. Akala ko nga may sakit ka eh. Kinausap ko si tita sa cellphone wala ka naman daw sakit. Ano ba meron sayo at pulang pula ka kahapon?" sunod-sunod na tanong niya.

Ano nga bang meron kahapon? Ang alam ko lang ay nabighani ako sa kagandahan niya at napaka-bango pa rin niya kahit naliligo na siya sa sarili niyang pawis.

A/N: Sanaol kahit pawis na pawis na maganda at mabango pa den noh.

Umepal nanaman si author. Hay. Hindi ninyo mababago ang isipan ko! Nahulog na talaga ako kay Ac simula nung nakilala ko siya. Naalala ko pa noong middle school ay pinagkakaguluhan ako noon sa aming paaralan ngunit mas pinili ko pa din si Ac na isama sa prom.

Tuwing may nang-aaway sa kaniya ay ako palagi ang tumutulong at ipinapagtanggol ko siya sa mga nang-aaway sa kaniya. Yun nga lang ay mayroong umakyat ng ligaw sakanya at hindi na siya pinayagang makipag-kita sa akin. Ipapakasal nga dapat siya roon ngunit sumalungat siya sa gusto ng kanyang mga magulang.

Ako ang pinili niya. Hindi siya nakipag-kasal sa lalaking yon. Ipinaglaban niya ako. Ngunit binigo ko siya. Nilayuan ko siya. Gusto ko na mapunta siya sa katulad nila. Katulad nila na mayaman. Hindi kami mahirap pero hindi rin kami mayaman.

Hindi natuloy ang kasalan ngunit hindi naging masaya ang nanay ni Ac. Gusto niyang ipagsama ang ng dalawang naglalakihang kompanya sa buong Pilipinas.

A/N: Sanaol mayaman :(

Manahimik ka author! Nagdadrama ako rito eh!

A/N: Baka nakakalimutan mo saken ka galing! Gusto mo ba iklian ko lang yung mga POV mo ha!

Joke lang eh. Nasaan na ba ako. Gusto nga nila ipagsama ang mga kompanya upang mas lalo pa itong lumaki at maging kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Anilah's POV

Pinabili ako ng nanay ko sa labas. Madilim na dahil 10 na ng gabi. Pakiramdam ko pa na may nakamasid sa'kin. Hindi lang siya isa kundi lima. Hindi muna ako dumiretso sa aming bahay upang matiyak kung sinusundan ba nila talaga ako.

Shit. Sinusundan nga ako. Tinatawagan ko si Ken ngunit hindi niya ito sinasagot. Ilang beses ko siyang tinawagan ngunit ayaw niya talagang sagutin. Mas lalo naman na hindi sasagutin ng nanay at kuya ko ang tawag. Kumaripas na lamang ako ng takbo ng bigla silang nagpaputok ng baril.

Tinamaan ako sa aking balikat. Napadapa ako sa sakit at tuluyan ng nawalan ako ng malay.

A/N: Salamat po sa bagbabasa pero hanggang dito nalang muna tayo. Sana po ay nagustuhan niyo itong bagong ud :>

Just An Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon