CHAPTER 3

15 3 2
                                    

Anilah's POV

Nagising ako at napagtanto na nakatali na ang aking mga kamay at may naka takip na tela sa aking bibig ngunit agad naman nila ito tinanggal. Napaka sama nila. Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko ang mukha ng nanguha sa'kin.

"Kamusta ka na, mahal kong anak? Inaalagaan ka ba ng nanay mo? Tignan mo ang kuya mo, diba mas mahal siya ng nanay? Sumama ka na lang sa'kin at mabibili mo lahat ng gusto mo." ani papa. Hindi man ako mahal ng nanay at kuya ko, kahit minamaltrato nila ako minsan at inuutus-utusan lang, mahal ko pa din sila at hindi magbabago yon.

"Masaya na ako sa kung anong meron ako! Kay mommy, kay kuya, sa amin. At alam ko naman na galing sa illegal ya'ng mga pera mo! Wala akong tatay na k-" bigla akong natigilan ng bigla akong samapalin nang malakas ni papa.

Pakiramdam ko ay bumakat ang kaniyang palad niya sa lakas ng pagkaka-sampal niya. Napaka sama niya.

"Ang kapal naman ng mukha mo na pag salitaan ako ng ganiyan! Tatay mo pa din ako! Wala kang utang na loob!" sigaw ni papa sa'kin. "Totoo naman ah! Galing sa masama ang pera mo! Alam mo ba na si mommy ang na kulong dahil sa mga kabaliwan mo!" sigaw ko pabalik.

Tumawa siya nang napakalakas, "Bagay lang sakan'ya yon!" ani papa at muli nila akong pinatulog.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~~*~*~*~*~*~*~*

Ken's POV

Maaga akong nagising upang sunduin si Ac. Bumaba na ako at kumain ng almusal saka umalis. Nasa tapat na ako ng bahay nila Anilah at dahan-dahang kumatok.

"Anilah, ako 'to si Ken!" sigaw ko. Nagbukas na ang gate at niluwal nito si tita. "Tita, nasaan po si Anilah? Napagkasunduan po kasi namin na susundin ko siya ngayon para hindi kami ma-late sa report po namin." ani ko.

"Ay iho, hindi siya nakauwi kagabi. Akala ko nga doon na siya nakitulog sainyo." ani tita. Kasalanan ko 'to, kung inihatid ko na lamang si Anilah sa mismong bahay nila ay hindi siya mapapahamak.

Napaka-hina pa naman ng babaeng yon. Konting tulak lamang sa kaniya ay magkaka-galos na siya kaagad. Hindi ako mapalagay sa nangyayari ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko.

Sabi ni tita ay pumasok na lang daw muna ako sa school at sila na ang bahala maghanap kay Ac. Wala na akong ibang nagawa kundi pumasok at maghintay na mahanap siya.

Dumaan ang ilang oras pero wala man lang akong naintindihan. Hindi talaga ako mapalagay dahil sinisisi 'ko ang aking sarili sa nangyari. Totoo naman kasi na kasalanan ko itong lahat.

Naglalakad na ako pauwi nang biglang may tumawag.

*Uknown is calling*

Hindi ko ito sinagot dahil wala itong number o pangalan pero hindi niya ako tinigilan. Sa pangatlong tawag ay sinagot ko na ito. "Hello? Sino po ito?" tanong ko. "Kamusta ka na, Ken?" ani nito sa nakakatakot na tono? Kilala niya ako. "Sino ka? Bakit mo ako kilala?" ani ko. "Hindi mo ba nakikilala ang boses ko? Ako 'to si

A/N: si Natoy, na mahal na mahal ka :3

Epal nanaman 'to si author may kausap yung tao eh. "Ako 'to si Marco, tatay ni Anilah." ani niya. Si tito? Ang alam ko ay matagal na siyang nakakulong? Akala ko lang pala.

"Nasa akin ngayon si Anilah, gusto kitang pumunta rito. Wag na wag kang magkakamali na tumawag ng pulis at hindi mo maabutang buhay si Anilah. It-text ko sa iyo ang address." ani tito.

Wala akong ibang nagawa kundi pumunta mag-isa. Hindi ako makakapayag na mamatay si Anilah. Ilang oras ang nakalipas at nakarating na rin ako sa address na ibinigay sa'kin ni tito. "Nandito na ako! Ilabas niyo na si Anilah!" sigaw ko. Biglang umangat ang harang at nakita ko si Anilah na mahimbing ang pagkakatulog. Hindi kaya..........

A/N: sorry po kung medyo maikli lang ang nagawa ko at late pa. I'll check na lang later pag may typos and so on. Thanks for reading :3

Just An Ordinary GirlWhere stories live. Discover now