CHAPTER 1

29 3 2
                                    

Anilah's POV

Hi! Ako nga pala si Anilah Celine Sentara. Labing-siyam (19) na taon. Kasalukayan akong nag-aaral para makapag tapos ng senior high. Oo senior high na ako. Nakatira kami sa isang Subdivision.

"Anilah! Bumangon ka na nga diyan at dalhin mo na 'to sa bahay nila Silva!" pasigaw na banggit ng nanay ko. "Opo! Iwan ninyo na lang ho diyan at ako ng bahala na dalhin yan kila tita!" agad ko namang sagot. Hay. Kahit kailan talaga ay hindi ako titigilan ng nanay kong bungangera.

Bakit hindi na lang ang kuya ko ang kanyang ipinadala kina tita at ako pa talaga na halos buto na lang ang nakikita. Ilang minuto ang nakalipas at pumunta na ako kina tita Silva

"Tita Silva! Ito na po yung prutas at gulay!" sigaw ko habang kumakatok. Ang tagal kong hinintay si tita nang biglang buksan ng isang matangkad at pogi na lalaki ang gate. "Sa wakas at binu-" bigla akong natigilan at napatulala kay Kenry nang bigla-bigla niyang binuksan ang gate "Wala dito si mommy kaya pwede ka nang umalis." supladong sagot nito.

"Baka pwede kong iwan dito itong mga dala ko. Ang bigat kase at hindi ko kakayanin ito buhatin pabalik saamin" sagot ko at agad naman niya akong pinapasok. "Ah... Ganun ba? Sige pumasok ka muna at uminom ng tubig" salamat na lang at hindi siya masyadong masungit ngayon.

"May tanong pala ako.. Bakit ikaw palagi ang pinapadala ni tita ng mga prutas at gulay samantalang ang kuya mo kayang kaya namang gawing ang mga iyan" tanong niya. Wow. At kailan pa siya naging concerned sakin? "Ahh.. Ehh.. Ayaw kasi ng kuya ko gawin e hehehe" palusot ko sakanya. "Ahh... tara dun ka muna sa kwarto ko habang naghihintay tayo kay mommy." Ewan ko ba kung bakit ang saya-saya ko.

At umakyat na nga kami para makapunta sa kwarto niya. Ang laki ng bahay nila sa totoo lang. Kung tutuusin ay mas mayaman naman kami sa kanila pero ayaw talaga nila mommy na lakihan pa ang aming bahay dahil mas magastos at mahihihirapan daw sila sa mga alikabok.

"Buti naman at hindi ka masungit ngayon Ken. Ano bang nakain mo?" tanong ko sa kanya. "Aah w-wala naman." pautal-utal niyang sagot sabay na mula. "May sakit ka ba? Bakit namumula ka?" muli kong tanong sakanya nang mapansin ko na biglang pumula ang kaniyang pisngi. Hahawakan ko na sana ang kaniyang noo ng bigla niya itong pigilan.

"Aah hindi a-ayos lang a-ako." pautal-utal niya ulit na sagot. Weird. "Anak! Dumaan naba dito si Anilah?" tanong ni tita. Natigilan muna si Ken bago sumagot pabalik. "Opo ma andito po siya ngayon." sigaw niya pabalik. Dali-dali namang umakyat si tita para pasalamatan ako.

"Hay. Bakit kasi ikaw palagi ang inuutusan ng nanay mo na ipadala yan lahat sa iyo." ani tita. Maging ako ay nag-tataka rin dahil si kuya ay walang masyadong naitutulong sa bahay. Napabuntong-hininga na lang ako at nag paalam na kila tita at alam kong madami pang ipapagawa ang nanay ko.

"Nay! Nakabalik na ho ako." ani ko na nakayuko dahil alam kong pa pagalitan nanaman niya ako dahil ang tagal kong nanatili kina tita. Madami na kasi siyang nautos ngunit isang oras na ang nasayang ko dahil lamang sa paghihintay kay tita. Dapat kasi ay hindi ko na lamang siya hinintay ngunit ayaw naman akong palabasin ni Ken at hintayin na lamang daw namin si tita. Nakakapanibago talaga si Ken kanina.

Madalang lang siya hindi masungit at saakin pa talaga na simula bata palang ay palagi niya akong sinusungitan. Ewan ko ba roon. Nagsimula na ulit akong mag hatid ng mga prutas at gulay sa iba pang pagbibigyan ni nanay. Natapos na ako ng hapon. Hinihingal na itinapon ko ang aking sarili sa higaan dahil na rin sa pagod. "Hay salamat at natapos na din." sambit ko sa kawalan. "Anak, si Ken andito sa baba!" sigaw ng aking nanay. Nabigla ako. Si Ken? Pupunta dito? Bakit? Naguguluhan na bumaba ako.......

Hanggang dito na lang po muna tayo kasi start na po ng aming Online class at madalas na lang po akong makakapag ud dahil na rin sa mga assignments at activities na dapat ipasa online. It-try ko pong mag ud nang mabilis pero medyo matatagalan po. Anyway, thank you po sa pagbasa :)


Just An Ordinary GirlWhere stories live. Discover now