CHAPTER 5

13 1 14
                                    

Anilah's POV

Nagising ako sa alarm ko. Oras na para mag bagong buhay ako. Nag-ayos na ako ng sarili at ginawa ang aking mga seremonyas bago bumaba. Si Ken ang nag volunteer na mag luto ng almusal namin. Magaling daw siya mag luto sabi ni tita kasi siya raw minsan ang nag luluto ng kanilang hapunan. Ang gusto ko sa lahat ay yung magaling mag luto.

"Bakit napakabagal mo namang kumilos? Anong oras na baka ma late pa tayo. First day pa naman natin." ani Ken. Edi siya na mabilis kumilos. Tss. "Bakit parang ang dami mo namang niluto? May piyesta ba rito at pinuno mo ng pagkain ang lamesa?" tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi tama na mag sayang ng pagkain. Oo inaamin ko na matakaw ako pero hindi parin tamang magsayang ng pagkain noh.

"Edi pag hindi mo na ubos, sakto may hapunan na tayo mamaya." ani Ken. Aba loko 'to ah. Edi sana mamaya nalang siya nag luto nang di na sayang ang gas kasi hindi ako kumakain ng hindi mainit. Hindi ko alam kung bakit ko na gustuhan 'tong loko na 'to eh. Tss. "Bilisan mo nang kumain jan. Napakabagal mo pa namang kumilos." ani Ken. At sino ba siya para pangaralan ako? De joke lang hehe. Malapit na kami sa school nang biglang na siraan ng gulong ang sasakyan namin.

Hindi kami pwedeng ma late dahil it-tour pa kami sa school at may oras ito bawat lugar. "Bakit ngayon pa. Kailangan na nating makaalis kaagad. Halika kakargahin nalang kita." ani Ken. Napakadali niya lang nasabi yon kanina pero heto siya ngayon nagrereklamo kesyo ang bigat bigat ko raw. Siya nga itong nagsabi na bubuhatin niya ako eh. Pinaasa niya naman ako na kaya niya ako pero pina-mukha niya lang sakin na mabigat ako. Konti nalang talaga masasapok ko na 'to eh. Matapos ng ilang minuto ay andito na kami. Sakto lang naman kami kasi kaka-rating lang daw ng mag t-tour samin. Balita ko ay sikat daw siya sa mga babae.

Edi ikaw na'ng pogi! Pero mas pogi pa rin si Ken hihi. "Hi po. Kaming dalawa yung bagong estudyante. Kayo raw po yung mag i-ikot samin sa University (actually wala pa akong naiisip na name ng University kaya please help me :-{ ) Hindi naman po kami late diba?" ani ko. Hindi kasi sociable si Ken at mukha pang suplado kaya minsan ay napaghihinalan pa siyang may sama ng loob pft. Pero mas marami ang humahanga sa kanya pag lipas ng mga araw. "Ayokong maubos ang oras ko sainyo kaya sumunod nalang kayo." ani Hendery. Napakasungit. Bagay talaga silang dalawa ni Ken.

"Ito yung Elementary Deparment sa may harap. Dito syempre pumupunta yung mga bata. Tapos dito naman yung cafeteria nila pero madalas ay sa classroom nalamang sila pinapakain. Dito naman yung Highschool Department sa may likod. Madalas ay maingay rito lalo na ang mga Grade 10 dahil last year naman na raw nila bilang Highschooler."

"Dito naman ang mga Senior High sa kanan. At ang huli ay ang College Department sa kaliwa. Kung may mga tanong pa kayo ay tawagin niyo nalang ako pero as much as possible wag niyo na akong tawagin, ok?" ani Hendery sabay walk out.

Yon na yon? Hindi ko manlang natanong kung saan yung classroom namin. "Sabi ko nga pumunta na tayo ng office para makuha yung locker saka schedule natin." ani Ken. Naglalakad na kami papuntang office ng may nakabangga sakin. Aba ang kapal naman ng mukha nito. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo." ani Amaiah. Ito siguro yung nag f-feeling girlfriend ni Hendery. Oo maganda siya pero hindi tugma yung mukha niya sa ugali niya. Hindi ko nga alam kung bakit nagustuhan siya ng mga lalaki.

"Excuse me? Ikaw yung nakabangga sakin miss. Dapat nga mag sorry ka eh hindi yang pinapairal mo yung ka malditahan mo." ani ko. Oo may kamalditahan din ako pero hindi ko siya pinapakita. Dipende nalang kung maldita ka rin. "Ugh! Your face irritates me." ani Amaiah. Akala mo naman kagandahan. "Uhm miss pwede tumabi ka muna. Nagmamadali kasi kami eh. Thank you." ani Ken sabay hila sakin. Matapos ng kaguluhan ay nakapunta narin kami sa office. "Good morning Mrs. Magsino. Andito po kami para kunin yung locker at schedule po namin." ani ko. "Ah so kayo pala yung mga transferee. I heard na kaka migrate niyo lang galing Pinas kahapon. So how was your stay here in Hong Kong?" tanong ni ma'am. "It was great staying here. I hope that other students are happy to have us." ani ko

A/N: Waw naks english

"Of course they are. After hearing na may bagong student from Philippines, they are so happy. But of course there are others na ayaw na magdagdag since masyado na raw maraming students. Since close ang dad mo sa may-ari ay nabigyan kayo ng chance at mayroon pa kayong discount sa tuition fee. Consider yourselves lucky kasi minsan lang magkaroon rito ng special students which is kayo." ani ma'am. Edi sanaol special.

"Anong first class mo?" ani ko. "History." ani Ken. "Yay parehas tayo. Pero nasan ba yung classroom?" ani ko. "Magtanong nalang tayo sa ibang students." ani Ken. K fine de joke. Matapos ang matagal na paghahanap ay natagpuan na rin namin hihi. "Ang bagal mo naman mag lakad." ani Ken. Edi ikaw na matangkad. Madaming tao kasi malapit na magsimula ang klase.

Sorry ule sa late upload and sorry sa typo. peace yow

Just An Ordinary GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora