PROLOGUE

9.2K 136 12
                                        

Life is full of miserable.

Mariing pinikit ni Clea ang parehong mata at tahimik na bumuntong hininga. Isinandal niya ang sarili sa kaniyang swivel chair at ininat ang dalawang paa.

Malalim na ang gabi ngunit nasa opisina parin siya. Lahat na yata ng empleyado niya ay nakauwi na. Tanging siya na lang ang naroroon kasama ng nga guard na nagbabantay sa ibaba.

Muling iminulat ni Clea ang kaniyang mata at deretsong tumingin sa kalangitan na kumikintab dahil sa napakaraming bituin. Tapos na niyang gawin lahat ng kailangan niyang tapusin. Gusto na niyang umuwi ngunit parang may pumipigil sa kaniya.

"What's the worth of working so hard knowing that after this nothing is so important?" Mahinang bulong ni Clea sa kaniyang sarili.

Araw-araw ganito na lang buhay niya, Work-home-work-home. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho at pagurin ang sarili. She felt nothing. Alam niyang hindi siya malungkot at mas lalong hindi siya masaya. Yes, she can buy everything she want but then it's still useless. Nothing can make her happy, except one.

Him.

Agad na iwinaksi ni Cle ang nasa isip niya ng muli nitong binalikan ang nakaraan.

"No, don't go there! Stop yourself, Clea!" Pakikipag-usap niya sa sarili.

She knew very well na kapag hindi niya mapigilan ang sariling balikan ito, siya ang magiging talo. Magiging duwag at luhaan ulit siya na labis niyang pinipigilan.

"He's happy already. Kinalimutan ka na niya so please, kalimutan mo na rin siya."

Mabilis na tumayo si Clea at inabot ang Dior niyang bag sa gilid ng kaniyang table. Maingat niya ditong nilagay ang laptop at ibang papeles na kailangan niya pang basahin at tingnan.

Huminga siya ng malalim at palihim na pinunasan ang gilid ng kaniyang mga mata. Muntikan na naman siyang umiyak.

Tahimik siyang umikot para makaalis sa kaniyang upuan at dumeretso sa standee na meron siya upang kunin dito ang old pink blazer na nakasabit. Sinuot niya ito upang matakpan ang suot niyang white tube top na nagmukha na lang bra sa kaniya.

Nang makitang maayos na ang lahat ay lumapit na siya sa pintuan. Pinatay niya muna ang ilaw bago tuluyang lumabas.

Wala siyang kabang naramdaman habang naglalakad sa hallway. Sanay na siya sa ganito. Minsan nga ay hindi na siya umuuwi at doon na lang natutulog sa kaniyang opisina. There's no reason for her to go home since no one is waiting on her.

Nakailang hakbang pa lang siya ng mapansin na may taong nakatayo paharap sa elevator. Pinagmasdan niya ang taong iyon ngunit dahil sa madilim na ang buong floor ay hindi niya maaninag ang mukha nito.

Nagpatuloy lang siya sa paglakad at huminto lang ng nasa harap na siya ng elevator. Binalewala niya ang lalaking nasa likod niya at pinindot na lang ang open button. Papasok na sana siya ng biglang magsalita ang lalaking nasa likod niya.

"Clea..."

Tila natulos sa kinakatayuan si Clea ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. No, he can't be him. Maybe I'm just hallucinating since I tired myself truely. Gawa-gawa lang iyon ng utak niya.

Muli na sana niyang babalewalain ang lalaki ng bigla nitong hinawakan ang braso niya at pinilit na ipinaharap dito. Sisigaw na sana siya ng malakas ng mamukhaan niya kung sinong demuho ang nasa harap niya.

Benj...

Mabilis niyang inagaw ang braso sa pagkakahawak ng lalaki dito at palihim na lumayo.

FOREVER WITH YOU (WITH YOU SERIES #1)Where stories live. Discover now