5 YEARS AFTER...
MALAPAD na ngiti ang bumungad kay JESSA ng makapasok siya sa lobby. Agad siyang dumeretso sa front desk para tingnan kung maayos na ang lahat.
"Good morning, Ma'am Jessa." Masayang bati sa kaniya ni Pia, receptionist.
"Morning Pia. Kumusta? Maayos na ba ang pinapagawa ko?" Masayang tanong ko sa kaniya. Agad naman itong tumango at inabot sa akin ang kulay berde na folder. Tinanggap ko na ito at nagpaalam.
Ibinuklat ko ang folder na aking hawak at binasa ang mga nakasulat dito habang naglalakad papunta sa aking opisina. Nakasalubong ko pa ang aking sekretarya-bestftiend na si Khylie.
"Good morning, Ma'am Beshy ko!" Masiglang bati sa kaniya ni Khy habang ito na ang nagbukas ng pintuan. Hindi ko siya kinibo at dumeretso na lang sa loob.
Saglit ko munang binitawan ang hawak kong folder upang tanggalin ang suot kong oversized button-down shirt at isinampay sa standee na nasa gilid ng table ko. Ginawa ko din na hairband ang shades na suot ko.
"Wants breakfast, Ma'am?" Singit ni Khy sa akin habang seryoso kong binabasa ang mga names na darating ngayon sa aming resort.
"The usual." Hindi ko na siya nilingon at tinuon ang pansin sa screen ng aking laptop. Lahat kasi ng mga guests na mage-stay sa resort namin ay inaalam ko ng saganon ay alam ko kung paano sila i-accommodate ng tama sa kung ano ang gusto nila.
Ika nga ng iba, customer is always right.
Nasa kalahati palang ako ng hundred list of names ng muling bumukas ang sliding door ko at niluwa nito ang best friend ko hawak-hawak ang breakfast na ni-request ko.
Maingat niya itong ipinatong sa kaliwa ng aking table at umupo sa visitors chair.
"Marami bang pogi?" Biglang tanong ni Khy.
Napailing na lang ako ngunit natawa rin. "Bakit? Ha-huntingin mo?" Pabirong tanong ko.
"Chuchupain ko." Balewalang sagot nito.
Halos madura ko ang sarili kong laway habang gulat na gulat na tumingin sa kaniya.
"Bastos, ah? Bawal dito marurumi ang bibig!" Parinig ko sa kaniya, palihim na natatawa sa pagiging blunt ng kaibigan ko.
"Nag toothbrush naman na ako. Kailangan ko na lang ng ngunguyain." Bastos paring sambit nito.
Napailing na lang ako dahil hindi parin ako sanay sa kung paano karumi ng isip at bibig nito.
"Kidding aside, gusto ko lang sana kita i-inform na may sudden reservation ang isa sa villa natin. Nagpa-reserved palang ito kanina bago ko dinala ang breakfast mo. Mamaya, send ko sayo ang mga names nun." sabi ni Khylie.
Tumango-tango naman ako habang nginunguya ang chicken sandwich na pinagawa ko sa kaniya. Doon ko lang din nakita sa screen na reserve na talaga ang isa sa pinakamagandang villa na mayroon kami. Ito ang laging pinag-aagawan ng mga turista dito at talagang inunahan man ng kung sinong tao na ito ang nasabing villa. Gosh, 7:30 am palang ng umaga.
"Kamusta ang request ni Mr. Domingo? Na-assist niyo ba siya ng maayos?" Kapagkuwan na tanong ko ng matapos ko ng i-check lahat ng mga guests at naayos ko na rin ang service na kukuha sa kanila sa airport.
Tumingin sa kaniya si Khylie na busy sa ipad na hawak nito. "So far patapos na siya. Hinihintay na lang ni Mr. Domingo ang singsing na pinagawa niya pa sa ibang bansa."
Malapad akong ngumiti ng maalala kung paano nakisuyo sa kaniya si Mr. Domingo na isa na sa customer ng resort nila na tulungan siyang i-prepare ang dream proposal niya sa kaniyang kasintahan na si Ms. Legazpi.

BINABASA MO ANG
FOREVER WITH YOU (WITH YOU SERIES #1)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT || R-18 || COMPLETED || EDITING ~PROMISE OF MEMORIES~ "Kahit ilang buwan o taon pa ang dumaan, si Clea lang ang mamahalin ko. Siya lang ang Forever ko." - Mr. Benjamin Reyes Date of started: September 2021 D...