CHAPTER 2

4.3K 93 7
                                        


BENJAMIN can't stop looking at the beautiful resort he's facing now. The place is so dreamy and mesmerizing. The structure, the use of color, and the combination of biggest trees.

"This is my third time here in Albay but I've never seen this resort. May ganito pa lang lugar dito." Komento ni Matteo habang ibinababa namin sa bangka ang maletang aming dala.

Halos alas syete na ng gabi kami nakarating sa Albay kaya napagpasyahan muna namin na mag book ng Hotel at umaga na lang pumunta sa nasabing resort. Medyo delikado na kasing pumalaot sa gabi.

Nang makarating kami sa Hotel ay agad naming tinawagan ang numero ng resort at sinabing kinabukasan pa sila makakarating. And thankfully, very approachable ang nakausap nila at sinabing sila na ang magpo-provide ng sasakyan papunta dito. Sabihin lang daw sa kanila kung saan silang Hotel nag stay.

"Good morning, Mr. Reyes and his company. Welcome to our simple Missibis Bay Resort. Before anything else, I'm Khylie Nyxz Santos, secretary of Miss Jessa Torres. I will be the one who will accommodate and tour you in our resort." Masayang pakilala sa amin ng babaeng sumundo sa amin sa Hotel.

Ngumiti ako sa kaniya at nilahad ang aking kamay upang pakipag-handshake. "I'm Benjamin Reyes, and this is my friend–Xeto, Manolo, and Matteo." Pagpapakilala ko sabay turo din sa aking mga kaibigan.

Simpleng tumango ang dalaga at matamis ulit ngumiti. "Nice to meet you all. Hope you enjoy your stay here. If you need anything, don't hesitate to ask."

Tumango kami bilang pagtugon. Pagkatapos ng pagpapakilala ay agad kaming sinamahan ni Miss Santos sa aming tutuluyan. Sumakay kami sa isang golf car kasi medyo may pagka malayo daw dito ang villa na kung ituring ay para daw sa mga VIP customer nila. Habang nagbabyahe ay hindi ko mapigilang hindi lumingon sa paligid na dinaraanan namin.

Mas malapit sa dagat ang Hotel ng resort habang ang mga villa naman ay nasa likod nito na kung saan ay malapit sa tatlong naglalakihan na swimming pool; one for adult; the other one if for the teenager and the last is for the child. Mukhang pinag-isipan talaga ng mabuti bago ginawa ang resort na ito.

Ilang minuto din ang binyahe nila hanggang sa huminto ito sa pinakamalaking villa sa lahat. Ewan niya ba kay Matteo, pwede naman sa Hotel sila mag stay pero mas gusto daw nito na tig-iisa silang kuwarto.

Nagpasalamat kami kay Khylie bago kami nito iniwan kasama ng susi ng villa. Tawagan na lang kamo siya kung may kailangan sila.

"Nakaluluwag tayo ngayon, Matteo, ah? Ganda ng villa!" Tudyo ni Xeto ng makapasok kami ng tuluyan sa loob.

Napanganga na lang siya sa maaliwalas na bumungad sa kaniya. Sa lahat ng napuntahan niyang lugar, masasabi niyang kasama na ito sa top ten.

The villa had five rooms; the four bedrooms while the other one is the bathroom. Minimalist ang design na may pagka vintage. Saglit kong binitawan ang luggage na hawak ko at tumungo sa isang kuwarto. Again, napanganga ako ng makita kung kagaano kaayos at naayon ito sa lugar. King size bed, two couches with side table, mayroon ding cabinet para sa mga damit and of course the terrace na nakakonekta sa kuwarto na ito.

Lumapit siya dito at binuksan ang sliding door na humaharang sa kuwarto at terrace. Malamig na hangin ang bumungad sa kaniya ng tuluyan siyang makalabas. Saglit niyang ipinikit ang mga mata at muli, larawan ng isang babae ang bumungad sa kaniya. Pero imbes na imulat ang mata, hinayaan niya ang sariling nakapikit at inaalala ang mukha ng babae.

Matamis akong ngumiti habang iniisip ang mukhang matagal ko ng gustong makita ulit.

"Bumalik ka lang ulit, okay na ako doon kahit hindi sa akin,"

FOREVER WITH YOU (WITH YOU SERIES #1)Where stories live. Discover now