CHAPTER 8

1.6K 46 2
                                        

MAGANDA ang naging gising ni Jessa nang araw na iyon. Parang ngayon niya nga lang ulit naramdaman ang walong oras na pagtulog sa buong buhay niya.

Her dreams, they are gone.

Bakas tuloy ang ngiti sa mga labi niya nang dumeretso siya sa kusina at doon ay naabutan niya ang kaniyang manang na abala sa pagluluto.

Lumapit siya dito. "Good morning, Manang,"

Agad na lumingon sa kaniya si Manang at binigyan ng napakatamis na ngiti.

"Good morning po, Ma'am. Mukhang masaya ang araw natin ngayon, ah! Napakalapad po ng ngiti niyo ngayon." Masiglang bungad sa kaniya habang palapit ito sa napakahabang mesa upang ilagay ang kaniyang umagahan.

Lumapit din siya dito at umupo sa pinakadulong upuan. "Mukhang ganun na nga po, Manang."

"Hay nako, Ma'am. Ituloy tuloy niyo lang po iyan dahil may tumitingkad ang ganda niyo po. Sa apat na taon kong pagtra-trabaho sa inyo, ngayon ko lang po kayo nakita na ganiyan kasaya." Mahabang salaysay ni Manang.

Napangiti na lang siya at hindi na muling nagsalita pa. Sinimulan na niyang mag-umagahan dahil kailangan niya agad makabalik sa resort. Marami pa siya kailangan tapusin at ayaw niya man aminin ngunit nais na niya agad makita ang lalaking nagiging rason kung bakit siya masaya.

Hindi niya mawari kung bakit ganun na lamang ang epekto ng lalaki sa sistema niya. Marami naman na nagtangkang ligawan siya ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi niya naramdaman ang ganitong ligaya.

Something is wrong when she's with Benjie. Pero imbes na lumayo siya, parang siya pa mismo ang nagtutulak sa sarili para mas mapalapit sa binata.

Pagkatapos niyang mag-umagahan ay agad siyang bumalik sa kaniyang kuwarto upang ihanda ang kaniyang susuotin at maligo na rin.

She plan to wear a boho halterneck ultra top partnered with her linen wide leg pants. She pairs it with her nude wedge heels.

Nang makuntento na siya sa kaniyang susuotin ay agad siyang dumeretso sa banyo para maligo at gawin ang kaniyang daily routine.

It takes half of an hour for her to finish her routine. Ngayon ay nag-aayos na siya ng kaniyang buhok. Instead of letting her straight hair as it is, she softly curl her hair ang cut some of her hair to make a layered bangs. Nag-apply din siya ng soft make-up sa mukha bago tuluyang umalis sa bahay papuntang resort.

Nag-stop muna siya sa isang sikat na fast food chain para bumili ng breakfast for Khylie.

After a minutes of driving ay nakarating na rin siya sa wakas. Pinark niya muna nang maayos ang sasakyan niya bago dumeretso sa Hotel. Magalang naman siyang sinalubong ng mga empleyado niya.

"Good morning, beshy ko!" Masiglang bungad sa kaniya ni Khylie.

I smiled. "Breakfast mo,"

Nakangiting kumapos sa braso niya ito at tila naglalambing. "Ang bait bait naman ng best friend ko na yan. Hindi ako makalimutan."

Napailing na lang ako at iniwan siya upang dumeretso sa aking opisina. So far ay maluwag ngayon ang schedule ko. Konting supervise lang and konting asikaso sa mga bisitang ngayon ang alis.

Halos ginugol ko lang ang sarili ko sa tapat ng laptop. Except din kasi sa pag asikaso sa resort ay plano ko ring magpatayo ng restaurant sa city. Matagal ko na itong plano at ngayon ngayon lang ako nagkaroon ng oras para asikasuhin ito.

Malapit ng lumubog ang araw ng matapos kong gawin ang proposal para doon. Inunat unat ko muna ang mga braso ko bago ko napagpasyahan na lumabas na rin at maglibot libot.

FOREVER WITH YOU (WITH YOU SERIES #1)Where stories live. Discover now