CHAPTER 6

2.6K 62 2
                                        

"LAPAD NG ngiti natin diyan, ah?" Pagpupuna ni Matteo kay Benjie ng makabalik siya sa villa.

Tinapunan niya lang ng tingin ang kaibigan at prenteng humiga sa mahabang sofa. Tumingin siya sa kisame na may nanunuyang ngiti.

Ewan ba at sa simpleng pagsabay nilang kumain ng dalaga ay labis kung umalon sa tuwa ang puso niya.

She's not Clea, Ben!

Kastigo ng isip niya ng mamutawi ang saya sa kaniyang puso. Bigla tuloy nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa naisip.

"So, what's the real score between you and Jessa?" Usisa ni Xeto sa kaniya habang busy ito sa binabasang papel. Napailing na lang siya. Sa kanilang apat kasi, si Xeto talaga ang pinaka hardworking. Kahit yata weekend ay mas pinipili pa rin nitong magtrabaho.

"We're nothing," He murmured.

Narinig niya ang mapanginis na tawa ni Manolo. "We're nothing daw pero kung makangiti wagas. Dagdag pa na sabay silang nag lunch."

"So what?" Apila niya agad.

Bumuntong hininga si Xeto. Mukhang 'di gusto ang sinabi niya.

"Wala naman problema sa'min 'yon," Si Xeto. "As long as you're happy with that, then go ahead. Reminder lang na hindi siya si Clea, Bro. If you're seeing her as Clea then stay away from her, dahil sigurado kaming hindi siya ang babaeng hinihintay mo."

"Tama si Xeto, Benjie. The way I look at her, walang bakas ni Clea akong makita. They maybe look alike but I don't see Clea in her. She's innocent, in fact. Kaya kung ako sa'yo, if you're just entertaining her kasi iniisip mong siya iyon, then back off. Sasaktan mo lang siya." Segunda ni Manolo.

He sighed. "Grabeng guilt trip naman ang ginagawa niyo sa akin. I'm aware that she's not her. Alam ko 'yun okay? But, can't you blame me? I'm longing for her. And in order to stop this longing, gagawin ko. Kahit alam kong may masasaktan akong tao."

Disappointment eats their faces. They shook their heads like they couldn't even imagine what I said. He smiled weakly and took a deep breath. Mukha talagang hindi nito nagustahan ang sinabi niya.

"Bahala ka sa buhay mo, Benjamin," Matteo tapped his shoulder. "You're the one who's responsible for your actions. Kung ano mang kahihinatnan nito, 'di ka namin matutulungan. Matanda kana. Sana alam mo lahat ng gagawin mo."

Pagkatapos iyon sabihin ni Matteo ay lumabas ito ng villa. Iniwan naman siya ni Manolo. Si Xeto naman ay nasa terrace, may kausap sa telepono.

Natatawa na lang siya at napapailing. He understands his friends well. Ayaw lang nito na maka agrabyado siya ng iba and he wants that also. Pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi lumapit sa dalaga lalo pa't kusang ang puso niya ang gustong mapalapit dito.

Maybe he's too assuming pero naniniwala siyang si Clea si Jessa. Kailangan niya lang itong patunayan. But, there's also part of his mind na sinasabing hindi ito ang hinahanap niya, na hindi ito ang babaeng mahal niya.

"Tang ina..."

MALAMIG NA HANGIN ang sumalubong kay Benjie ng mapagpasiyahan niyang lumabas muli ng villa. Mag-isa lang siya dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinakausap ng tatlo. Kahit past 2 na ay masyado pa rin tirik ang araw.

Hindi niya na dinala ang golf cart at mas piniling maglakad. Ngayon ay patungo siya sa pool area para doon magtambay. Napag alaman din kasi niya na mayroon doon mini bar at gusto niyang uminom para maalis lahat ng nasa isip niya.

Madali lang naman ang problema niya sa totoo lang. Iwasan niya lang ang babae ay tapos na siya. Pero may kung anong tumutulak sa kaniya na 'wag gawin ito dahil alam niyang masasaktan siya. And with that, he choose what his heart says. Bahala na kung masaktan. At least masaya.

FOREVER WITH YOU (WITH YOU SERIES #1)Where stories live. Discover now