Prologue

849 17 0
                                    


Please advised that this story contains mature themes and strong language. Some words are not suitable for young readers or sensitive minds.
READ AT YOUR OWN RISK.

EVERYTHING IN THE STORY IS ONLY WORK OF FICTION.

*****

Pagbaba ko ng trycicle ay gulat akong napatingin sa mga taong nakapaligid sa bahay namin kaya naman ay agad akong tumakbo papunta roon. Halatang mga armadong lalaki ang nakatayo sa bawat sulok ng bahay at may mga armas na nakasabit sa kanilang suot. Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko dahil baka ano na ang nangyari sa Mama at Papa ko. Nang makalapit ako ay napansin ko ang paglipat ng tingin sa akin ng isang lalaki. Base sa kaniyang itsura, hindi s'ya basta-basta, hindi ko kayang basahin ang itsura n'ya. Bukod sa matangkad, maamo ang mukha, makinis, kulay gatas na balat, lahat yata nasa kaniya na, at halatang mayaman ang datingan.  May katandaan din ito ng apat na taon sa akin.

"Ma, pa, s-sino po sila?" Tanong ko.

"A-anak..." nilingon ko si mama, 'yong boses niya ay parang nanginginig. Wala akong ideya kung bakit nandito ang mga taong 'to.

"Oh? I didn't know that you had a daughter, heh." nakangiting sabi ng lalaki. Siningkitan ko siya ng mata. Bakas sa boses nito ang galit at isali pa 'yong tingin n'ya sa akin na parang umaapaw sa apoy. "Drag them to jail." Utos niya na ikinagugulat ko. Napatitig ako sa mga armadong lalaki na agad-agarang pinusasan ang mama't papa ko.

Sino ba siya para ipapakulong niya ang mga magulang ko? Ano bang nagawa ng magulang ko sa kaniya?

"T-teka lang po, bakit niyo ikukulong ang mama at papa ko? Ano po ba ang kasalanan nila?" Tanong ko sa mga armadong lalaki. Tinignan muna nila ako bago lumipat ang kanilang tingin sa lalaki. Tumingin naman siya sa akin at saka ngumisi pero hindi ko pinansin iyon. Mas lalo pa tuloy akong naiinis sa kaniya.

"A-anak.....ayos lang kami. Pumasok ka na sa loob," sabi ni mama kaya kumunot ang noo ko.

"Ha? Hindi ko maintindihan 'ma." Giit ko.

"Mag-iingat ka palagi anak. Sana mapatawad mo kami ng papa mo." Lalong kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi n'ya.

"Bakit po? Ano bang nagawa n'yo para hulihin kayo? May kasalanan ba kayo na nilihim n'yo sa akin?" Sunod sunod kong tanong.

"Anak, huwag matigas ang ulo. Pasok ka na sa loob. Ayos lang kami ng Mama mo." Sabi ni Papa.

"Ayoko. Bakit nandito 'tong mga taong 'to kung wala kayong ginagawa? Please po, sabihin n'yo na sa akin." Pagpupumilit ko.

"F*cks sake, stop making a scene here. Just drag these bums to the f*cking jail, now!" Naiinip na sabi ng lalaki.

Sinamaan ko siya ng tingin. Feeling boss naman s'ya. Baka nakakalimutan niyang nasa bahay siya at kaya ko siyang kasohan ng trespassing.

"Ano bang atraso nila sayo?" Diretsong tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang lumapit sa akin. Parang may nakikita akong apoy sa mga mata niya habang tinatapunan ako ng tingin. Hindi pa ako nakakita ng taong ganito sobra ang galit.

"They stole a hundred million dollars from my company... satisfied?" Sarkastikong aniya. Naangat ko ang panga ko sa sinabi n'ya. Matagal nagsink-in sa utak ko.

Tama ba ang naririnig ko? Alam kong hindi kayang gawin ng mga magulang ko iyon. Hindi ako naniniwala kaagad sa sinabi ng lalaki. Hindi magnanakaw ang mga magulang ko. Sa gano'ng kalaking pera, hindi nila magagawa iyon.

"Hindi magnanakaw ang mga magulang ko. Hangga't wala kang solid na ebedinsyang hinahawakan, wala kang karapatang ipakulong sila." Matapang kong sigaw sa kaniya.

"Why don't you go ahead and try asking them, then?" Doon ko lang napakalma ang sarili ko nang sabihin niya iyon.

Napatingin naman ako sa mama at papa ko na nakayuko lang. Ayaw kong magtanong kasi parang pakiramdam ko ang sakit kapag malaman ko 'yong totoo.

Hinarap ko sila. Kahit ano man ang magiging sagot nila, may karapatan parin akong malaman 'yon. "Totoo po ba? T-totoo po bang nagnanakaw kayo nang gano'ng kalaking pera?"

Please, sana hindi totoo 'yong binintang ng lalaking 'to. Hindi ko talaga kakayanin.

"Anak, patawarin mo kami kung nagawa namin 'yon ng mama mo." Sabi ni Papa na tuluyang nagpabuhos ng luha ko.

Umiiling-iling ako. "H-hindi ito totoo, 'di ba? Alam kong hindi n'yo kayang gawin 'yon." Even if he answered my question, a part of me wouldn't believe it.

"Patawad anak....sana maintindihan mo kami," sabi ni Mama.

"Hindi ko kayo maiintindihan. Saan napupunta ang pera na 'yon?" Hindi ko mapigilang taasan sila ng boses. Nabigla ako sa nalalaman ko. Hindi nila ako kayang tignan at sagutin man lang ng maayos. "Ma, pa, bakit n'yo nakayanang magnakaw ng gano'n? Saan 'yong tinuturo niyo sa 'kin na dapat laging gumagawa ng kabutihan? Hindi naman tayo naghihirap sa kain, 'di ba? Bakit.... bakit hindi niyo sinabi sa akin kung nahihirapan na kayo? Kaya ko naman huminto sa pag-aaral para tulungan kayo. H-hindi 'yong humantong pa tayo sa ganito!" Iyak kong sabi. Rinig ko ang mga hikbi ni Mama. Hindi ko maipaliwanag 'yong sakit. Na-di-disappoint ako sa kanila.

"Dalhin niyo na kami." Rinig kong sabi ni papa at mabilis naman sumunod ang mga armadong lalaki. Hindi ako makaimik at hinahayaan nalang silang makaalis.  Galit ako sa kanila dahil sa ginawa nila pero naaawa rin ako at the same time kasi magulang ko parin sila. Kahit ano mang kasalanan ang nagawa nila, magulang ko parin sila. Hindi ko dapat sila tatalikuran.

Nanatili akong umiyak habang napansin kong nandito parin ang lalaking nagpapakulong sa magulang ko.

Tinignan ko siya ng masama. "Bakit ka pa nandito? Umalis ka na!" Sigaw ko sa kaniya.

Agad kong pinunasan ang mga luhang dumaloy sa mukha ko at matapang siyang tinignan. Ayokong makita pa ang pagmumukha ng lalaking ito.

"Starting today, pack all of your stuff. This entire property is already mine. I'll give you three days before I demolish this place." Aniya.

"Ano? Hindi p'wede idemolish mo 'tong bahay namin!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hm? This house won't even make up for your parents' enormous debt." Sarkastikong aniya.

"Alam ko, pero kailangan ko 'to. Kaya please, 'wag mo kunin sa amin 'tong bahay. Kahit luma na 'to, importante sa akin 'yong mga alaala." Sabi ko sa kaniya. Besides, wala akong ibang mapag-stay-han. Wala naman kaming kamag-anak dito at kung meron man, hindi rin ako kayang kupkupin.

Walang emosyon n'ya akong tinapunan ng tingin. "It's my decision, not yours." Aniya bago tumalikod sa akin.

Bumuntong hininga ako at mabilis s'yang hinawakan sa braso para pigilan s'ya. Tinignan n'ya ako ng masama pero wala akong pakialam.

"Please, nagmamakaawa ako." Patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko. Wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin n'ya o kung magmumukha man akong tanga sa harapan niya.

"I don't pity people. I make them suffer."

Hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya. It was speed, and I couldn't even have the courage to react. How could he senselessly act like that as if he were the most powerful person?

Painful Pleasure (REVISING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora