Chapter 1

506 10 0
                                    

Isang malakas na bulungan ang aking naririnig tungkol sa akin. Hindi na bago sa akin ang mapag-chismisan lalo na't lumaganap nanaman ang balita na nakulong ang mga magulang ko dahil sa pagnanakaw. Kahit totoo man ang mga pinagsasabi nila, wala silang karapatan para humusga. Kahit ako mismo gustong-gusto kong husgahan ang mga magulang ko, ngunit wala akong karapatan, hindi ko parin naman alam kung bakit nila nagawa iyon.

"Hey Reeze, ayos ka lang?" Dali dali kong pinunasan ang luha ko nang mapansin kong nandito pala ang aking kaibigan. Hinarap ko agad siya at ngumiti ng tipid.

"Oo naman." Masiglang sagot ko. Hindi siya naniniwala sa sinabi ko kaya bumuntong hininga siya.

"I know you're not okay. Share your problems with me, Ree." Sabi niya kaya yumuko nalang ako at umiyak ulit.

Si Darwin nga pala 'yong bestfriend ko simula highschool. We are in fourth year college now and we're still friends. Siya lang naman ang nagtagal sa friends ko, may mga friends akong babae pero hindi lahat sila ay totoo. Siya lang din ang lagi kong nasusumbungan sa t'wing may problema ako.

"Last day ko nalang ngayon sa bahay namin, Dars." Malungkot kong sabi.

"Then stay with me. I mean, you are close to my parents, pwede ka sa amin makitira." Sabi niya.

Oo, close ako ng pamilya n'ya ngunit nahihiya parin akong makisuyo sa kanila.

"Salamat Darwin. Pero, susubukan ko paring kausapin ang lalaking 'yon. Hindi ko hahayaang mawala ang bahay namin nang ganun lang." sabi ko. "Kung maaari, pupuntahan ko siya sa company niya kung saan naging janitress ang Papa ko noon." Dagdag ko.

"Ikaw bahala. Gusto mong samahan na kita?" Tanong niya.

"Hindi na. Pero..." Huminto muna ako kaya tinignan niya ako habang hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Hatid mo ako. Para naman save sa pamasahe." Tawang dugtong ko kaya natawa rin siya. Ginulo pa niya lalo ang magulo kong buhok habang tumatango.

Pagkatapos nang klase ay nagtungo na kami ni Darwin sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya kaya I smiled as a respond. Nagsimula na siyang magmaneho hanggang makarating kami sa Veluchares Company.

"Salamat sa byahe, Dars. Ingat ka pauwi ha," paalam ko sa kaniya.

"Call me if you need anything. Magsabi ka kaagad kung may gagawing masama sayo ang lalaking iyon." Bilin niya kaya natawa akong tumango. He acts like my big brother.

"Opo, kuya." Ngiting sabi ko saka umalis na.

Nakasuot parin ako ng uniform ngayon habang papasok sa loob ng company. Lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Pinigilan ako ng guard kaya hindi ako tuluyang nakapasok sa loob.

"May appointment ka ba rito, ma'am?" Tanong ng guard.

"Opo, pinapatawag po ako ng... boss, po." Sabi ko kaya kumunot ang noo niya. Mukhang hindi pa siya naniniwala sa sinabi ko. Hindi naman talaga kapani-paniwala ang sinasabi ko. Malay ko bang sino 'yon.

"Pinapatawag po kayo ni Boss Vren?" Tanong niya ulit kaya tumango ako.

"Opo. Sabi niya papuntahin ako rito ng alas singko ng hapon pero mukhang late na nga po, e. Baka po gusto niyo na po akong papasukin." Ngiting sabi ko. Hindi naman yata 'to madadala sa pagpapa-cute, e.

"Teka lang po, ma'am. Tatawagan ko muna ang secretary niya." Sabi niya kaya tumango nalang ako.

Hinintay ko siya habang may kausap siya sa telepono.

"Ano raw po ang pangalan niyo, ma'am?" Tanong niya.

"Reeze Mikaela Mendoza, po." Sagot ko sa kompletong pangalan.

Painful Pleasure (REVISING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat