Chapter 2

291 8 0
                                    

Nagpaalam muna ako kila Darwin at tita bago ako umalis. Buti naman at pinayagan nila ako. Gusto pa sanang sumama ni Darwin pero buti nalang at nagpaawat s'ya sa akin. Kailangan kasing ako lang ang nando'n baka mas lalo akong mahihirapang kausapin ang lalaki. Sa totoo lang kinakabahan ako sa mga pinaggagawa ko pero wala naman kasi akong ibang paraan para tulungang makalaya ang magulang ko.

Maya't maya ay huminto na ang sasakyan sa isang club. Nabasa ko ang pangalan kaya sigurado akong ito na 'yon. First time kong makapasok sa club kaya hindi ko alam kung ano-ano ang mga nasa loob. Hindi naman kasi ako mahilig gumala kaya ganito ako ka-ignorante. Nakasuot lang ako ngayon ng fitted jeans at white t-shirt dahil hindi pa ako nakapagbihis simula no'ng nakauwi ako galing school. Wala na nga akong pakialam kung magmumukha akong temang ngayon dahil simula noong umaga ay wala pa akong suklay.

"Ticket ma'am?" Pinigilan ako ng guard gamit ang stick na hawak n'ya nang bigla akong pumasok.

"Ticket po?" Ulit ko. Ang hassle naman nito.

"Opo ma'am. Hindi ka makakapasok kapag wala ka no'n." Sagot niya.

"Magkano po ba?" Tanong ko.

"Anong table po?"

"VIP table daw." Hindi ko talaga alam ano 'tong pinasok ko.

Tinignan ako ni Manong mula ulo hanggang paa. Iyong tingin n'ya ba ay parang nanghuhusga. "20, 000 per head pero reservation po kasi 'yan, Ma'am." Sabi niya kaya napataas ang kilay ko. E, 'yong dala ko ngang pera ay 200 lang. Tamang pamasahe nga lang, e.

Anong klaseng club ba 'to ba't ang mahal?

"Hala kuya, kailangan pa ba 'yon? Uuwi din naman ako pagkatapos, may tatawagin lang akong kaibigan sa loob. Promise, hindi ako magtatagal. Ganito nalang, papasukin mo 'ko kahit 5 minutes lang po tapos aalis agad ako." Sabi ko sa kaniya. Napansin kong tumingin pa ang mga tao sa paligid namin.

"Wala po'ng ganiyan dito ma'am. Umalis nalang po kayo." Sabi niya kaya para na naman akong t*nga na naiinis sa kawalan. Nabigla ako ng may humigit sa braso ko.

"I can pay for her ticket." Sabi niya kaya napatingin ako. Agad din niya ako tinignan, kaya ngumiti nalang ako ng tipid.

Babayaran niya ang ticket ko? Masyado na kayang mahal 'yon. Sabagay, kapag mayayaman talaga ay walang pakialam sa mga pera nila. Mukhang pangmayaman naman talaga ang club na ito.

Pagkatapos ma-duplicate ni kuya no'ng ticket ay pumasok na kami sa loob, kasama parin ang lalaki.

"Ah, s-salamat pala sa ticket ha. Hindi naman talaga ako magtatagal dito. May hahanapin lang ako. At saka, sayang din 'yong pera mo e, p'wede bang ibalik na 'tin 'yong ticket. Promise, saglit lang talaga ako." Sabi ko.

He laughs kaya napakunot ang noo ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"It's okay. Are you a first timer?" Tanong niya kaya napataas ang kilay ko.

"H-huh?"

"I mean, first time in a club?" Pag-uulit niya, ngayon malinaw na ang tanong niya.

Tumango nalang ako. Jusko, nakakailang ang paligid. Napatingin ako sa isang lalaking nag-o-operate sa mga tugtugan. Mayroon din sa stage na nagsasayawang mga babae na naka-panty at bra lang habang may mga kalalakihang nanonood. Mayroon ding nag-la-live band habang may back-up dancers. Napatingin naman ako sa mga babae at lalaki na nagsasayawan tapos 'yong isang lalaki, kumindat pa sa akin.

Jusko po.

Nilibot ko pa ang tingin ko sa buong paligid upang hanapin ang lalaking iyon.

"Are you looking for what?" Tanong ng lalaking nagbayad ng ticket kanina.

Painful Pleasure (REVISING)Where stories live. Discover now