Chapter 3

298 7 0
                                    

Nagising ako nang maaga. Medyo napayapa naman ang tulog ko kagabi. Nalibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay. Maganda, malaki, pero walang pakiramdam to the point na nakakalungkot talaga tignan ng bahay na 'to. Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng tubig. Habang iniinom ko iyon ay nabigla ako nang makita si Eiron na naka-boxer lang. Hindi ko alam kung bakit bumaba ang tingin ko sa parteng iyon. Agad ko naman inilagay ang baso sa mesa at tumalikod. Lalampasan ko sana siya nang bigla siyang magsalita.

"Next time wear a bra," nanigas ako sa kinatatayuan ko at dahan dahan tinignan ang harapan ko. Sh*t! Agad ko naman itong niyakap. "Cut the crap, too small to my liking." Nakangisi siya ng nakakaloko habang tumalikod sa akin.

Inis ko naman siyang minura sa isipan ko habang dali daling tumakbo sa kwarto para magprepara.

"I'll send you to school." Sabi niya dahilan para mabigla ako.

Hindi naman uso ang bait-baitan sa panahon ngayon. Tinignan ko siya ng mariin, nagtungo lang siya sa kotse niya habang binuksan ang pinto ng front seat.

"What do you think you are doing?" Inis kong sabi sa kaniya. Hindi naman nakakatuwa na umaakto siyang mabait sa akin nang ganito.

"I'm doing a favor. Don't worry, I will think something more exciting than this." Sabi niya kaya napairap nalang ako. Hindi ko siya pinansin at dali-daling sumakay sa loob ng kotse niya.

Hindi ako umimik habang nakadungaw ang ulo sa bintana. Ayaw ko siyang tignan dahil nasisira ang araw ko. Naiinis ako sa itsura niya pero wala rin akong magawa.

"Be my slave." Panimula n'ya.

"A-ano?"

"Are you willing to do everything for your parents and pay their debts, right?" Tanong niya.

"If that's the only way I know how," sagot ko. Ngumiti pa siya ng tipid bago ako tinignan.

"Ready for it." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

Hindi na ako nakapagtanong pa dahil nakarating agad kami sa school. Lumabas agad ako sa kotse niya nang walang paalam at daling nagtungo sa campus.

Gano'n lang din ang nangyari, mabilis lumipas ang oras at natapos agad ang klase ko. Nandito kami ngayon sa canteen habang bumibili ng pagkain. Kasama ko parin si Darwin. Tinignan niya ako na parang gusto niyang magtanong ng mga bagay-bagay.

"Sino 'yon?" Diretsong tanong n'ya. Hindi agad naging malinaw sa akin ang tanong n'ya kaya nanatili akong tahimik. "Iyong lalaking kasama mo kagabi sa bahay." Dugtong niya kaya napatigil ako sa pagnguya.

"Siya nga pala 'yong....s-si Eiron." Sagot ko kaya nabitawan niya ang utensils na hawak niya at hinarap ako ng seryosohan.

"Tama ba ang pagkakarinig ko, Ree?" Pasigaw nitong tanong. "P*ta! Bakit ka pumayag na sa kaniya ka tumira? Kayo lang bang dalawa sa isang bahay?" Paninigurado niya. Iyong reaksyon niya ay parang galit na galit. Hindi ko ma-explain ang expression niya nang maayos.

"Wala kasi akong choice." Iyan nalang ang nasagot ko habang tinitignan ang mga pagkain sa mesa.

"Lumayo ka sa kaniya, Ree. Please, stay away from that man. This is not the right thing."

"And I don't know what is the right thing, this is the only option I know Dar!" sigaw ko. "Alam mo naman na hindi ko kayang nakikitang nahihirapan ang mga magulang ko kaya hindi ko alam kung ano bang dapat gawin. Ito lang 'yon e, hayaan mo na akong magdesisyon." Labag man sa kalooban ko ang mga pinaggagawa ko pero wala parin akong takas. Nandito na ako kaya panindigan ko nalang.

"No, there are lot of options available. I will help you. My family willing to help you." Mahinang sambit niya.

Umiling-iling ako. "Malaking pera 'yon, Dars. Atsaka, nabalitaan kong nagkaroon ng problema ang negosyo n'yo. Ayokong makidagdag." Sabi ko nalang.

Painful Pleasure (REVISING)Where stories live. Discover now