24. Sanctions

1.5K 148 14
                                    


Sapat na ang sama ng loob ni Edric sa pamilya mula pa noon para sabihing hindi lahat ng desisyon ng mga ito ay tama.

Pagkatapos nilang mahuli sa hardin ni Gaspar, isinakay agad siya sa isang itim na limousine habang kaharap ang Seer mula sa Augur—isa sa mga board member na kasama nila sa Prios tuwing meeting.

Hindi nagugustuhan ni Edric ang timpa ng mukha ng ginang. Mas malala pa ito kaysa kay Mrs. Serena kung siya ang tatanungin.

"Hindi ka ba talaga marunong makaramdam, Edric Vanderberg?" sermon pa nito habang nakikiramdam siya kung saan siya dadalhin ng mga ito. "Alam namin ang pakay mo sa numen, pero hinayaan na naming akuin ni Rorric ang responsibilidad na patahimikin ka sa lugar mo. Iniisip mo bang palalampasin ito ng chairman?"

Maangas na natawa si Edric at napailing na lang. Naibaba niya ang paningin sa brasong may kung anong ipinosas doon na dahilan kaya hindi niya magamit ang kapangyarihan niya. "I know Van. He's not the one behind this abduction, Priscilla. He would go personally to take me if he really wants to see his wife. Quit dragging his name in your stupid antics."

Nagkrus ng binti ng ginang nakasuot ng amerikanang pambabae ang putol. Sinukat siya nito ng tingin.

Kilala niya ang mga Seer sa Augur. Gagawin ang lahat para manatili sa posisyon nila. Kung hindi lang likas na sakim ang namumuno roon na kaharap niya sa mga oras na iyon, malamang na nasa posisyon pa rin si Gaspar at binabasag ang lahat ng sabihin nila. Nagpaubaya lang ito dahil sinasabi nga nitong panahon na rin para hindi nito marinig ang lahat ng kahangalan ng pamilya—na sana ay magawa rin niya pagdating ng panahon dahil umay na umay na siya sa desisyon ng mga itong wala na sa lugar.

"In case you're not aware of, Edric, alam ng pamilya ang kaugnayan mo sa numen. Kung kami lang ang masusunod ay matagal ka na naming pinalayas sa Prios para lang lubayan siya."

"And you let me be her guardian! That's your level of foolishness!" galit niyang singhal dito. "And now, you're telling me that you want me gone before this?"

"Ang chairman ang pumili sa iyo para alagaan ang asawa niya. Pinagbigyan namin ang kahilingan niya dahil sinabi niyang siya ang bahala. Nagtiwala siya sa iyo kaya nagtiwala kami sa desisyon niya. Pero ano ang nangyari? Nagtraydor ka! Pinagtangkaan mong patayin ang numen at hayagaan mong sinasabing papatayin mo ang anak niya!"

"Ha! Haha! Hahahaha!" Unti-unting lumakas ang halakhak ni Edric dahil sa sinabi ni Priscilla.

Pinagtangkaang patayin ang numen.

Iyon na ang pinakamalaking kasinungalingang narinig niya mula sa pamilya.

Nang maawat sa paghalakhak ay matalim na tingin ang natanggap ng seer mula sa kanya. "I want to kill that child to keep the numen alive, imprudent seer. Why did Gaspar knows my intention and you're not? Is that your degree of incompetence, Priscilla? You're a total disappointment for the family! I will tell them to replace you for this uselessness—"

"Enough!" galit nang sigaw ni Priscilla at madaling naghiwalay ang mga binti saka bahagyang umurong palapit sa harapan. "Your words never signified to the family, Vanderberg. Wala kang ibang pakinabang sa pamilya. Wala kang alam kundi unahin ang sarili mo at kumain hangga't may makikita kang pagkain sa Prios!"

Nanlilisik ang mata ng seer habang nagtatagis ang mga ngipin nito. Halos makita na nga ni Edric ang tunay nitong anyo na kulay asul ang balat, kumikinang na ginto ang buhok, at may mahabang tainga.

Si Edric naman ang nagkrus ng braso at hinamon ito ng tingin. Hindi na nawala ang ngisi sa dulo ng labi niya dahil alam niyang nainis na sa kanya ang ginang.

Prios 4: Living with the VanderbergsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon