35. The Death Sentence

2.2K 186 125
                                    

Hindi inasahan nina Edric na kung sa dinami-rami ng makatutulong sa kanila para lang hindi na bulabugin ng pamilya ay si Gaspar pa. Dahil sa ginawang pananakot nito noong huling meeting, hindi na ulit nakarinig ng kung anong salita ang mga nakatira sa Grand Cabin mula sa pamilya-bagay na hindi sila sigurado kung ipagpapasalamat ba nila o dahilan para kabahan.

Iyon na ang pinapayapang tatlong buwan para kina Edric, Chancey, at Donovan. Hindi talaga sila ginalaw ng pamilya. Nagpapadala ng health reports sa Prios na si Edric ang gumagawa mula sa Cabin at pinado-double check na lang muna kay Alastor sa Bernardina bago ipasa sa Prios at dalhin sa Historical Commission for documentation.

Araw-araw silang nagtatrabaho. Kahit buntis ay ginampanan pa rin ni Chancey ang trabaho niya bilang sekretarya sa loob ng dalawang buwan habang inaalalayan ng dalawang bampirang kasama niya sa bahay.

Persona non grata pa rin si Edric sa Prios. Tinapos na ng chairman ang lahat ng projects na iniwan niya noong nakaraang dalawang buwan at ang natitirang buwan ay inilaan niya para bantayan ang asawa sa pagbubuntis nito.

Malaki na ang tiyan ni Chancey at kahit sinong dumaraan sa Grand Cabin ay nagsasabing hindi maganda ang presensyang naroon dahil sa bata. Ultimong sina Lance ay kinailangan nang gumamit ng kapangyarihan para lang makatapak doon nang hindi nahihirapang huminga.

Isang linggo na lang bago ang itinakdang araw ng panganganak ni Chancey. At dahil hindi makalabas ng Cabin si Edric, halos lahat ng paghahanda sa labas at sa ospital ay si Donovan kasama si Eul ang umaayos. Naiiwan lang sa mansiyon ang dalawa.

Si Edric ang nakatokang magbantay kay Chancey habang wala ang asawa nito.

"Umuulan pa rin?" tanong ni Chancey habang naglalaro ng tubig sa bath tub.

"It's rainy season, what do you expect?" sagot ni Edric na tutok sa phone niya habang nakasandal sa may toilet sink. Oras ng paliligo ni Chancey at siya ang tagabantay nito hanggang matapos.

"Wala pa rin ba si Donovan?"

"He sent a message a few minutes ago." Ipinakita niya kay Chancey ang phone. "He was talking to the family for the preparation."

"Sabi ni Mrs. Serena, hindi na raw advisable na patapakin dito ang mga maidservant. Anim yung hinimatay kahapon."

Napabuntonghininga na lang si Edric at tinantanan ang phone niya. Inilapag niya iyon sa may seramikong lababo at umupo sa mababang upuan sa tabi ng bath tub.

"None of us expected this overflowing energy," sabi na lang ni Edric nang iabot kay Chancey ang basang face towel na nakasampay sa haligi ng tub.

Tinitigan na naman niya ang mukha nitong halos wala nang kulay. Tuyot ang labi kahit na palagi naman nilang pinaiinom ng lahat ng hingin nito. Wala na ring buhay ang mga mata nito. Halos sakupin na ng puti ang kabuuan at namamantsahan na ng pula gaya ng sa kanilang mga bampira ang mababaw na bahagi.

Kapag tinititigan niya ang ayos nito ay natatahimik siya. Para siyang kinakawayan ng kamatayan kapag nakikita ito.

Tatlong buwan siyang pinatay ng pagkawalay nito. At binuhay ang puso niya nang ibalik ito sa kanya.

Ngunit sa nakalipas na tatlong buwang sumunod, pinamukha naman sa kanya ng buhay na hindi lahat ng pangalawang pagkakataon ay maganda ang kahahantungan. Parang ibinalik lang sa kanya si Chancey para panoorin itong mamatay sa harapan niya.

Ayaw niya talagang kalaro ang pagkakataon. Hindi siya makalaban.

"Are you afraid?" tanong niya habang pinanonood itong marahang magpunas ng pisngi. "All of them are worried since this mansion is already a no-enter zone for the family because of you."

Prios 4: Living with the VanderbergsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon