28. Late Night Talks

1.5K 151 22
                                    

Sanay na sanay si Edric na naaabutan ng chairman na may kalampungan sa opisina niya. At hindi lang siya basta humahalik ng babae-higit pa roon. Kaya alam niyang alam din ni Donovan kung paano siya kumain para sa dugo.

At hindi niya balak depensahan ang sarili niya sa lahat ng pagkakataong iyon dahil alam niya sa sarili niya na ganoon niya gustong kumain.

Pero alam niyang alam din ni Donovan na hindi siya kahit kailan pumatol sa babaeng may asawa na.

Iyon nga lang, hindi rin niya alam kung bakit ba niya kailangang makonsiyensiya sa nangyari sa sariling kuwarto nito, doon sa sarili nitong kama, kasama ang asawa nito. Nagpapasalamat siyang kaya niyang maging usok anumang oras. May dahilan para hindi siya maharang ng pinsan sa may pintuan para makalabas.

Nag-iipon na lang talaga siya ng mga rason para lalong maglaho sa mundo.

Nagtago na naman siya sa blank room buong araw. Inubos ang oras sa pagtulog sa sahig para sandaling malimutan ang nangyari sa kabilang kuwarto. Hapon na siya nagising dahil sa kalam ng sikmura.

Alam niya ang oras ng tulog ng pinsan kaya kampante siyang walang maaabutang gising sa Cabin nang bumaba para magnakaw ng pagkain niya.

Ang kaso, talagang minamalas siya dahil naabutan niya sa kusina si Chancey at huli na bago pa siya makaliko pabalik.

"Edric."

Ang rahas ng buntonghininga niya nang sulyapan mula sa gilid ng mata si Chancey na may dala-dalang bote ng dugo.

"Remove my mark. I don't want to be here," sabi na lang niya rito.

"Galit sa 'yo ang buong Prios. Kapag nalaman nilang nasa Winglov ka, ipapatapon na talaga kayo sa south. Wala ka nang ibang mapupuntahan kundi dito lang."

Naiirita talaga siya kapag nababanggit ang pamilya. Inis na inis siya sa mga kasamahan nila sa board. Masyado na silang pinagtutulungan. Iniisip niyang masama ang loob ng mga ito dahil paboritong pamilya ng Ikauna ang mga bampira dahil kay Ruena Vanderberg kaya gumaganti sa kanila.

"Hindi galit sa 'yo si Donovan, huwag kang mag-alala," paliwanag nito at inilapag ang bote sa gitnang mesa. "Masyado siyang mabait para magalit sa 'yo."

Bumalik si Chancey sa may ref at hirap na hirap na yumuko para abutin ang nasa ibaba niyon.

Napairap na naman si Edric at lumapit na siya kay Chancey. Siya ang nahihirapan sa panonood pa lang dito.

"You better take your rest. You shouldn't do these stupid things here." Siya na ang kumuha ng mga styroplate doon at ibinagsak sa kitchen counter. "Van should take care of you."

"Hindi na nga siya nakatulog nang maayos kahapon. Ngayon na lang siya nakakabawi ng pahinga."

"Stop considering other people's sake."

Nakasimangot si Chancey nang tingalain siya. "Asawa ko ang pinag-uusapan hindi lang basta other people. Ipapaalala ko lang." Inirapan niya si Edric at padabog na inalis ang nakabalot na cling wrap sa styroplate. "Ngayon ko lang siya maaasikaso ulit."

"You don't have to. Just ask for maidservants and they will do it for you." Itinuro niya agad ang tiyan ni Chancey. "That monster is going to kill you soon. And Van will die as well. What these are for anyway?"

Ang bigat ng pagbuga ng hangin ni Chancey nang ibato sa dibdib ni Edric ang nilukot na cling wrap na hawak niya. "Tama na ang pagiging selfish mo, puwede ba? Ano'ng tingin mo sa asawa ko, hindi nasasaktan dahil narito ka?"

"I don't even care if he is hurting. That is not the point here."

Napapikit na lang si Chancey at kagat ang labi nang hawakan ang tiyan gamit ang kanang kamay at ang kaliwa ay nasa balakang naman.

Prios 4: Living with the VanderbergsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon