29. Bad Omen

1.6K 148 39
                                    


Katatago ni Edric sa blank room, ni hindi niya napansing sa may second floor pala siya dapat mananatili habang naroon siya sa Grand Cabin. Pagtapak niya sa loob, nakahanda na roon ang ilang maleta. Pagtingin niya sa laman, halos lahat ay mga gamit niya. Inirapan lang niya ang katangahang pagtatago sa third floor para lang hindi mahuli ng mag-asawang nakatira doon.

Pagkatapos maligo, napatingin siya sa oras at napansing alas-dose na ng gabi. Noon, ganoong oras, pinagpipiyestahan pa ng apat-apat na babae ang katawan niya para lang makatulog siya. Pero noong nakalipas na tatlong taon, pahinga na niya iyon galing sa trabaho. At noong nakaraang tatlong buwan, oras naman iyon ng paghihintay niya sa bawat pag-iyak ng asawa ng chairman.

Kahit hindi na siya ang nag-alaga kay Chancey noong kunin ito ng pamilya, gising pa rin siya nang ganoong oras—naghihintay kung may iiyak ba sa paligid para daluhan niya. Pero nangyari lang ulit ang pag-iyak na iyon noong nagdaang tatlong araw.

Alam naman ng buong Prios ang nararamdaman niya para kay Chancey. Siya lang ang ayaw iyong tanggapin. Ngayong tinanggap na niya, parang gusto na naman niyang bawiin.

Wala siyang interes mang-agaw ng pag-aari ng iba kung babae lang naman ang pag-uusapan. Napakaraming babae sa mundo. Tatlo-tatlo pa nga kung minsan ang tangay-tangay niya mula sa opisina hanggang sa bahay.

Pero hindi rin niya maipaliwanag kung bakit simula noong nakasama niya si Chancey, naisip niyang kulang ang lahat ng babae sa mundo para lang tumumbas sa isa. Na kung minsan, umaabot sa puntong kung hindi si Chancey, mas mabuting wala na lang.

Mas madaling magalit kaysa magmahal. At doon siya parati sa mas madaling gawin. Pero kahit na palagi naman siyang galit kay Chancey at galit ito sa kanya, hindi naman siya nito pinabayaan—kahit pa hindi rin niya alam kung bakit siya nito kailangang alagaan.

Ala-una nang makarinig siya ng isang katok sa may pinto. Madali siyang tumayo mula sa kama na para bang dumating na ang ilang oras na niyang hinihintay.

Wala pang limang segundo nang buksan niya ang pinto at nakataas ang kilay niya nang tingnan ang pinsang mukhang ayaw sanang lumapit sa kanya pero naroon at nasa harapan niya.

"Chancey's crying."

"I was sleeping, you know?"

"You don't look like you're sleeping. I was about to knock again."

"Who cares. Where is she?" Dali-dali siyang lumabas at nauna pa siyang maglakad papuntang third floor.

Tutal, nagkahulihan naman na. Hindi na niya kailangang itago pa kung ano ang ginagawa niya kay Chancey para tumahan ito. At kung gusto nga talagang mapatahan ni Donovan ang asawa, dapat ay makinig ito sa kanya.

Pagpasok nila sa kuwarto ng chairman, naroon na naman si Chancey at kagat-kagat ang braso ng kawawang teddy bear.

"Did the family provides health reports regarding her pregnancy for the past three months?" tanong agad ni Edric nang tanawin si Chancey sa may kama.

"Zephy was sending me the papers directly from Gilmora. I didn't like her results, though. But it was the family's decision, so—"

Tiningnan na naman nang masama ni Edric ang pinsan nang mabanggit na naman ang desisyon ng pamilya. "Van, just tell me that you did this to your witch wife just so the family will see how wrong they are in their nonsense decisions."

Napayuko na lang si Donovan sa sinabi ni Edric.

Parang ganoon kasi ang nakikita niya. Parang isinakripisyo ng chairman ang pagkawalay kay Chancey sa loob nang maikling panahon para lang ipamukha sa pamilya na mali sila ng ginagawa.

Prios 4: Living with the VanderbergsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon