WME 68

482 14 3
                                    

Amira and I are eating nicely when Alleli came to that restaurant. Gulat na gulat kaming dalawa ni Amira dahil galit si Alleli noong pinuntahan niya kami.

"You bitch! Sobrang tanga ko na nakipag-kaibigan ako sa iyo. Gusto mo lang pala ahasin ang boyfriend ko sakin!" sigaw ni Alleli, rinig siya ng lahat.

"Alleli, alam mong hindi totoo 'yan. Isa pa, Jay and I are only good friends. Hindi kami!" sigaw naman ni Amira sa kanya.

"Hindi kayo but you like him! Kaya nagsinungaling ka sa kanya. You told him na may boyfriend ako!" sigaw ulit ni Alleli.

Sumeryoso ang mukha ni Amira Dane at saka nagpatuloy sa kanyang pagsasalita.

"Really? Ako pa talaga ang sinungaling sa ating dalawa? You know the truth, Alleli. Hindi rin nagsisinungaling ang picture. Ang sweet niyo ni Casper!" sigaw ni Amira Dane, halata kong stressed na siya kay Alleli.

"H-Hindi, hindi toroo 'yon! Malay ko ba kung edited ang picture na iyon at gawa-gawa mo lang para mapa-sayo na ang boyfriend ko!"

Ilang minuto pa ay humarap naman sa akin si Alleli. Ang mukha niya ay parang nagmamakaawa na sa akin na paniwalaan ko na siya sa lahat ng mga sinasabi niya.

"Honey, I know that alam mong mahal na mahal kita. Naniniwala ka sa akin di ba? Please, give me another chance. Give our relationship another chance," ngayon ay naiiyak na si Alleli sa harapan ko.

"Alleli, I already wasted my time on you for a long time. Mahal kita pero hindi ko na kayang tanggapin pa sa buhay ko ang isang tao na alam kong niloko na ako," sagot ko naman.

"And you think hindi ka lolokohin ni Amira Dane kung siya ipalit mo sa akin? Kung alam mo lang, she's a gold digger!" sigaw ni Alleli.

Dahil sa sinabi ni Alleli ay hindi napigilan ni Amira Dane na sampalin siya.

"How dare you to call me like that?! Hindi mo alam ang buhay ko, Alleli!" sigaw ni Amira Dane kaya sinabunutan siya ni Alleli.

Doon na ako nagising sa katotohanan. I need to save Amira Dane from her. Pinaalis ko si Alleli doon sa restaurant.

"Umalis ka na, Alleli. Umalis ka na kung ayaw mong tumawag pa ako ng pulis," mahinahon pero may diin kong sabi.

"S-Siya na talaga ang pinipili mo at hindi na ako? Sigurado ka ba dyan, Jay?" nagmamakaawa na ang kanyang boses.

"H-Hindi na mahalaga kung sino ang pinipili ko. Alleli, kilala mo ako. Ayaw ko sa gulo. Please, leave."

Galit na galit na umalis si Alleli sa restaurant. Agad ko namang binalikan si Amira Dane para tanungin siya kung ayos lang ba siya.

"Okay ka lang ba? Saan may masakit sa iyo?" tanong ko.

"W-Wala nang masakit sa akin. Hayaan mo na 'yon," sagot naman niya pagkatapos ay pilit na ngumiti.

Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko noong moment na iyon pero nakita ko na lang na nakayakap akong mahigpit kay Amira Dane. Alam ko, nagulat siya dahil sa ginawa kong'yon.

Want Me, Engineer (TES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon