WME 93

269 10 0
                                    

Iba ang kabang nararamdaman ni Amira Dane ngayon. Na-realize niya na iba pala ang pakiramdam kapag si Jay Jay na ang sasabihan niya na buntis siya. Hindi siya makapaniwala na sasabihin na niya sa tatay ng anak niya ang totoo. Masaya rin naman siya dahil sinunod niya ang payo ng kaibigan niyang si Carilley.

Ngayon ay naghihintay siya sa isang restaurant na malapit sa bahay nila. Dahil hindi pa naman malaki ang tiyan niya ay siya pa rin ang nagda-drive ng kotse niya. Ang katwiran niya, malapit lang naman kaya kaya pa niya at hindi daw mapapaano si baby.

Halos thirty minutes din ang hinintay niya bago pumasok si Jay Jay sa loob ng restaurant. Nang magtama ang kanilang mga mata ay lalo siyang kinabahan. Ramdam niya ang lamig ng katawan niya dahil sa kaba.

''Hey. Pasensya ka na ah? Ngayon lang ako nakarating kasi may inaasikaso pa ako. Alam mo na, naghahanap na ako ng trabaho. Ano nga pala ýong sasabihin mo sa akin? Also, why are you saying sorry?'' sunud-sunod na tanong niya na nagbigay kay Amira nang labis na kaba.

''Jay, alam mo naman na may nangyari sa atin, di ba? I mean, I'm sorry. Alam kong mahal mo pa rin si Alleli hanggang ngayon. Wala akong magagawa roon,'' panimula ni Amira Dane.

''Yeah, alam ko and sorry for that. Anong meron? May infection ka ba dahil sa nangyari or something?'' tanong niya ulit kay Amira Dane.

Hindi na nagsalita si Amira Dane, binigay na lang niya ang ultra-sound ng baby nila sa kanya at ilan pang patunay na buntis siya. Hindi namalayan ni Amira Dane na natulo na pala ang luha niya pagkatapos niyang aminin kay Jay Jay iyon.

"So, you are pregnant?'' hindi makapaniwalang tanong ni Jay.

''Yes and you are the father. Don't worry, hindi ko naman balak na ipa-ako sa iyo ang bata. Sinabi ko lang kasi may nakapagsabi sa akin na kailangan mo pa rin itong malaman kahit na ano pa ang mangyari,'' sagot ni Amira Dane.

"Hmm. Wait lang ah,'' sabi ni Jay Jay na nakatingin pa rin sa ultrasound ng kanyang anak.

Äh, bakit? Hindi ka ba naniniwala na sa iyo ang dala ko? Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede naman nating ipa-DNA ang bata kapag lumabas-'' natigil ang pagsasalita niya dahil sumagot agad si Jay Jay sa kanya.

''I just said wait, hindi ko sinabi na hindi ako naniniwalang akin ang bata. Amira Dane, hindi mo alam kung gaano ako kasaya na malamang may anak na ako,'' nakangiti si Jay Jay habang nakatingin kay Amira Dane.

Gulat na gulat si Amira Dane dahil hindi niya akalain na natanggap agad ni Jay Jay ang balitang iyon nang ganoon kabilis. Hindi niya alam kung maiiyak siya sa kasiyahan o sa kaba na magiging magulang na sila [parehas kahit na hindi naman sila magkasintahan talaga.



Want Me, Engineer (TES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon