WME 98

305 11 0
                                    

Pumunta na nga agad si Jay Jay sa bahay nina Amire. Wala na siyang pake sa sasabihin ng kaibigan niya sa kanya. Ang importante, ang anak niya kay Amira. Gusto niya na mabigyan ito ng buong pamilya kahit na hindi naman sila talaga mag-partner ni Amira sa buhay.

Umupo agad sdiya sa living room pagkapasok niya sa bahay ng kaibigan niya. Hinintay lang niya si Amire doon. Ni hindi na nga niya na-chat si Amira dahil nagmamadali siya. Ayos lang naman sa kanya iyon dahil si Amire naman talaga ang sadya niya.

''Oh, nandito ka na pala, Jay.'' Sabi ni Amire nang bumaba siya mula sa kwarto, umupo siya sa sofa pagkatapos noon.

''Ah, hindi naman. Ngayon-ngayon lang ako. Pare, may sasabihin sana ako eh. Importante talaga ito sa akin at sa kapatid mo, si Amira Dane,'' sagot naman ni Jay sa kanyang kaibigan.

Bigla namang nagtaka si Amire dahil sa sinabi ni Jay sa kanya. Agad niya itong tinanong kung bakit pati si Amira ay kasali rito sa usapan.

''Ha? Bakit naman kasali si Amira sa usapan? Isa pa, paano mo siya nakilala?'' tanong ni Jay.

''A-Ah, parehas kami ng school noong college kaya kilala ko siya. Isa pa, kapatid mo siya Amire, hindi pwedeng hindi ko siya kilala, di ba?'' sagot naman ni Jay, sa loob-loob niya ay kinakabahan siya sa kaibigan niya.

''Oh, anong meron sa inyo ng kapatid ko?'' tanong ni Amire, simple lang iyon pero may diin.

''Amire, pare. Pasensya ka na pero-'' hindi pa natatapos ni Jay ang sinasabi niya pero may sagot agad si Amire sa kanya.

''Huwag mong sabihin na kayo na ng kapatid ko? Kayo ni Alleli, di ba?'' tanong ulit ni Amire sa kanya.

''Ah, hindi sa ganoon pero-'' hindi na naman natapos si Jay sa kanyang sasabihin dahil sumagot na naman si Amire sa kanya.

''Pero ano? Jay, huwag kang ganyan pare. Hindi naman second option ang kapatid ko. Alam mo iyan!'' galit na si Amire nang sabihin niya iyon.

''Hindi naman na kami ni Alleli pare. Hindi rin kami ni Amira pero pare, nabuntis ko siya eh. Pasensya na-'' hindi pa tapos ni Jay ang sinasabi niya pero nasuntok agad siya ni Amire.

''Ano?! Gago ka pala eh! Sino ka para gawin mo iyon sa kapatid ko?! Wala kang awa, alam mong kapatid ko iyon pero binuntis mo pa!'' sigaw ni Amire.

''Alam ko, pare. Alam kong gago ako pero hindi ko naman sinasadya iyon. Isa pa, hindi ko alam na kapatid mo siya! Ngayon ko lang nalaman eh,'' sabi ni Jay, hawak-hawak ang pisngi na sinuntok ni Amire.

Ilang minuto pa ay bumaba na si Amira dahil narinig na niya ang sigawan ni Jay at Amire. Pinapabalik siya ng kanyang kapatid sa kanyang kwarto pero umalma si Amira para ipagtanggol si Jay sa kapatid nniya. Isa pa, para ipaliwanag sa kapatid niya ang lahat.

Want Me, Engineer (TES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon