WME 86

273 10 0
                                    

Hindi alam ni Amira Dane kung matutuwa ba siya o kakabahan sa pupuntahan niya ngayon. Ang daming tanong sa isip niya na kailangan ng sagot. Alam din niya na maraming problema ang parating pagkatapos niyang malaman ang sagot nito ngayon.

''Ms. Agoncillo, kayo na po ang susunod,'' sabisa kanya noong secretary ni doc.

Pagpasok niya sa loob ay kabadong-kabdo siya. Nanlalamig ang buo niyang katawan pero tumuloy pa rin siya sa check-up na iyon.

''Iyan, Ms. Agoncillo, iche-check na po natin ah? Humiga na po kayo rito,'' sabi ni Doc Wilma sa kanya, ginawa naman niya iyon agad.

Habang chine-check up siya ay panay ang dasal niya kay Lord. Kung ano man ang sitwasyon niya ay tatanggapin niya nang buong-buo. She's praying for strength na masabi niya iyon kina Jay Jay at Amire na hindi sila nagkakagulo. 

Pagkatapos tingnan ni Doc Wilma ang results ay pinatawag niya agad si Amira Dane sa secretary niya.

''Ms. Agoncillo, please sit down. I've seen your results and all I can say is congratulations. You are 8 weeks pregnant,'' sabi ni Doc Wilma sa kanya.

Noong una ay hindi siya makapaniwala. Gusto man niyang umiyak sa harapan ng doctor ay hindi naman niya magawa. Tinanong tuloy siya ni Doc Wilma kung okay lang siya dahil nga hindi agad siya nagsasalita.

''Ms. Agoncillo, are you okay? May mali ba sa sinabi ko? Are you not happy that you are pregnant?'' tanong tuloy ni Doc Wilma sa kanya.

''Ah. N-No Doc. Sobrang saya ko nga po na buntis ako. Sorry po. I was still in shock po,'' sagot ni Amira kay Doc.

''Ah. I see. Okay. Congratulations, Ms. Agoncillo. You need to go here for your monthly check-up. Okay?  Para ma-monitor natin si baby,'' paalala ni Doc Wilma sa kanya.

''Opo Doc, salamat po,'' maikli niyang sagot, ngumiti siya kay Doc Wilma at lumabas na mula roon.

Hindi niya alam kung matutuwa siya, malulungkot o matatakot sa nalaman niya. Napadasal na lang siya ulit paglabas niya ng ospital. Napahawak na lang siya sa kanyang tyan at doon ay kinausap niya ang kanyang baby.

''Kaya natin 'to baby, ha? I love you kahit hindi pa kita nakikita. Gagawin ko ang lahat para sa iyo, kahit na mag-isa lang ako.''


Want Me, Engineer (TES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon