CHAPTER 30

610 21 3
                                    

Naging busy kami sa paghahanda para sa darating na fiesta, kaya nawalan na rin kami ng time para gumala. Pero ok lang, dahil naging masaya at exciting naman ang mga ginagawa namin. One day before the fiesta ay tapos na kami sa tasks namin ni Mars, maayos na naka set up na ang lahat. Ang mga trabahador na ang bahala sa  pagluluto ng mga pagkain.

"Mga anak, salamat talaga sa tulong ninyo ha. Naku hindi tuloy kayo nakapamasyal, pasensya na Shaina ha. Nakakahiya na sayo, nagpunta ka rito para magbakasyon at makapagpahinga pero iba ang nangyari." Sincere na sabi ni nanay.

"Sos si nanay, ok lang po iyon nay. Nag-enjoy po ako sa totoo lang po, promise po." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Pero nakakahiya pa rin sayo hija." Sabi pa rin ni nanay sa akin.

"Nay huwag na po kayong mahiya, ok lang po talaga nay." Sabi ko pa rin kay nanay.

"Oo nga nay, huwag na po kayong mahiya. Tapos na po eh, kaya wala na po kayong magagawa pa." Nakangiting sabi naman ng kaibigan ko.

"Ikaw talagang bata ka Marcelyn, puro ka kalukuhan." Sabi ni nanay at akamang kukurutin pa nito sa baywang ang anak, pero mabilis namang nakaiwas ang kaibigan ko. Napahalakhak pa itong umiilag sa ina. Nahawa na rin ako sa tawanan nila.

"Kasi naman po inay, pabalik balik kasi kayo eh. Sinabi na nga pong ok na po diba?" Natatawang sabi pa rin ni Mars.

"Oh siya sige na, suko na ako. Mabuti pa mag meryenda na kayo at ng makaalis na. Total tapos na naman kayo sa mga hiningi ko sa inyong pabor, at maaga pa naman. Mabuti pa mamasyal kayo sa plaza, balita ko maraming palabas ngayon. At ilang araw din kayong hindi nakapaglibot." Sabi ni nanay sa amin habang inihanda ang meryenda namin.

"Pero marami pa pong mga kailangang gawin dito nay." Sabi ko kay nanay.

"Beshy, huwag ka nang humirit pa. Baka biglang magbago ang isip ni nanay at hindi na tayo paalisin, sige ka ikaw rin." Kuntra naman ni Mars sa sinabi ko. Napapailing na lang si nanay sa sinabi ng anak niya, pero nakangiti naman.

"Hi nay, hi ate. Anong meron at mukahang nagkakasiyahan kayo ah." Masayang bati sa amin Marcory ng makalapit ito sa kinaroroonan namin. Nasa terrace kasi kami ng bahay.

"Wala naman, pinapalayas lang kami ni nanay rito. Sama ka?" Sabi namanng kaibigan ko sa kapatid niya.

"Saan naman ang balak niyong puntahan niyan? Sasama ako." Sabi naman ni Marcory sa kapatid.

"Balak naming gumala sa plaza ngayon pagkatapos nito." Sabi ko.

"Tamang tama ate may palaro ngayon, manood tayo. Saka mamayang gabi na ang search for Miss D of the year. Manood din tayo mamaya ate, kasali iyong class mate ko. Kahit na hindi namin ka-close iyon pero kailangan nandoon ang buong klase namin to support her." Sabi pa nito sa amin. At medyo napaismid pa ito sa huling sinabi. Napakunot noo naman ako, hindi ko maiwasan.

"Napaka feeling kasi niyon ate, ang arte arte at akala mo naman sobrang ganda. Eh mas maganda pa nga ako sa kanya, sa totoo lang. Saka maraming inis sa kanya, ang yabang pa. Porket anak ng unang konsehal. Hmp." Sabi ulit nito. At nakaismid pa ito.

"Hayaan mo na lang siya, just ignore her. Kasi wala rin namang mangyayari kung iintindihin mo pa iyon. Wala ka ring mapapalasa mga ganyang klasing tao. The more na binibigyan mo sila ng pansin, the more na gumagawa sila ng paraan para mas lalo ka nilang inisin. At iisipin nila na inggit ka sa kanila, kaya ang tamang gawin mo is, hayaan, iwasan at huwag pansinin at huwag paakpikto sa sa mga ginagawa nila. Kulang lang kasi sa pansin ang ganyang klasing tao Marcory." Paliwanag ko sa kanya.

"Tama ka ate Shaina." Tumango tango pa ito sa akin.

Ilang saglit pa tapos na kaming magmeryenda and we're
hidding our way to the plaza. Its only ten in the morning at mataas na masiyado ang sikat ng araw at medyo masakit na sa balat. Kaya I choose to wear a ment green long sleeve fitted blouse na malamig sa balat kahit na mainit ang pahon. And faded blue skinny jeans, and a pair of sneckers. Ganon din ang suot ng magkapatid, but in different colors. Marcory is wearing an off shoulder long sleeve fitted blouse, while Mars tourtle neck. They look very sexy, eye catching. Pariho ding maganda.

My Arrogant Patient ( On Going )Where stories live. Discover now