Chapter 6

906 26 4
                                    

At halos  sumabog na ang dibdib ko ng makita ko at makasalubong ng mga mata ko, ang mga matang matalim na nakatingin sa akin. Matalim na Nakatitig na parang nanunuot sa buo kong pagkatao. Kamuntik pa akong matumba dahil sa biglang nanlambot ang mga binti ko. Para akong tinakasan ng lakas, mabuti nalang at nakaalalay sa akin si ate.

"Ina ok lang ba? Namumutla ka, masama bang pakiramdam?"  Nag-aalalang tanong ni ate sa akin, napansin pala niya ang mabuway kong paghakbang.

"Biglang sumama ang pakiramdam ko ate, nahihilo ako, pero ok lang ako ate." Mahinang sabi ko sa kanya. It's a lie. I'm sorry ate, bulong ko na lang sa sarili ko.

"Sigurado ka? Halika maupo ka na muna rito. O baka naman gutom ka, kumain na ba kayo? Magpapahanda ako ng makakain niyo." Nag-aalala pa ring sabi ni ate sa akin. Saka ako inalalayan nitong maupo. "Promise ate, ok lang po ako." Nakangiting sabi ko sa kanya, ayaw ko kasing nag-aalala ito sa akin.

"TSK... Ang lakas ng loob na uminom hindi naman pala kaya ang hung over at ngayon mag-iinarte pa! Naturingan pang nurse! Tsss." Gulat akong  napalingon dito. Dahil sa padabok nitong pagtayo at mabilis na naglakad papasok ng bahay.

"Jason!" Gulat na sabi Kuya rito.
 "Bro!" Sabay naman na sabi ng mga kaibigan nila kuya.

Pero ang mas nakakagulat sa akin ay ang mabilis nitong paglalakad. Hindi na ito nakaupo sa silyang di gulong na remote control lang ang gamit para umandar. Ibig sabihin magaling na ito ngayo? Pero kailan pa? Wala man lang akong alam. Ni hindi man lang nabanggit sa akin nila ate. Napatanga akong nakatingin pa rin sa pintong pinasukan nito.

"Nakakalakad na siya." Mahinang sabi ko sa sarili ko.

"OO Ina, magaling na si Jason nakakalakad na siya ng maayos ngayon." Nakangiting sabi sa akin ng ate, narinig pala nito ang sinabi ko.

Kahit ganon pa man, bigla akong nakaramdam ng takot at saya sa nalaman ko. Kinabahan na naman akong bigla. Nagbalik lang ang atensiyon ko ng dumating si Manang Linda kasunod ang dalawang katulong na may dala dalang tray ng pagkain.

"Shaina hija,  kumain na kayo ng kaibigan mo habang mainit pa. Pinainit ko pang muli itong  tinulang manok, sabi kasi si Jason kailangan mo raw ito. At saka nagbilin pa na inumin mo raw iyang  gamot pagkatapos kumain, ng mawala raw iyang hung over mo. Batang ito talaga oo nagbiro pa." Natatawa ring sabi ni Manang.

Parang may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. Dahil sa sinabi ni Manang sa akin. Kaya lang hindi ko maiwasan ang mainis sa  kanya. Pinangangalandakan talaga nito na may hung over ako.

"Ah Manang, pakisabi nalang po sa kanya na hindi ko po kailangan ng gamot niya, at paki sabi na rin po na wala po akong hung over at kaya  ko pong alagaan ang sarili ko. Kaya ko nga pong mag-alaga ng ibang tao, sarili ko pa po kaya ang hindi ko kayang alagaan. Nurse po ako pakisabi po." Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sobrang inis.

Napailing iling na lang si Manang. "Hay naku talaga kayong dalawa, wala pa ring pinagbago. Siya sige na kumain na kayo bago pa lumamig muli ang pagkain niyo. Marcy hija,sige kumain na kana, huwag mo na lang pansinin iyong dalawa. Para talaga iyang mga aso at pusa." Sabi  pa  ni Manang.

"Salamat po Manang, ok lang po." Sagot naman ng kaibigan ko, na halatang parang balisa rin ito. Napakunot noo rin akong napatitig sa kanya. At hindi ko sinasadyang sa paglingon ko ay nakita ko ang isa sa mga kaibigan ni Kuya na titig na titig rito. Halos hindi na kumukurap sa kakatitig sa kaibigan ko. Si Daniel Christ Ford, I smell something fishy. Dahil sa ibang klase ng titig nito.

"Hey! Dude, baka naman matunaw na yan sa kakatitig mo. Kumurap ka naman, parang ngayon ka lang nakakakita ng maganda at sexy ah." Narinig kong sabi ng isa pang kaibigan nito. Ito iyong maluko sa kanila, Si Miguel Andrew Cortes.

My Arrogant Patient ( On Going )Where stories live. Discover now