CHAPTER 46

634 10 5
                                    

"Ate, Kuya, nandito kayo." Hindi makapaniwalang sabi ko. Sabay yakap ng mahigpit kay Ate, I miss her so much.

"Hey ano ka ba, ito talaga oh. Kamusta ka na? Maayos na bang pakiramdam mo?" Natatawang sabi ni Ate sa akin ni Ate habang binigyan ako ng halik sa pisngi.

"I miss you Ate." Sabi ko pa kay Ate and I can't help my self na maiyak, kaya naman mas lalong natawa si Ate sa akin.

"I miss you too, we miss you." Nakangiting sabi din ni Ate sa akin saka nilingon ang mga pamankin ko. But our princess Shawntel abala sa pagtingin sa paligid, na tila ba tuwang tuwa talaga sa nakikita.

"Oh, Hi buddy how are you? You look great at ang laki mo na." Sabi ko kay Shawn na abala din sa pagmamasid sa paligid. Ang gandang bata talaga nitong pamangkin ko, his a younger version of his father at sigurado akong habulin din ito ng girls paglaki nito. I hug him and kiss him on his cheek. I miss them so much.

"Hello po Tita Ina, I'm good po. Thank you." Sabi rin sa akin ng pamangkin ko habang niyayakap at ako at halik sa pisngi ko.

"Hi princess." Nakangiting tawag ko kay Shawntel na agad namang nagpakarga sa akin pagkakita.

"Tita Ina I miss you so much po, ang ganda po." Sabi ni Shawntel sa akin.

"Hmm, si Tita ba hindi maganda?" Sabi ko sa pamangkin kong si Shawntel.

"Of course Tita you pretty po like mom. Right mom?" Inosenting sabi naman niya sa akin. Nakangiting tumango naman si Ate sa sinabi ng anak.

"You see that  Tita Ina mommy's agree." Inosenting sabi pa rin nito sa akin.

"I know right princess." Nakangiting sabi ko sa kanya. 

"Oo nga pala Ate, Kuya ipapakilala ko kayo kina Nanay. Siguradong matutuwa sila pag nakita kayo." Sabi ko kina ate at dinala ko sila sa kinaroroonan nila Nanay. Gulat namang napatayo sila nanay pagkakita sa mga kasama ko. 

"Nay, Tay, Ate ko po at si Kuya James po, mga pamankin ko rin po Nay, Tay si Shawn at Shawntel po." Kaya naman agad kong ipinakilala sila Ate kina nanay pagkalapit namin sa kanila.

"Magandang hapon po sa inyo, naku nakakahiya, mabuti at naparito kayo, dito tayo at maupo kayo. Naku kagaganda at kagagwapo naman." Natatarantang sabi naman nila Nanay sa amin at iginiya kaming maupo. Agad din na nagmano ang mga pamangkin ko sa kanila,   ito ang isa sa mga mabuting asal ng mga pamangkin ko.

"God bless you mga apo, kababait namang mga bata." Sabi naman ni Tatay na halatang mangha pa rin at hindi makapaniwala sa mga sunod-sunod na dumating.

"Maribeth, Marcory dali hainan niyo ng makakain ang mga bisita natin dali." Hindi magkamayaw pa ring utos ni Nanay kina Marcory.

"Nay ok lang po." Nakangiting sabi naman ni Ate kay nanay.

"Opo Nay ako na pong bahala kina Ate." Nakangiting sabi ko rin kay Nanay.

"Naku anak nakakahiya naman sayo, samahan mo na lang ang ate mo."  Sabi naman ni nanay at agad namang sumunod sila Marcory dito.

"Ok lang po talaga Nay, tutulungan ko na lang po sila." Nakangiting sabi ko pa rin kay Nanay, at tumayo para tulungan sila Maribeth at para makaiwas na rin kay Jason kahit papaano. hindi ko na naman maiwasang makaramdam ng inis at manibugho sa nalaman ko kanina.

"Ate kami na dito ni Marcory samahan mo na lang sila Ate Shakeera, nakakahiya naman po." Sabi ni Maribeth sa akin ng makalapit ako sa kanila.

"Oo nga Ate Ina kami na ni Ate Beth dito." Sabi din Marcory sa akin.

"Ok sige na nga ang kukulit ninyo." Nakangiting sabi ko sa dalawa, pero kumuha muna ako ng mga pagkain bago ako bumalik kina Ate. Napapailing na lang na nagkatingitan sila Maribeth.

My Arrogant Patient ( On Going )Onde as histórias ganham vida. Descobre agora