chapter 27 (babe)

3 2 0
                                    


Babe

"Ate sama po kami please..." nag puppy eyes pa si Nathan sa akin dahil gusto n'ya sumama sa Ferris wheel. Duhz hindi muna pwede huhunes masisira plan ko :(

"Mataas yan Nathan baka matakot ka lang eh.." pagdadahilan ko.

"Im a big boy na kaya, ate." hinampas pa n'ya ang dibdib n'ya. Whoa hahaha!

"Talaga lang ha pero nag aya sa train kanina psh." pang aasar ko.

"Nathan, hayaan mo na muna ang ate at kuya Jazzone mo ang sumakay. Bumili nalang tayo ng toys." pang uuto ni mama.

No choice kasi walang ibang may gusto sumakay kaya sa amin talaga sasama si Nathan pag sasakay din s'ya.

"Mama toys ha? " papayag din pala psh toys lang katapat.

"Yan pala ang big boy ha" pang-aasar ko pa.

"Nathan wag mo nalang pansinin ate mo ha." tinapik pa n'ya ito sa balikat. Psh.  "Tara na nga baby." pumila na kami dahil mahaba haba din ang pila.

"Sila Cijeigh nasan pala?" tanong bigla ni Jazzone.

"Anjan lang yon baka nag picture."sagot ko.  Kinakabahan ako slight!  Sana di n'ya yun nahahalata owemjiiii!

"Takot ka ba sa heights?" tanong n'ya ulit.

"Kung takot ako edi sana hindi ako nag aya sumakay diba? " actually huhunes mejo takot talaga ako eh.

"Malay ko ba kung gusto mo lang mahawakan kamay kl at yumakap sakin." nakangising sabi n'ya!

"W-woi wag kang feeling! Epal ka nanaman eh." hindi ako makatingin sa mata n'ya shockssss!

-
-
-

"Ayan na baby ha bawal matakot hahahha" pang aasar n'ya nang kami na ang sasakay.

Hindi nalang ako sumagot. Nag ppractice pa ko sa utak ko noe!  Hays.

"Baby dito ka naman. Lapit ka sakin." utos n'ya pa!  Ang lapit ko na kaya!  Psh. Pero lumapit pa din ako sakanya agad naman s'yang pumulupot sa bewang ko.

Nagsimula na umandar ang ferris wheel pero wala pa din nagsasalita sa amin. HUWAHH ang awkward naman tsk. 

"B-baby I'm really sorry. Hindi ako magsasawang mag sorry sa'yo. I miss you. I want to hug you to kiss you." nang tumingin ako sakanya nanlaki ang mata ko ng kuminang ang mata n'ya.

Shocks sabi ko pag nasa taas na kami saka ko to sasabihin eh psh. Bahala na nga!

"Shush it's okay na. I miss you more babe." para naman s'yang baliw na tumawa!  Agad n'ya akong niyakap ng sobrang higpit at ginantihan ko naman iyon.

"Totoo ba to baby?" hindi makapaniwalang tanong n'ya nang humiwalay kami sa isat isa.

"Of course not." agad na nawala ang ngiti n'ya dahil sa sagot ko. "joke lang hahaha! Oo naman totoo to!  Hindi na din kita matiis eh." natatawang sabi ko. Hinaplos ko naman ang pisngi n'ya para punasan ang luha n'ya.

"Damn!  I'm very happy baby!  I love you!  I love you! " natuwa ako dahil sobrang sobrang saya n'ya sa ginawa ko.  Kinulong n'ya ang dalawa kong kamay gamit din ang mga kamay n'ya.

"I love you more, babe. " I kiss him. Dadampian ko lang sana ng halik ang labi n'ya ngunit hinabol n'ya ang labi ko at pinalalim ang halik.  Hinawak n'ya ang leeg ko at inilagay ko naman ang kamay ko sa may dibdib n'ya.

Nang humiwalay kami sa isat isa pinagpatong n'ya naman ang mga noo namin. Nakapikit pa din ako at nang magmulat ako nakita ko nanaman s'yang umiiyak.

"Stop crying! Para kang bakla. " pang aasar ko nanaman. 

"I'm just happy baby." natatawang sagot naman n'ya.

Hawak kamay kaming lumabas sa kaban ng ferris wheel nang makababa kami. Agad namin hinanap ang mga kasama.

"O MY GHAD! " OA agad na reaction ni Cijeigh nang makita ang magkahawak naming kamay. Bumaba na din ang tingin nila mama dito.

"Uyyy si ate at kuya." sabi naman ni Nieve. At kailan pa natutunan iyon ni Nieve!?  Bata bata pa eh..

"Okay na kayo baby ate? " nakangiting tanong naman ni mama at tango nalang ang isinagot ko.

"Lakas mo talaga Jazzone anak." nagulat ako sa paraan ng pagtawag ni papa kay Jazzone!  Ano daw anak?  Omyghad hahaha!

"Pano ba yan edi babalik na kayo ng Manila?" Tanong ni allyshia.

"gusto ko sa Laguna mag pasko. Paguusapan pa namin." sagot ko.

"I love you." bulong ni Jazzone at hinalkan ang buhok ko. 

"Ano ba naman yan. Pag kame nilanggam dito eh!" reklamo ni Cijeigh.

"Psh bitter ka lang talaga. Makipag meet up kana kase sa KAIBIGAN mo sa rpw." diniinan ko ang 'kaibigan'.  Psh!

"Ulol! Shut up Zarrine!" psh namula na nga s'ya eh hahaha!

Nang inantok na sila Nieve at Nathan naghanap nalang kami ng Hotel para magpalipas ng gabi.  Magkasama sila mama papa at ang dalawa kong kapatid sa isang kwarto at kami namang apat nila Cijeigh, Allyshia at Jazzone ang magkakasama.

"Nako Allyshia matulog na agad tayo at baka may balak pang gawin yang dalawa na 'yan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Cijeigh!

"Woi gaga ka!  Wala pa kami sa label na 'yon noh." binato ko s'ya ng unan na tinawanan lang n'ya.

Sa isang kama si Allyshia at Cijeigh at kami naman ni Jazzone sa isa.

Huli akong naligo sa amin. Nagtagal ako sa banyo ng isang oras kaya paglabas ko tulog na yung dalawa at si Jazzone naman nag p-phone na.
Umupo ako sa kama habang sinusuklay ko ang buhok ko. 

"Bango mo na baby." kinuha n'ya ang suklay sa kamay ko at s'ya ang gumawa.

"Lagi naman akong mabango." I giggled.

Nang matapos s'yang suklayan ako binuhat n'ya ako ng marahan pataas ng kama at pinaupo sa pagitan ng mga hita n'ya. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib n'ya.

"Na miss kita sobra baby... Sorry talaga hm?  Akala ko hindi kana babalik sa'kin." dahan dahan n'yang sabi at nasa boses ang pagiging sinsero.

"Stop saying sorry na. Tapos na iyon okay?  I missed you too babe." sagot ko.

"Pa kiss..." nagtayuan ang mga balahibo ko ng iniharap n'ya ako sa kanya at bago pa man ako makapag salita siniil n'ya na ng halik ang labi ko. Marahan lamang ito.  Ramdam ko ang pagmamahal pananabik at respeto n'ya.  Sinabayan ko din ang labi n'ya. 

"I love you so damn much baby. " sabi n'ya habang hiningal pa nang maghiwalay ang mga labi namin.

"Mahal na mahal din kita babe." sagot ko at matamis na ngumiti sa kanya. 

At mas mamahalin pa kita sa bawat araw na dadating.













I'll be back my baby Where stories live. Discover now