33

84 5 0
                                    

I don't know what I was thinking that time but the only thing I know is that, I was not myself when I left the house. Hawak si Dos, na baby pa lang, ay niready ko na ang mga gamit at gagawin ko.

Natakot ako. Sa nangyari, sa inasta nila. Paano nila akong nagawang saktan? At si ate. She's pregnant! Stress is bad for her!

Sa bintana ay tinanaw ko silang umalis. Pupunta yata sa ospital. Nang makalayo sila ay dahan-dahan akong lumabas ng kwarto, dala ang bag na may mga damit at pera.

Hindi ko na alam kung kaya ko pa silang makasama pa pagkatapos ng ginawa nila. They are monsters! They are the reason why mom and dad died!

Dim lights ang ilaw sa sala kaya medyo nakikita ako pero maingat akong lumabas. Ngunit nang makitang may guard sa gate ay napamura ako. I need to do something.

Nang maka-isip ng gagawin ay kinuha ko ang sako ng basura sa kusina. Dahan-dahang binukas ang pinto ay hinagis ko iyon sa gawing likod. Sana'y wala ring magising na kasambahay.

Dali-dali akong sumilip sa bintana sa gilid ng pinto at nakitang tumayo ang guard at inilawan ang daan t'saka nagtungo sa likod. Nang mawala siya sa paningin ay dali-dali akong lumabas ng gate.

I ran as fast as I could. Kahit naalog si Dos ay tumakbo ako nang tumakbo. Dumaan ako sa likod ng bakanteng lote na malapit sa gate. I don't know where it will lead me but I just trust myself. Masukal ngunit nang makalabas doon ay agad akong pumara ng sasakyan. I don't know where I will go. Gusto kong lumayo.

Ibinaba ako ng jeep sa isang terminal at naghanap ako ng iba pang jeep na maidadala ako sa lugar na hindi pamilyar. Nahirapan man pero tinatagan ko ang sarili ko. Dahil sarili ko at ang aso ko na lamang ang kasama ko ngayon. I researched about the place and the things I need to do. I'll be living alone with my dog. I was lucky enough because the people are nice to help me.

"She is not what mom has been telling you, Maye!" Si Kuya Jake.

Umiling lamang ako at dinaanan sila palabas. Tinabig ko pa ang babae niya. Nakakainis siya!

Dahil anong oras na rin kami nakauwi kagabi, ngayon ko lang nakita ang bahay. It didn't really change. Tulad pa rin ng dati ngunit may mga bagong gamit at ayos lang ito.

Natigil ako sa pagbaba ng hagdan nang makita kung sino ang nasa sala. Bigla akong nanglamig nang makita si Ate Jiana roon kasama ang asawa at anak niya. Si Kuya Jace ay naka-upo sa isahang upuan at napabaling sa akin.

Simple akong napalunok nang magtama ang tingin namin ni Ate. Hindi naman galit o seryoso ang mukha, kinabahan pa rin ako sa kaniya. I caused her so much stress.

Nang malaman ni Ate ang nangyari kila mommy at daddy ay nahirapan ito. Dagdag pa ang pag-alis ko. Muntik pa raw siyang makunan! I was so scared that time when Kuya Jace went to find me. I don't know how he knew where I went.

Nagulat lamang ako nang lumitaw siya sa labas ng apartment ko kinabukasan. He told me what happened. Hindi ko alam ang mararamdaman ko noon at lalo akong tumanggi na umuwi. Hindi ko sila kayang harapin lalo na si Ate. I almost killed her child because my decision of leaving the house caused her stress!

"Nag-aaway na naman ba kayo?" Ani Ate na lalo kong ikinakaba. Pumikit ako at hinanda ang sarili sa mga ibabato niyang salita.

I will accept whatever she'll say to me. Hindi niya nasabi sa akin ang mga iyon dahil nagtago ako sa kanila. She can say it now. I can handle it.

"Last time na nagkita tayo magka-away kayo. Ngayon, magka-away na naman?" natawa si Ate ngunit hindi ko alam kung totoo ba iyon o sarcastic.

Nag-angat ako ng tingin at ganoon pa rin ang tingin niya. Hindi naman siya galit. Normal lang. Yata.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon