35

115 7 0
                                    

On the first ring of my Messenger call to Leticia, she immediately answered it.

"Hoy! Babae! Buhay ka pa ba! Gaga ka! Bakit bigla kang nawala! Sabi mo uuwi ka lang!" Bungad ng matinis niyang boses ng ikinatawa ko.

"Umuwi nga ako" natatawa kong sabi. Nasa balcony ako ng kwarto ko at nagpapahaplos sa sariwang hangin.

It's already 9 PM at tulog na ang mga tao sa bahay kaya naman tahimik akong nakaupo sa egg shaped hanging hammock sa balcony ko. Hindi pa pala natatanggal itong duyan na 'to dito. Buti at matibay pa.

"Umuwi sa bahay niyo talaga! Grabe ka hindi ka man lang nagsabi na d'yan talaga sa inyo! Nakakatampo ka!" Leticia continued to rant.

Natawa ako at binalot ang sarili ng kumot. "Sorry na. Kaya nga tumawag ako, 'diba" sabi ko at naiimagine na siyang umiirap.

"May swimming daw tayo ah! Dapat kang pumunta! Dapat talaga! Hindi pwedeng hindi!"

Napapikit ako at umirap na kala'y mo'y nakikita niya ako ngayon.

"Oo na! Papahatid na lang ako kina Kuya..." Sabi ko at narinig ko pa ang kung anong kaluskos doon.

"Single ba 'yung mga kuya mo? Akin na lang!" Aniya at tumawa nang malakas. Narinig ko naman ang ilan pang ingay sa paligid niya.

"Sino 'yan?" Familiar na boses ang narinig ko sa kabilang linya.

"Ano ba! Boyfriend ko!" Sagot ni Leticia at umingay na talaga.

Biglang umilaw ang phone at nagre-request ng video call. Sinagot ko naman iyon at tinago ang sarili sa kumot kahit hindi na talaga ako kita dahil madilim.

"Gago, may multo!" Pamilyar na mga boses ang naririnig ko sa background. Natawa naman ako at bumaba sa duyan para buksan ang ilaw.

Pinakita ko ang mukha ko at agad ding nagtago sa kumot pagkabalik.

"Si Maye ba 'yan! Maye!" Biglang naharap kay Art ang screen at malapad na ngumisi at kumaway. Nagkagulo na rin sa likod at pilit na kinukuha ni Leticia ang phone niya.

"Bakit ngayon ka kasi tumawag!" si Leticia at nagkagulo na naman doon sa video. Hindi ko alam kung nakikipag-away na si Leticia o ano.

"Patayin ko ba muna? Nasa'n ka ba?" Sabi ko na agad bumungad ang kaniyang mukha. Nakakunot ang noo.

"Huwag!" sigaw niya na ikinatango ko nang marahan at kunot-noong pinanood sila.

Halos mahilo naman ako sa sobrang likot ng camera sa kanila. Rinig na rinig ang mga halakhak nila Lomi at Art doon.

"Sandali lang kasi!" Aniya para bang binabawal sila Art na huwag magkagulo. Natawa ako dahil stress na stress na siya talaga.

Nang makaayos ay bumungad ang mukha ni Leticia na galing sa pakikipag-away. She heaved a heavy sigh. "May pagraduation get away si Lomi! Dapat nga kasama ka kaso hindi namin alam kung nasaan ka!" Ngumuso siya pagkatapos.

"Namiss na ako nila kuya eh" pagdadahilan ko na ikinalukot ng mukha niya. Ngumisi ako lalo.

"Oh, eto oh! Gusto kang makita nila Lomi!" Inis niyang sabi at binigay ang phone kay Lomi. Nagkagulo sila doon. Bumungad naman ang mga nakangising si Lomi, Art, at Clane.

"Magsibalik na nga kayo rito!" Narinig kong sigaw sa likod nila.

"Wait lang, Kuya Gab!" Ani Clane at hinarap ang camera sa kaniya. "Maye, gusto mo makakita ng kapreng lasing?" Aniya na ikinakunot ng noo ko. Anong pakulo ng mga 'to?

Nagtawanan silang tatlo. Nakita ko pang lumapit si Leticia at sumiksik sa tabi ni Lomi. Nakalandscape ang camera at nilayo nila iyon para makuha silang lahat sa frame. Kapwa mga nagngisihan at nang-iinggit.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon