50

181 3 7
                                    

Parehas silang napabaling sa akin nang lumapit ako. I saw how Randell stand up and went to me. Ngumiti ako pero nanatili ang mata ko sa babaeng kausap niya. Nakasalamin, mahaba ang buhok, maputi, nakaformal attire at maganda. She smiled at me when our eyes met.

"Mag-isa ka?" Si Randell. Nilingon ko naman agad siya at tinuro ang mga bodyguard na nasa labas. Tumango naman siya at napalabi. "Upo ka muna" anyaya na ikina-iling ko.

"Actually, magta-take out ako." Sabi ko na ikinatango naman niya. Bumaling siya sa kasamang babae at tumango.

"Oh. Zy, si Maye. Girlfriend ko" pakilala niya sa akin na medyo ikinatigil ko. Agad naman akong nakabawi nang nanlaki ang mata ng babae at ngumisi.

"Siya 'yung sinabi sa akin ni Art na iniyakan mo?!" Anito at tumawa. I smirked when Randell shyly shook his head. Iniyakan mo pala talaga ako ha.

Bumaling sa akin ang babae at iniabot ang kamay. "Hi! I'm Zymira. Pinsan ako ni Randell." Pakilala niya. Ngumiti naman ako at tinanggap iyon.

"Nice to meet you, Call me Ayessa" sabi ko na ikinangiti naman niya at umupo.

"Art said you're just seventeen? Hindi ako naniniwala!" Aniya na ikinangiti.

"I'm just seventeen, yes" sabi ko na lalo niyang ikinamangha.

"You're mature for that age! Dahil ang alam kong ibang taong kaedad mo ay baka kanina pa ako sinugod at sinabunutan dahil lang kasama ko ang boyfriend nila!" Aniya na ikinapula ko.

Kung hindi ko siguro naisip na mali ang magagawa ko ay baka nagawa ko iyon. Pero natuto na ako. Alam kong mali kung gagawin ko iyon kahit na ba balutin man ako ng selos. I need to hear his side first before making a move.

"Kaya nga ang swerte ko, 'diba?" Si Randell at nginisihan ako. Inirapan ko siya pero hindi ko maiwasan ang pamumula.

Tumayo si Zymira kasama ang kaniyang mga gamit. "Tapos naman na ang usapan natin. Iyong dalawa lang ba na 'yon?" Anito na ikinatango naman ni Randell.

"Actually, siya 'yung isa ro'n. 'Yong Maria Ayessa Fernandez... Alfanta" dinugtong niya pa ang kaniyang apelyido. Pabiro ko siyang hinampas at nginusuan.

"Ang landi mo, Shan! Kainis!" Si Zymira. Bumaling ito sa akin. "Sige, nice meeting you, Ayessa! Mauna na ako, Shan" anito at tumango bago umalis. Sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa sasakyan.

I felt a hand on mine. Binalingan ko si Randell na nakangisi na. "What?" Kunot-noo kong sabi.

Umiling lang siya. "You look lovely, saan ka galing?" Aniya na ikinairap ko. Hinatak ko lang siya palapit sa counter para makaorder. Nang makaorder ay doon ko siya hinarap.

"Sa clinic ni Tita Lalaine" sabi ko na ikinataas ng kilay niya at tumango.

Bigla siyang nag-iwas siya ng tingin at mukhang nag-isip-isip. Unti-unting umangat ang sulok ng labi ko.

"Bakit?" He asked the obvious. I grinned. Tama ang iniisip kong iisipin niya. Kumunot lalo ang kaniyang noo.

"Sa tingin mo, bakit ako nagpunta sa isang Ob Gyne?" Pang-aasar ko na ikinalaki ng mata niya at umiling-iling.

He looks scared! Akala mo naman may nangyari sa amin!

"W-what? We didn't fuck—" agad kong tinakpan ang bibig niya at natawa. He look so scared!

"Ano ba! Hindi ako buntis! Ang bata ko pa..." Nginisihan ko siya nang kumalma ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsaklop iyon sa kaniya.

"Akala ko pinagpalit mo na ako dahil hindi tayo nagkikita..." Bulong niya na ikinunot ng noo ko at hinampas siya.

"Grabe ka sa'kin! Si Ria ang nagpacheck up!" paliwanag ko kaya natigil an ang kaniyang kinakabahang butsi. Tumitig muna siya sa akin na ikinataas ng kilay ko. Unti-unti siyang ngumisi.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon