"Kuya..." Tawag kong kay Kuya Jace hanggang sa makapasok kami sa sasakyan niya.
Tahimik si Ria na kanina pa nakasimangot at umiikot ang mata. Si Kuya Jace naman ay nanatiling madilim ang mukha at umiigting ang panga. Kanina niya pa ako hindi pinapansin.
"Kuya" tawag kong muli.
"Sa bahay tayo mag-uusap, Maye" aniya sa malamig at matalim na boses.
Agad naman akong nanlumo at ngumuso. Nilingon ko si Ria na tahimik na nakahalukipkip sa tabi ko. Ang mga kilay ay gusto nang magdugtong at masama ang tingin kay Kuya. I sighed. Lagot ako nito.
Una naming hinatid si Ria sa kanilang bahay. Wala siyang imik na lumabas. I flinched when she slammed the door shut. Sumunod namang lumabas si Kuya. Naiwan akong mag-isa sa loob.
Ngayon ko pa lang nakitang ganoon kagalit si Kuya Jace, at panigurado sa bahay ay pagagalitan ako noon.
Ang sabi niya ay sasama siya pero marami siyang ginagawa. Sabi rin ni Ate iyon kaya naman nagpatangay na lang ako kay Ria nang pumunta kami sa club. To subside the guilt that I'm feeling, I tried to cloud my mind with the fun I had tonight. Napakunot-noo ako.
Did I had fun? I don't think so pero sa tingin ko'y kapag nasanay na ako ay ma-e-enjoy ko naman iyon. Dumating naman si Ivan at hindi ako ganoong nabored dahil nakakwentuhan ko siya. It was fun but I just couldn't feel myself in it.
"Sit. We'll talk" malamig na turan ni Kuya pagkapasok namin sa bahay.
Hindi pa rin siya nakatingin sa akin pero alam kong galit siya. Tumango ako at tahimik na umupo sa sofa. Pumunta siyang kusina at bumalik din naman na may dalang tubig at gamot. Nginitian ko siya ngunit matigas pa rin ang expression niya.
"Drink" aniya kaya sinunod ko naman agad. Umakyat siya sa taas at maya-maya lang ay nakitang ko nang kasunod niya sila Ate at Kuya Jake.
Napakamot pa ng ulo si Kuya Jake habang papalapit sa amin at umupo sa tapat ko. Si Ate naman ay naghikab pa at masama ang tingin kay Kuya Jace.
Si Kuya Jace ay nanatiling nakatayo at nakahalukipkip. Sumulyap ako kay Ate at ngumuso. Nanghihingi ng tulong.
"Hay nako Jace, tatanda ka agad! You're stressing yourself too much!" Madramang sabi ni Ate at itinukod ang siko sa armrest at napasapo ng ulo.
"Bakit niyo hinayaan sila ni Ria, Ate? Hindi ba't sabi ko may tatapusin lang ako?" Matalim na tinignan ni Kuya Jace si Ate. Ate looks at him unbelievably like she's very offended.
"She needs to enjoy being a teenager, Jace. Hindi palaging nand'yan ka kasama niya. Bahala ka kapag 'yan nilayasan ulit tayo" ani Ate na ikinasang-ayon ni Kuya Jake. I quietly biting my lips as I watch them argue.
"Jace, huwag kang masyadong maghigpit kay Maye. Let her be. Matalino si Maye at alam niya ang tama at mali." Ani Kuya Jake.
Umigting lalo ang panga ni Kuya Jace sa pagpipigil dahil walang gustong sumang-ayon sa kaniya.
"Hindi porket may nga pamilya na kayo ay hindi na kayo mag-aalala sa kaniya! Halos paliparin ko ang sasakyan kanina nang makareceive ako ng text sa kaibigan ko na may kasamang lalaki si Maye!" Kuya Jace then look at me sharply.
Napa-awang ang labi ko sa narinig. May nagsumbong sa kaniya?
"Aba, Jace William, huwag mo akong pagtaasan ng boses! Ate mo ako!" Napatayo si Ate na galit na rin ang expression. Agad naman siyang inalalayan ni Kuya Jake at pina-upo. Napalunok ako.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...