48

99 3 0
                                    

Seeing the two-floor house in front of me makes me want to jump in joy but I can't. Hindi ko magawang magsaya lalo na ngayong si Ria ay tahimik pa rin. Pero mas okay siya ngayon kaysa kahapon na iyak lang nang iyak.

Tama nga si Kuya. Naipadala agad ngayon dito sa bahay ang aming gamit. Even Ria's. Kuya said that Ria's parents purchased the house. Tungkol din sa biglaan naming paglipat ng bahay, pinakiusapan ng magulang ni Ria si Kuya. Hindi ko lang alam ang buong dahilan.

Magkakilala ang aming pamilya lalo na't magkaibigan kami ni Ria. Kuya didn't tell us the full reason about it pero ang sabi niya ay huwag muna kaming gagamit ng social media or mga bagay na makakapag-expose sa amin kung nasaan kami.

Pero hindi niya talaga sa akin sinabi iyon kun'di kay Ria. Kaya kami lumipat ay para sa kaligtasan ni Ria. I don't know what was the reason but I know that it has something to do with Matthew, based on what Ria said to me.

Ria's mom is a Lawyer and her dad is a Police Chief. No wonder why there are about 10 guards with us.

The house is huge. With 4 rooms and each room has its own bathroom. Ang kinuha kong kwarto ay ang katabi ng kay Ria. Inayos muna namin ang aming gamit. I don't want to tell Randell yet that we are here in Nouvaunde—where I was living just months ago. I want to surprise him.

"Kuya! Lalabas kami ni Ria" paalam ko nang makababa kami sa sala.

Ria was the one who suggested it. Ayaw niyang magmukmok sa kwarto. She's not fine yet but she wants to do something to distract her. She even apologized to me that she can't tell me what happened yet because she's still not ready. As a good friend, I assure her that it's fine.

Kausap ni Kuya ang mga lalaki. Apat sila at mga malalaki ang katawan. Matatangkad din ang siguro'y nasa mid 20s. Nagsi-tango ang mga ito at kasamang bumaling sa amin.

"Saan kayo pupunta?" Si Kuya na nakahalukipkip.

"Sa kaibigan ko lang! Tsaka kakain din sana kami sa labas" sabi ko. Tumaas ang kilay ni kuya at naninimbang ang tingin.

"Sino?"

Napangiwi ako at humalukipkip. "Kina Leticia, Kuya."

Tumango naman ito at bumaling sa mga bodyguard.

"Do your job" anito na seryosong ikinatango ng mga ito.

Sumulyap pa siya sa amin bago kami talikuran. Binalingan ko si Ria na nakasunod ang tingin kay Kuya. Bumaling siya sa akin at gulat pa nang nakitang nakatingin ako sa kaniya.

Dumaan muna kami sa isang cake shop para magdala ng miryenda. Nakakahiya kila Tita Flor kung bigla kaming pupunta roon. Paniguradong maghahanda pa iyon ng meryenda.

Itinuro ko sa driver namin kung saan ang bahay nila Leticia. Medyo mahirap daanan ang daan dali bako bako pero sa bungad lang naman iyon. Napangiti ako nang maalala ang madalas kong pagpunta dito.

Habang papalapit ay kinwentuhan ko si Ria tungkol kina Leticia. Na isa siya sa mga naging kaibigan ko rito. She's also excited to meet her. I assure her that they will get along. Nagkakilala na rin naman sila.

Pagkababa sa sasakyan ay napatingin pa sa amin ang ibang taong nasa ibang bahay. Siguro'y dahil sa mga kasama naming bodyguards. Sakto namang lumabas si Tita Flor sa kanilang bahay at nagtama ang mga mata namin. Gulat pa siyang tumingin sa akin.

"Tita!" Kaway ko at ngumisi. Agad naman siyang lumapit at pinagbuksan kami ng gate. Yumakap ako sa kaniya.

Nakahawak pa rin siya sa aking braso at inilayo ang sarili para matignan ako. "Maye! Abay mabuti at narito ka? Sandali at tawagin ko lang si Cia-cia—"

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon