Chapter 1

22 2 3
                                    

Thalia's Pov

Nandito ako ngayon sa sakayan ng jeep papunta sa coffee shop na pinag tatrabahuan ko. Masyadong madaming tao ngayon palibhasa ay lunes nanaman at madami nanamang papasok sa trabaho.

"Argh! Sana pala mas inagahan ko pa." Sigaw ko habang di antala ang iba ko pang kasamang nag aabang ng jeep. Maya maya pa ay biglang may dumating ulit na isang jeep kaya dali dali akong tumakbo ngunit bago pa ako makarating sa pintuan ng jeep ay napuno na agad ito. Siguradong pagagalitan nanaman ako ni Miss Alvarez mamaya dahil late nanaman ako.

Pasado alas onse na ako nakasakay ng jeep, late ako ng 3 hours. Pag dating ko sa coffee shop ay nagtatakbo ako papasok. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay nakita ko na agad ang galit na mukha ni Miss Alvarez. Nako yari na.

"A-Ahm, good morning Miss Alvarez. Sorry po kase nalate nanaman ako, sobrang dami po kaseng nag—." Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla nito akong bulyawan.

"OH MY GOSH THALIA! ILANG BESES NANG NANGYARI 'TO, PAULIT ULIT LANG DIN ANG PALUSOT NA GINAGAWA MO! ANG SABIHIN MO HINDI KA LANG TALAGA NAG SISIPAG!" Galit na sigaw nito, napukaw nadin namin ang atensyon ng mga costumer.

Nakayuko nalang ako habang sinisermonan ni Miss, sanay nadin kase ako dahil halos araw araw ay ganito ang scenario namin dahil sa pagiging late ko. Hayst, isang sem nalang talaga at makakapag focus nako sa pag ta trabaho.

Tuloy tuloy lang ang sermon ni Miss nang biglang lumapit si James, isa sa mga kaibigan ko.

"Miss tama na po 'yan, andami nang costumer na nanonood baka mamaya ay videohan kayo at ipost sa social media. Baka maireport kapa at malugi 'tong coffee shop mo." Mahinahon na sabi ni James, sa pamamagitan non ay tumigil si Miss at umirap nalang sakin bago umalis.

Lumapit nadin sakin si Lexine at Daisy para makisimpatya.

"Woy loka ka, bakit ba kase late ka nanaman?" Tanong ni Lexine.

"Ay girl, alam mo naman yan diba? Kina career ng mabuti ang pag aaral kasabay ng pag ta trabaho." Sagot naman ni Daisy sa tanong ni Lexine.

"Hindi ka ba napapagod o nahihirapan?" Alalang tanong naman ni James.

"Oo nga?" Tanong din nung dalawa.

"Woy ano ba kayo, alam nyo naman yung sitwasyon ko diba? Nawalan na ng trabaho si itay tapos si inay naman e may sakit." Pagpapaliwanag ko ulit sa kanila. "Ako nalang ang inaasahan nila." Dagdag ko pa.

Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata nila. Tunay ko nya silang mga kaibigan.

"Hayst wag na tayong mag emo dito, tara na mag trabaho at baka balikan pa tayo ni Miss HAHA." Pag aaya ko sa kanila.

"Ay nako correct ka dyan HAHA." Sang ayon naman ni Lexine kaya sabay sabay na kaming nag trabaho.


8:00 pm ng gabi nang matapos ang ship naming apat, pero dahil late ako ay sinabihan ako na mag overtime bale 8:00 am to 12:00 am kase ang open hours ng coffee shop na 'to.

Habang nag aasikaso sa ibang costumer ay may pumasok na apat na lalaki at dahil busy ang iba ay ako na ang nag entertain at kumuha ng order nila.

"Good evening mga sir, ano pong orders nyo?" Magalang ko na tanong sa kanila.

Show Me Love (Ongoing)Where stories live. Discover now