Chapter 2

23 2 2
                                    

Thalia's Pov


Nandito ako ngayon sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at towel. Lilinisan ko muna kase ang katawan nung lalaki bago ko linisin ang mga sugat. Hindi ko na alam kung paano ko sya nadala dito sa bahay nang walang hinihingingan ng tulong. Gusto ko sanang tawagan si Lexine, si Daisy o kahit si James manlang pero naalala ko na sinabi nyang wag ako humingi ng tulong kaya di ko nalang ginawa. Basta ang nasa isip ko ngayon kailangan ko syang linisan at gamutin.

Nung natapos akong kumuha ng mga kakailanganin ko ay bumalik na ako sa kwarto ko kung saan ko sya iniwan. Wala syang pang itaas na kasuotan, tanging pantalon lang ang suot nya nung nakita ko sya kanina.

Lunok laway ko syang nililinisan, pano ba naman kase e ang ganda ng katawan. Bawat pag dampi ko nung bimpo sa abs at chest nya ay bawat lunok ko din. Natutuyo nanga ang lalamunan ko e. Agad naman akong nataranta nung malapit nako sa ibabang part nya. Pilit ko munang pinakalma ang sarili ko dahil feel ko ay hindi ko kakayanin.

"Relax Thalia, gagawin mo lang 'to para malinisan sya. Walang malisya yan, pumikit ka nalang dahil magaling ka namang kumapa." Pag kausap ko sa sarili ko.

Hinawakan ko na ang sinturon nito at tinanggal. Tinanggal ko nadin ang butones at ibinaba na ang zipper. Good thing at may boxer pa sya.

Nung matapos ko syang linisan ay binihisan ko na ito, buti nalang ay may naiwan na damit si James nung nag sleep over sila nila Daisy at Lexine dito sa bahay kaya yun nalang ang sinuot ko dito sa gwapong lalaki. Matapos bihisan ay kinuha ko na ang medicine kit ko dito sa bahay at inumpisahang gamutin ang mga sugat nya.

"Hay sa wakas natapos din." Hihikab hikab kong sabi nang matapos ko ang ginagawa. Hinayaan ko na syang magpahinga sa kama ko, pinagmasdan ko ang mukha nitong maamong mahimbing na natutulog. Ano kayang nangyari sa kanya?

Sarili ko naman ang inasikaso ko pag katapos ko syang asikasuhin, hindi pa pala ko nakakapag bihis at nakakakain. Higit sa lahat ay di pako nakaka—wait what? HINDI PAKO NAKAKAPAG REVIEW!

Sa sobrang taranta ay dali dali akong nag bihis, di nako kumain at dumiretso nalang ako sa kinalalagyan ng school bag ko para kunin ang reviewer ko. Syet, bukas na yung exam at wala nakong oras mag review bukas dahil maaga ang pasok ko. Di pako nangangalahati sa reviewer ko ay dinalaw nanaman ako ng antok at dahil sa sobrang pagod ay nakatulog na ako.

______________________________________________________


Napabalikwas ako sa gulat nang mag alarm ang alarm clock ko, pupungas pungas pa ako at napansin kong andito pako sa sahig nakasalampak at nakakalat pa ang mga reviewer ko. Para akong maiiyak nung mapagtanto ko na hindi ko natapos ang pag re review ko kagabi. Napa face palm nalang ako.

Pumunta na akong kwarto ko para kumuha ng damit para makaligo na pero laking gulat ko nang may lalaki akong nadatnan na nakahiga sa higaan ko.

"AAAAAAH SINO KANG GWAPO KAAA!" Sigaw ko na sa tingin ko ay umabot hanggang kabilang barangay. Natakpan ko nalang ang bibig ko nung marealize ko kung gaano kalakas yon.

"WTF YOU'RE SO LOUD!" Nagulat din ako nung biglang nagising yung gwapong lalaki at sinigawan din ako. Ay wait, sya nga pala yung gwapong lalaki na napulot ko sa may bandang mga puno kagabi.

"Ay sorry sorry, kamusta? May masakit ba sayo?" Alalang sabi ko sabay hawak sa leeg at noo nya. Hindi nako nagulat nang maramdaman kong mainit sya. Nakatingin lang sya sakin at walang imik.

"Hala sorry talaga ha? Sige dyan ka muna, mag pahinga ka ulit. Mag luluto muna ako ng makakain, tatawagin nalang kita dito pag tapos na." Sabi ko bago ko sya alalayan sa paghiga. Dali dali akong kumuha ng mga bihisan at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto. Paspasan akong naligo at nag bihis. Pagkatapos non ay dumiretso na agad ako sa kusina para makapag luto.

Show Me Love (Ongoing)Where stories live. Discover now