Chapter 4

19 1 0
                                    

Kye Hunter's Pov

Nakabusangot at nakahalumbaba padin si Thalia at halatang problemadong problemado nga kaya naisip ko na ito na siguro yung oras para kausapin ko sya tungkol dito. Alam kong masyadong mabilis pero kailangan ko nang masimulan ang planong pag hihiganti dahil baka maunahan nanaman ako ng kalaban. May hint ako na isa lang sa mga kasosyo ni Dad ang may gawa ng lahat ng ito. Sisiguraduhin ko na hindi sya mag tatagumpay sa kung ano pa man ang mga binabalak nya, hindi ko na hahayaan na may kunin pa sya ulit sakin—sa amin ng pamilya ko.

"Tulungan mo ako." Agad naman itong napatingin sakin.

"Tulungan saan? Hindi mo pa ba kayang tumayo ng walang nakaalalay? Naiihi kaba? Natatae? Nako hindi kita sasamahan ha, sa labas lang ako kase baka mama—" Agad kong tinakpan ang bunganga nito at sumenyas nang wag sya maingay.

"Sira ka ba? Hindi yon." Irita kong sabi dito. Maikli lang ang pasensya ko at wala syang ligtas don kahit cute, maganda at sexy pa sya. Teka bat parang dinedescribe ko na sya? Erase erase.

"E ano? Saan kita tutulungan?" Taka nitong tanong.

"Tulungan mo ko sa mga plano ko." Mahinahon kong sagot. Bahagya naman syang nagulat, natahimik at napabuntong hininga. Maya maya pa ay...

"Nako Kye hindi ko pa gustong mamatay, gusto ko pang makatapos sa pag aaral. Gusto ko pang mag asawa, mag ka anak at mamuhay ng masaya." Parang nababaliw na sabi nito at bahagyant natigilan para mag isip. "At teka, bibigyan ko pa pala ng maayos at magandang buhay yung mga magulang ko. Ipapagamot ko pa si inay kase may sakit sya. Ako nalang yung inaasahan ng pamilya ko. Paano kung malaman nung mga kalaban mo na ako ang tumutulong sayo? Tapos bigla akong ipatumba? Sino nalang ang aasahan ng mga magulang ko?" Shit, eto nanga ba ang sinasabi ko e. Matatakot talaga sya, sabagay sino nga ba ang gusto malagay sa peligro ang buhay diba.

"Diba kailangan mo ng pera? May sasahudin ka nama—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung biglang bumwelta nanaman sya. Aish, lahat ba talaga ng babae ay ganito?

"Ay nako Kye, yang  ipapasahod mo sakin ay makikita ko pa sa pag ta trabaho ko habang nabubuhay ako ano." Pagmamatigas nya.

"Thalia please, kailangan ko ng kasama at ikaw ang—" Di ko nanaman naituloy ang sasabihin ko dahil nag salita nanaman sya.

"Ihahanap nalang kita ng makakasama mo! Talagang ayoko pa mamatay e, feeling ko may bright future ako kaya gusto ko pang makarating sa future. Hayaan mo, bukas na bukas ay mag hahanap ako ng makakasama m—" This time ay ako naman ang pumutol sa sasabihin nya. Hindi pwedeng sya lang ang bastos ano.

"30 thousand a week." Nauubusan ng pasensya kong sabi.

"Kikitain ko pa talaga yan sa pag tatraba—"

"May insurance, libreng sasakyan at bahay na malilipatan." Bahagya naman syang napatigil. "And sagot ko na ang gastusin sa pamilya pati sa tuition fee." Maya maya pa ay bigla itong napaisip. Sasagot na sana sya ng bigla ko itong inunahan.

"So pano? Pwede kanang mag hanap ng makakasama ko, pakibilisan nalang para may makinabang na sa pera ko at para maumpisahan ko na ang plano." Mapang asar kong sabi. Dahil don ay bigla syang napatingin sakin at ngumiti ng labas ang mga ngipin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Show Me Love (Ongoing)Where stories live. Discover now