Chapter 3

21 2 0
                                    

Thalia's Pov

Nanlulumo akong umuwi ng bahay, muntik pa akong masagasaan dahil sa wala ako sa sarili. Sunod sunod ba namang kamalasan ang matamo ko sa buhay T-T. Nawalan nanga ng trabaho, namomroblema nanga sa pang gastos sa apartment at pang padala sa kay inay at itay sa probinsya tapos ngayon ay namomroblema nadin ako tungkol sa tuition fee ko na napaka mahal. Namomroblema din ako kung pano ko sasabihin kila inay at itay ang mga kamalasan na nangyari sakin tapos problema ko nadin kung anong ipapakain ko dun sa gwapong lalaki na nag s-stay sa apartment ko ngayon. Kainin ako ng lupa ngayon din!

Pagdating ko sa bahay ay agad kong hinahanap yung gwapong lalaki. Hanggang ngayon ay yun padin ang tawag ko sa kanya, matanong nga minsan kung anong pangalan nya.

Nadatnan kong nasa kusina yung gwapong lalaki, teka bakit andito to? Nung silipin ko kung anong ginagawa nya ay nakita kong nag luluto sya.

"Woy hindi ka pa magaling ah, bakit nag luluto ka dyan?" Taranta kong tanong.

"Napaka tagal mo kase, mamatay ako sa gutom pag hindi ako kumilos." Masungit na sabi nito. Aba teka lang ha? Bakit parang kasalanan ko? Amporkchop naman oh, sya nanga yung pinag mamalasakitan e.

Imbis na mabwisit pako sa masungit na gwapong lalaking yon ay pinabayaan ko nalang syang mag luto mag isa nya sa kusina. Pumunta nalang ako sa kwarto ko para mag bihis. Pag katapos non ay lumabas ako at pumuntang sa may sala para mag emo. Nag bigay ng dalawang linggong sembreak ang University namin kaya medyo hindi ko pa nararamdaman ang tindi ng problema ko sa pag aaral, slight palang.

Kasalukuyan akong nag eemote nung bigla akong tinawag nung gwapong lalaki.

"Landlady pumunta kana dito at kumain, dahil hindi yung pagkain ang pupunta dyan." Masungit nanaman nitong sabi, bakit ba sya nag susungit? May dalaw ba sya? Nevermind nanga lang.

Di ko nalang sya sinagot, sa halip ay pinuntahan ko nalang sya sa kusina para makakain. Tahimik lang akong kumakain habang nakabusangot nang bigla syang mag tanong.

"Landlady ano bang nangyari sayo at ang haba ng nguso mo? Tapos tulala kapa, para kang inabuso at inapi api dyan." Mapang asar na tanong nito, kita mo na? Kanina ay nag susungit tapos ngayon ay nang aasar. Hindi naman siguro nabagok ang ulo nito 'no?

"Mahabang kwento, at tsaka pwede ba? Wag mo akong tawaging landlady dahil may pangalan ako." Inis na sabi ko, landlady kase sya ng landlady e nangungupahan lang naman ako dito.

"Bakit nag pakilala kana ba sakin?" Masungit nanaman nitong tanong. Ang kapal ng mukha, pasalamat sya at gwapo sya at may mga sugat pa dahil kung hindi ay dadagdagan ko ang bangas neto. Sya nga dapat ang unang mag pakilala e.

"Thalia, Thalia Marie Saavedra ang pangalan ko." Pagpapakilala ko. "Ikaw naman ang mag pakilala. Pinapatuloy kita dito sa apartment ko pero di ko manlang alam ang pangalan mo at kung saang lupalop ka nanggaling." Dagdag ko pa.

"My name is Kye Hunter Devilla." Tipid nyang sagot.

"So saan ka nanggaling? Ano ang nangyari sayo? Bakit sugatan ka nung nakita kita? Bakit ayaw mo humingi ng tulong? May pamilya kaba?" Sunod sunod na tanong ko dahil sa kuryosidad. Dahil don ay agad nya akong tiningnan habang nakakunot ang noo.

"Tss pwede bang isa isang tanong lang? Napakaingay mo talaga e." Irita nitong sagot. "Okay ganito, galing akong Maynila. May gustong pumatay sakin, nakatakas lang ako. Sugatan ako kase nga gusto akong patayin. Ayokong humingi ng tulong dahil baka may makakilala sakin at tuluyan pakong mapatay at yung pamilya." Bahagya syang natigilan at napayuko nung nasa part na sya ng tanong ko tungkol sa pamilya nya. "Pinatay sila." Nagulat naman ako at the same time nalungkot at naguilty dahil sa naitanong ko.

Show Me Love (Ongoing)Where stories live. Discover now