02

14.2K 559 114
                                    

Gooodmorning blues! Lovelots!

___________________________________.

Jin

Days couldn't get any better. Oo, I am protected. Pero sa paglipas ng araw mas dumagdag yung kaba sa puso ko. Napatingin naman ako sa mga police na nasa labas ng resto.

Pakiramdam ko isang lingat lang nila ng tingin, patay na ako. Napabuntong-hininga naman ako.

"Jin, ako na muna dito, pahinga ka na muna. Namumutla ka eh" napatingin naman ako kay Niko.

Bago lang si Niko dito. Wala na kasi si Jezrie at nagresign, ewan ko ba dun, di ko rin macontact. Si Dree naman bigla nalang hindi pumasok, kaya walang nagawa si Maam kung hindi ang maghanap ng ibang makakasama ko.

Masipag naman si Niko, ang bait pa. Kilala rin siya ni Maam, malapit raw sila ng anak niya dati, well err dati lang.

"Salamat Niko" umalis na muna ako sa counter at dumiretso sa likod ng resto. Lumabas ako doon at umupo.

Napabuntong-hininga ulit ako.

"Being alone makes your life more danger Jin" mabilis naman akong napabaling sa nagsalita.

"G-general"

"I just happen to drop by" umupo naman siya sa tabi ko.

"Why are you here alone?"

"Wala lang"

"Processing your situation now?" Umiling naman ako at pinagsiklop ang kamay ko.

"Na-process ko na siya, matagal na. Well, hindi lang ako nageexpect that I would be involve with this case"

"We never know what will happen Jin. But I promise you, I'll keep you safe till we close the case" nginitian ko naman siya.

"Salamat GS"

"What the fuck is GS?" Inismiran ko naman siya.

"Tuwing bibisita ka nalang saakin dito hindi nalilingat ang bunganga mong maglabas ng fuck"

"Psh"

"GS stands for General Samuel. Ang haba kasi nun, tinatamad akong banggitin"

"Tch, okay fine. Ikaw ang unang hahayaan kong magbigay ng nickname saakin, except for my families" napailing-iling nalang akong napangiti

________________.

"Mga kuya, kumain na po ba kayo?" Pauwi na ako ngayon kasama ang tatlong pulis na nagbabantay saakin.

"Okay na Jin, nagbalut lang kami, may dumaan rin kasi" napailing-iling nalang ako

"Magluluto po ako sa bahay, para naman makakain kayo ng totoong pagkain. Im a good cook!"

"Totoong pagkain parin naman yun, pero sige ikaw bahala" nginitian ko lang sila bago sumakay sa police car na lagi nilang dala.

Hanggang bukas ng umaga lang sila at iba na naman ang makakasama ko.

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong nagluto, habang nasa sala naman sila.

Alam niyo na naman na mag-isa nalang ako sa buhay. Maliit lang tong bahay ko, at medyo nasa kasuluksulukan dito sa purok namin. Nahahati lang sa dalawa ang bahay ko, ang kusina, tsaka sala plus kwarto. Nasa labas pa kasi ang cr eh hehe.

"Ayan" ilalagay ko na sana sa mesa ang pagkain ng makarinig ako ng kalabog sa sala.

Hindi ko alam pero agad na lumukob ang kaba saakin.

Napahawak ako sa dibdib ko ng may kalabog na naman.

"K-kuya?" Maglalakad na sana ako papunta sa sala ng

Bachelor Series 5: The General's toils [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon