21

10.8K 445 39
                                    

SUUUUURPRISE! HAHAHAHA, ENJOY READING! MWAH!

______________________________________

Jin

"Ayos kalang?" Napatingin ako kay Ar at ngumiti.

"Salamat talaga Ar ah," ngumiti naman siya

"Ano ka ba, parang kapatid narin ang turing ko sayo, kaya tutulungan kita sa abot ng makakaya ko." Napabuntong-hininga naman ako at napatingin kay Dyan na kumakain.

"Ilang araw narin tayong naghahanap Ar, nakakapagod pero hindi naman ako susuko. Ang sakin lang kasi ay kahit ni isang lead wala tayo maliban nalang sa Jemio ang pangalan niya."

"Tiwala lang Jin, mahahanap rin natin ang kapatid mo."

"Sana nga." Napalibot ako ng tingin at isang tao ang nakakuha ng pansin ko.

"Sandali lang ah,"

"Okay sure." Tumayo ako at naglakad palapit sakanya.

"Vennie?" Napatingin naman siya saakin at napakunot-noo.

"J-jin right?" Tumango-tango ako at ngumiti.

"Wala kang trabaho?" Mahina naman siyang natawa.

"Actually meron, I just drop by kasi yung makulit kong anak, may ipinabili." Napatango naman ako.

"May inihatid kasi akong pasyente, malapit-lapit lang rin yung clinic ko dito eh ikaw? Kasama mo si Samuel?" Napailing-iling naman ako.

"Ahmn kasama ko si Ardy at yung kapatid ko." Parang nagulat naman siya.

"I thought you're only child?" Napangiwi naman ako.

"Yun rin yung akala ko, actually kinakapatid ko lang siya pero may totoong kapatid talaga ako na di ko alam kung nasan."

"Maybe I can help? Ano bang pangalan niya?"

"Jemio ang pangalan niya, pero nag-iba na ata yung apilyedo niya pagkatapos siyang ipaampon ng mga magulang ko sa ibang pamilya."

"Oh, ba't hindi natin subukang lumapit kay Javier? He's really good with computers." Napakagat-labi naman ako.

"Pwede kitang samahan sakanya or maybe you can ask Samuel for it, after all those boys were so close. Magkadugtong na ang mga bituka nun eh." Huminga naman ako ng malalim.

"I cant." Natahimik naman siya at nanatili lang nakatingin saakin.

"Hindi kami okay ni Samuel."

"Eh bat hindi niyo ayusin?"

"May mga bagay lang talagang hindi na pwedeng ayusin."

"Because that's what you believe. Pero sinubukan mo ba? You know, hindi tayo pwedeng magsalita ng tapos kung hindi pa naman natin inuumpisahan, hindi rin tayo pwedeng magsalita ng tapos kung hindi mo pa naman nawawakasan." Napaiwas naman ako ng tingin.

"Why do I have these feeling na you're guilty?" Namimilog ang matang napatingin naman ako sakanya

"A-anong---

"Ikaw ang umiiwas noh?" Natahimik naman ako at pinaglaruan nalang ang mga daliri ko.

"Hay naku Jin. Sige ka baka pagsisihan mo sa huli, by the way kailangan ko ng umalis at baka hinahanap na ako ng anak ko. Mauna na ako Jin, pag-isipan mo ang sinabi ko, bye." Tipid ko lang siyang nginitian at napabuntong-hininga.

"Close pala kayo ni Doc Vennie?" Napatingin ako kay Ardy na buhat-buhat si Dyan.

"Kilala mo siya?" Napatango naman siya.

Bachelor Series 5: The General's toils [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon