19

10.3K 418 53
                                    

Etooo na! Mwah everyone! Thank you po sa 9k!
______________________________________

Jin

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa bumungad saakin...

Hindi ako umimik at mahigpit na hinawakan ang pocket knife ko.

"Wala na tayong oras!" Napaigtad ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila na paalis.

"A-ano...s-saan tayo?"

"Itatakas kita." Napasulyap ako sa kanya at sumabay  sa takbo niya.

"Mamaya na kita tatanungin kung bakit."

Napangiwi ako ng mabilis niya akong hinila patago.

"Kahit anong mangyare wag na wag kang aalis sa likod ko." Napatango ako at napatingin sa baril na nilahad niya.

"Alam mo bang gamitin ito?" Tinanggap at kinasa ko ito tsaka napatingin sakanya.

"Mukhang marami ka ngang natutunan sa General na lagi mong kasama." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"At pano mo alam yan?"

"Hindi ba pwedeng binabantayan ng ama ang anak niya paminsan-minsan?." Mahina akong natawa.

"Save your reasons later." Sumunod ako sakanya habang mahigpit na hinawakan ang baril ko.

"Saan sina Dree at Aron?"

"Hindi ko alam, basta ang sigurado ako ay nakikipagpalitan ng bala na sila sa mga pulis."

"P-pulis?"

"Oo Jin, maya-maya ay maliligtas kana." Mabilis niya lang akong sinulyapan at nagpatuloy nalang sa pagmamatyag sa paligid.

"Bakit?"

Napatingin naman siya saakin.

"Sa dami-dami ng trabaho, bakit ito pa?"

"Walang-wala kami nung Mama mo nang makilala namin si Salvador. Binihisan niya kami, tinulungang makaahon pero sa pamamaraang illegal. Sa mga taong nagdaan mas dumami pa ang transaksyon niya at lumago ang illegal niyang gawain."

"Bakit...bakit hindi niyo ako binalikan? Ni hindi kayo nagpakita saakin. Hindi niyo ba kailanman naisip na nangungulila rin ang isang anak sa mga magulang niya?"

"Gusto namin anak, pero nung nakita namin ang malaanghel mong ngiti, ang inosente mong mukha ay nakapagdesisyon kami ng nanay mo na wag ka ng guluhin dahil nasa mabutin ka namang kamay. Ayaw ka naming hilahin sa mundo namin anak. Ayaw naming madamay ka sa magulong buhay namin."

"Then you should have done the right and best thing, kumalas kayo at binalikan ako, pero ano? Wala parin."

"Namatay ang nanay mo, dalawang taon na ang nakalipas." Napaiwas ako ng tingin.

Parang may mabigat na bagay bigla sa dibdib ko.

"Namatay siya ng may nagtraydor sa grupo namin, at mukhang doon rin ang patutunguhan ko ngayon." Nakakunot-noong napatingin naman ako sakanya.

"Kamatayan agad ang iniisip mo? Kung sana ang kapatawaran ko muna ang inintindi mo,"

"Hindi mo kilala kung sino ang kinalaban ko ngayon anak, at kung sino ang sinugod ng mga pulis ngayon. " Hindi ako sumagot at napabaling sa likod niya.

"Pa!" Mabilis ko siyang tinulak at inasinta yung babaril sana sakanya.

"M-magaling ka nga sa baril at.....tinawag mokong papa" napatingin naman ako sakanya.

Bachelor Series 5: The General's toils [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon