Gooooodmorning! Sorry kung ngayon lang po
___________________.
Jin
Napanguso at at sinubsob ang mukha ko sa mesa
"Bored?" Napaangat ako ng tingin at tumango-tango. Umupo naman siya sa mesa at tumingin saakin.
"Tara, magbarilan tayo" napatayo naman ako sa sinabi niya
"Ardy!"
"Gaga, sa shooting area tayo, para mahasa yung paggamit mo ng baril pagkatapos ay tuturuan kita sa pocket knife, dala mo ba?" Tumango lang ako at sumabay sakanya papunta sa shooting area.
"Saan ba kasi si GS?"
"Paulit-ulit mo na yang tanong Jin. Iisa parin ang sagot, hindi namin alam pero kasama niya naman ang tatay niya" napatango-tango naman ako
Kasama niya naman si tito Jin, kumalma ka nga.
Pagkapasok namin sa shooting area ay agad na kaming naghanda at nagumpisa
"Ayan, ang dali mo namang matuto Jin, asintang-asinta oh. Not bad for a beginner" ngumiti lang ako. Nagtagal pa kami ng ilang minuto ni Ar sa pagbabaril ng may pumasok sa shooting area.
"Jin, andyan na sila General at hinahanap ka" nagkatinginan naman kami ni Ar.
"Sige susunod na po kami"
"Bat kaya ako hinahanap?"
"Palagi ka namang hinahanap nun" napakamot naman ako sa batok ko.
"GS"
"Jin, tara na" napakunot-noo ako
"Saan?"
"Fuck! I forgot to tell you. Ngayon ang punta natin sa Heavens resort," napakurap-kurap ako at patango-tangong lumapit sakanya.
Nagpaalam na muna kami bago lumabas at dumiretso sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Agad naman akong sumakay.
"Hi Jin"
"Ay Hello Jin!" Napabaling naman ako sa back seat.
"T-tito, kayo po pala"
"Yeah, sorry, nagulat ata kita" alanganin naman akong napangiti.
"G-goodmorning po"
"Goodmorning rin iho" napatingin naman ako kay Samuel na nakangiti saakin
"M-magdrive ka na nga lang, ang creepy ng smile mo" napairap naman ako.
"My dads get a goodmorning samantalang ako wala, ang sweet mo smidget" napaismid naman ako
"I hear the sarcasm GS, at hindi talaga ako sweet"
"Tsh, hindi ka talaga papatalo smidget"
"Ako pa ba"
"Wow" labas palang ang ganda na.
Agad akong lumabas ng kotse.
"Ang ganda naman dito"
"The Yves has a good taste in designs" natawa naman ako sa sinabi ni Tito.
"Ilan po palang magkakaibigan sina Samuel, tito?"
"Anim. Anim na hindi mapaghihiwalay ang bituka" napangiwi naman ako.
"Mga big time rin po ba?" Tumingin lang siya saakin at ngumisi
"Find it out son" napatigil naman ako napakamot sa batok. May ganong side pala si tito?
"What's the problem smidget?" Napabaling naman ako kay GS at napatingin sa bag na dala niya
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 5: The General's toils [BXB] COMPLETED
General FictionDanger has always been beside us. I never expected that a simple gay like me will be involve with guns and killings. But I never feel safe when Im not in your arms. Ikaw ang nagligtas saakin, ang prumotekta at nagturo saakin ng isang bagay. What sca...