Pahina 47

9.3K 201 15
                                    

PAHINA 47

***


Umiyak ako nang umiyak sa loob ng madilim na kwarto. Hindi nga ako sigurado kung kwarto nga ba ito ni Ales, kung ano ang unang kwarto na nakita ko ay agad kong pinasok. Wala na akong pakialam pa dun.

"Blue, open the door, please." malambing na paki-usap ni Ales mula sa kabilang pinto. Mahigit kalahating oras na siyang nagpupumilit pero hindi ko siya pinagbubuksan.

Naduduwag ako. Natatakot ako na kapag buksan ko ang pintuan ay alam kong pipilitin niya akong kausapin si Auntie na sa palagay ko ay kasama niya.

"Hayaan mo na muna, Ales. Babalik nalang ako bukas. Gusto ko lang talagang makita kung ang kalagayan ni Blue." rinig kong sinabi ni Auntie kahit mahina ito.

"Sigurado po ba kayo? Kakausapin ko nalang po siya mamaya."

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at pinakinggan ang pag-uusap nila.

"Oo, hijo at salamat sa pag-aalaga mo kay Blue. Nagdala na din ako ng ilang damit para sa kanya. Ikaw muna ang bahala sa kanya."

"No, please talk to her. I hate seeing her cry, Ma'am. I hope you can settle it now."


"Sige na, Ales. Bukas nalang. Kawawa naman si Blue kung pipilitin natin siya."
Narinig ko ang tunog ng lakat nila papaalis na sa pintuan ng kwarto.

Nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko pa kayang kausapin si Auntie tungkol sa mga tunay kong magulang. I need time.

Time.

Hindi ko alam kung paano ko pa matatanggap na may magulang pala ako. I've been longing for my parents, yes, pero tanggap ko naman dati pa na hindi ko na sila makikita at makikilala dahil nakatatak na sa isipan ko na wala na sila.

Nakadepende na ako kay Auntie. Kontento na ako sa pag-aalaga at pagmamahal ni Auntie bilang magulang ko. And now, si Ales who was added to love me and to love him back.


I sighed heavily at yinakap ang malambot na unan sa kanan ko. Tumitig ako sa kawalan ng dilim. Bakit ngayon lang sila nagpakita?

"Baby... let’s talk, please. Buksan mo ang pinto." rinig kong mahinang katok.

Pinunasan ko ang luha ko. Hinawi ko ang kumot na nakataklob. Dahan-dahan ang lakad ko patungo sa pintuan bago ko ito mabuksan. I rubbed my eyes to stop my tears. Pero mas lalo lang itong tumulo nang makita ko si Ales.

"Oh, Blue..." he uttered softly at niyakap ako ng mahigpit. Doon na lumabas ang malakas na hikbi na kanina ko pa pinipigilan.

Para akong batang nagtatantrum dahil pinagalitan ng magulang. Ang iyak ko lang ang tanging omukupa sa paligid.


"Ssshh…tahan na." Inipit ni Ales ang mga pisngi ko sa kanyang mga palad at hinalik-halikan ang mga mata, ilong, pisngi at labi ko while showering soft words.

Tumili ako sa inis nang magtagal siya sa paghalik sa labi ko. Pinalo ko siya sa braso dahil hindi na ako makahinga, bukod sa bumabara na ang ilong dahil sa pag-iyak ko. He chuckled while and glared at him.

"Tahan na, baby ko..." he whispered at binuhat ako ng pambata. Naglakad siya patungko sa kama at ihiniga ako.

Hinigpitan ko lang ang kapit ko sa leeg niya at sinubsob ang mukha sa leeg niya at muling humikbi. Hinayaan ko lang siyang nasa ibabaw ko.

Kinabukasan, maaga akong gumising at naghanda. Napaki-usapan ako ni Ales kagabi na kausapin na si Auntie para malaman ang totoo. Nakombinsi niya akong harapin ito at hindi na patagalin pa dahil mas lalo lang daw akong mababagabag.

The Possessive Man's Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon